fall apart

1.2K 81 16
                                    

**

HINDI makapaniwala si Lawrence sa sinabi ni Lines. Nabitawan niya ito dahil nanghina siya binitawang salita ni Lines. "Tingin mo pano ko magagawa 'yon?" Sobrang baba at hina ng boses niya dahil nagbabadya ng tumulo ang mga luha. "16 years? Itatapon nalang natin basta-basta?" Hindi siya makapaniwala. Parang hindi niya kilala ang babaeng kaharap niya ngayon.

"Eventually makakalimutan mo rin ako. We need this." May pagdidiinang sabi ni Lines at binuksan muli ang pinto ng sasakyan.

"Lines, pag-usapan naman natin 'to oh." Pagsusumamo niya. "Lines.." Pero nasara na ni Lines ang pinto at umalis na. Sinubukan niyang kalampagin ang kotse ni Lines nagbabakasakaling bumaba ito at kausapin siya pero hinabol niya na ito't lahat wala pa rin. Iniwan pa rin siya.

Napaupo siya sa gilid ng kalsada at umiyak. Tanginang buhay 'to. Sinubukan niyang isipin kung bakit nagkaganito silang dalawa. Dati naman, masaya sila. Walang problema.

Minahal niya ba talaga ako? Bakit di niya ko magawang bigyan ng tsansang bumawi sakanya?

And then he realized that he was indeed given a chance. Pero may iba naman. Iba naman yung pinili ni Lines. It hurts so bad. Hindi niya alam kung gumaganti lang ito sakanya.

Nakabalik siya sa kotse niya na umiiyak pa rin. May iilang taong nakakakita sakanya at napapatingin. May iilang sasakyan ding dumadaan dito. He doesn't care anymore. He loooks like a mess. A walking misery.

Sumandal siya at napapikit. Kung sana ganon lang kadali ang lahat.

Umuwi siya at pinark ang kotse sa labas ng bahay. Masyado siyang pagod para ilagay ito sa garahe nila. Kita niyang bukas pa ang ilaw sa may living room at tama nga siya, naroon ang kapatid niya at ang tatay niya.

Umiwas nalang siya ng tingin at umakyat. Hindi siya lumingon o huminto nang tawagin siya ni Mavis. Pumasok siya sa kwarto at nagbihis. Pagkatapos, sumalampak siya sa kama.

Napapikit siya nang marinig ang katok. "Lawrence," It's his dad. Hindi siya nagabalang sumagot dahil hindi naman niya nalock ag pinto at panigurado, papasok at papasok ito.

Binuksan ni Mavis ang pinto at hindi ito nakalock kaya nagtuloy-tuloy na siya. Nakita niyang nakahiga ang anak—facing the opposite side of the room. Umupo siya sa gilid ng kama nito. Alam niyang gising si Lawrence at ayaw lang makipagusap pero he needs to talk to his son.

"Lawrence, if you want someone to talk to, andito ako."
After a few moments of silence, umupo si Lawrence at sumandal sa headboard ng kama niya. Napatikhim nalang si Mavis nang makita ang itsura ng anak. The light from his lamp illuminates at kitang-kita niya kung gaano ka wasak ang anak. He has seen Lawrence like this before—but now, it is worse. Parang may kumurot sa puso niya nang mapagtanto kung gaano na nasasaktan si Lawrence ngayon. Wala man lang ka emo-emosyon ang mukha pero halatang pagod at mahirap nang buuin.

"Lawrence.."

"I begged her again tonight." Mahinang pagputol ni Lawrence sa ama. Diretso lang itong nakatingin. "She told me to stay away from her and leave our sixteen years behind." He chuckled sarcastically but Mavis can see it, his son is once again on the verge of crying.

Yumuko ito. "All I want is another chance..." Garagal ang boses niya. "Another chance, Dad. To make things right. To fix us." Tumingin siya kay Mavis who is now tearing up as well. "I thought we wanted the same but she wanted us to fall apart."

Lumapit sakanya si Mavis at niyakap ito. "Lawrence..." He couldn't find the right words to utter. Lawrence's brokeness couldn't be fixed by words. After all, words could be cruel and deceiving. That's why he's here.

"Is it too hard to give someone you used to love a chance?" He cried and cried. Bakit sobrang hirap para sakanya 'yon? One mistake over the sixteen years. All he did was make her happy. All he did was for her. And all of those was forgotten because of one mistake.

Mavis thought that it was very hard for his son. Simula bata palang ito tungkol na siya kay Lines. Para kay Lines lahat. They built the future together. They built everything together. If they could only see how he looks at her with love..but now he could only look at her with longing.

"Just stay strong, anak okay? Nate, your Mom and I. Andito kami." He tapped his son's back. "You have to rest." Hindi ito sumagot. Pinahiga niya na si Lawrence at kinumutan. Nakapikit na ito and before he leave, he kissed Lawrence at the top of his head. "Everything will be okay."

THE next morning, naghanda si Prim ng almusal. "Wake your brother up na, Nate." Nasabihan siya ni Mavis at Nate kagabi kung anong nangyari. She needs to talk to him as well. Pero kailangan niya ring pasayahin ang anak lagi. That's her plan. Budburan ng kung ano mang positivity ang anak. Inilagay niya ang mga paborito ni Lawrence at Nate sa mesa. "Ang dami naman niyan, Ma!"

Hindi niya matantiya kung nagrereklamo ba ito o natutuwa. "Oh sige wag ka na kumain."

"Joke lang! Good morning, Dad!"

"Good morning, Nata."

Lahat sila napagusapang pasayahin nalang si Lawrence from this day forward. Kung kailangan nilang mag family day araw-araw gagawin nila para manumbalik si Lawrence.

"Oh akyatin mo na Kuya mo dun. Tell him breakfast na."

"Okay, okay. Sige." Nakangiti namang pumayag ito at umakyat na.

Pagka-akyat ni Nate, hindi nakasarado ang pinto kaya agad siyang nakapasok. "Kuya.." Pero wala ito sa kama niya. "Ah, baka naligo." Sabi niya kaya pumunta siya sa bathroom. Pero agad nanlaki ang mata niya nang hind nakasara ang bathroom at nakaawang pa ito.

"Sh-t," Tuluyan niya itong binuksan. "Kuya!" His eyes widened in horror.

Agad-agad niya itong inangat. "MAMA!! PAPA!!" Nabitawan naman ni Prim ang kung anong hawak niya at dali-daling umakyat gaya ni Mavis.

Pagkarating nila ay nasa baba na si  Lawrence at nasa bisig ni Nate. "Ma, si K-kuya.."

They realized that the tub was full of water. Sinubukan niyang lunurin ang sarili niya.

**

Sorry na, katatapos ko lang ng 13RW. Kaya ito yung naisip kong attempt.

Baka magupdate ulit ako mamaya. Huhuhu wala ako magawa.

LAWRENCE AND LINESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon