CHAPTER THIRTY EIGHT

8 3 0
                                    

Dalawang buwan na ang matuling lumipas pero wala pa ring Leighton na dumating.Miss na miss ko na siya.Lumalaki na ang tiyan ko na hindi ko man lang siya nakakasama pagpapacheck up.Panay si Jake ang sumasama tuwing may check up ako kahit ayaw ko dahil naiirita ako sa mukha niya.Pinaglilihian ko ata dahil nagsimula lastmonth eh nayayamot na ko pag napupunta siya sa bahay.

Gwapo naman siya pero ayaw ko siyang paglihian dahil baka lumambot din ang anak ko.Baka bugbugin sila ng ama nila.Pero kahit naiinis ako sa kanya ay hindi ko maiwasang mapansin na lately ay nabawasan na yung mga beki words niya.Hindi ko na din siya nakikita panay na kumekombot.May nagiba na sa kanya pati narin kay Ara.

Kung may isang bagay na ikinatutuwa ko sa kanya ay ang makita kong parang maayos na sila ni Ara.Hindi na sila gaano nag aasaran lagi.Parang may something na sa kanila.Hindi ko sure pero parang ganun na nga.Ayaw ko makialam sa kanila pero hindi ko mapigilan magpaka cupid minsan.Hehe.Enough with them..

Nanggaling kami sa doctor kahapon at napag alaman kong hindi pa din ako pwedeng maggagalaw dahil medyo delikado sakin.Sinubukan kong magpaalam kay Dra. kung pwede akong magtravel pero hindi niya ko pinayagan dahil masyado daw delikado lalo na pag out of the country.Binabalak ko sanang sundan si Leighton dahil wala naman atang balak yung bumalik sakin.

Pag nakikita kong nag uusap yung mag ama sa skype at nakikisingit ako eh pinapatay agad nito.Pag tumatawag naman ako sa kanya puro ring lang hindi man lang niya magawang sagutin kahit isa.Sa loob ng dalawang buwan na dumaan ay halos araw araw ko siyang tinatawagan.Minsan sa gabi naiiyak na lang ako pag tinatawagan ko siya na ayaw sumagot.Naiisip ko na baka hindi na niya ako mahal.Baka may iba na siya dun.Mababaliw na ako kaiisip samantalang siya ay parang walang pakialam sakin.Hindi ko ilalabas tong mga anak niya pag hindi kami nagkaayos!Swear!!

Minsan nga gusto ko ng itanong sa mommy at daddy niya kung asan na siya pero napapangunahan ako ng hiya.Kung tumawag kaya ako sa kanya at sabihing naaksidente ako pupunta kaya siya?Pero hindi ko naman gagawin yun dahil alam kong magagalit siya..

Three months........

Four months............

Five months.............

Six months later...............

Arggghhhhh mamabaliw na talaga ako!Hindi na yata talaga niya kami mahal.Six months na ang nakakaraan pero ni ha ni ho wala man lang akong naririnig sa kanya.Nalaman na nga namin at lahat ang gender ng babies namin pero wala pa rin siyang pakialam.Pasalamat siya hindi ako pwedeng magbiyahe kundi pupuntahan ko talaga siya kung nasaan man siya para kutusan! Napaka niya!

Bahala siya sa buhay niya!

Hindi ko na siya mahal!

Ayaw ko na sa kanya tutal naman parang wala lang naman kami sa kanya!









Kasalukuyan akong namimili ngayon ng mga iba pang gamit nina babies sa mall.Kasama ko sina Ara at Rain habang namimili.Sila ang mga tagabitbit ng mga pinamili dahil hindi na ko pwede magbuhat dahil para na akong may dala dalang isang sakong bigas sa laki ng tiyan ko ngayon.Kahit hirap na hirap na ko sa paglalakad ay pinilit kong makasama dahil gusto ko ako mismo ang bibili ng gagamitin ng mga babies ko.Gusto ko din hands on ako pagdating sa kanila.

Napalingon ako sa paligid ng maramdaman ko na namang tila may nagmamasid sakin.Hindi ko maiwasang  makaramdam ng kaba dahil nitong mga nakaraang buwan pakiramdam ko may nagmamasid palagi sakin.Kaya nga tinawagan ko si Gemma para iverify kung nasa mental hospital pa din si Bea kaya naman medyo nakahinga ako ng maluwag nanatili pa ring may kaba sa dibdib ko sa kaalamang may nagmamasid pa din sakin.Alam ko,hindi ako maaaring magkamali.

One Last Chance..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon