Prologue

39 5 0
                                    

 “Bitiwan mo ko! ano ba? sinabi ng bitiwan mo ko eh! Ano pa bang gusto mo??!! Nakuha mo na lahat sakin di ba?Anu pa ba? parang awa mo na eto na lang ang meron ako, eto na lang ang natitirang bagay na nagpapaalala saakin na minsan sa buhay ko may ginawa akong tama! kaya please., ngmamakaawa ako wag naman pati ito kunin mo saken! umiiyak na sabi ko sa kanya.

Nagpupumiglas pa rin ako sa mahigpit na paghawak nya sakin habang siya ay patuloy sa paglalakad habang ako ay halos mawalan na ng lakas sa pagod at galit! Paano nya to nagagawa? Alam kong masama ang ugali nya at manloloko siya pero eto?Mas masahol pa siya sa hayop!!!

Susunod ka sa lahat ng sasabihin ko sa ayaw at sa gusto mo! Wag ka ng mag inarte diyan na parang aping api ka! Balang araw pasasalamatan mo din ako sa gagawin natin! nagpipigil sa galit na sabi niya sakin.

How dare him to say that infront of my face?!! How dare him to do this to me?!! tahimik na tanong ko sa isip ko.

Nagpupumiglas pa rin ako habang hindi pa kami nakakasakay sa sasakyan niya dahil alam ko pag naisakay niya ko wala na akong magagawa pa..Kailangan ko umisip ng paraan kung paano.!! Lord please, wag niyo pong hayaang magtagumpay siya sa binabalak niya!

Malakas na pagtulak ang ginawa niya para maisakay ako sa sasakyan habang ako ay patuloy sa pagpupumiglas!

Sinamantala ko ang pagkakataon na papunta siya sa driver seat.Malakas kong itinulak ang pinto ng sasakyan at tumakbo ng tumakbo! Wala na kong pakialam kahit nasa gitna pa ko ng daan basta ang alam ko kailangan kong lumayo sa demonyong yon! Hindi nya ko dapat maabutan! lakad takbo ang ginawa ko habang siya ay patuloy pa rin sa pagtawag ng pangalan ko at patakbo ring sumusunod saakin!

Samantha!!Samantha!!Stop running!Bullshit !tawag niya saken.

Napalingon ako sa kanya dahil alam kong maaabutan na niya ko.Kinakapos na ko ng hininga! I dont think I can do this but I have to and I need to..

Liwanag na nagmumula sa sasakyan na kasalubong ko ang nagpahinto sa pagtakbo ko! tila napako ako sa kinatatayuan ko dahil hindi ko nagawang makakilos! Malakas na pagpreno ng sasakyan ang huling narinig ko bago ako nawalan ng malay.....

Lord please nooooooo.....

One Last Chance..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon