CHAPTER FORTY ONE

18 1 0
                                    

Pagbaba namin ni Lei ay kitang kita ko sa mga mata ni jake at Arra ang panunukso dahil antagal namin bago bumaba.Napalikot kasi nitong lalaking kasabay ko eh.Kung ano ano ang pinaggagawa sakin pero nah enjoy din naman ako kaya keri lang.

“Daddy! tumatakbong salubong ni Rain sa daddy niya.Kitang kita na miss na miss niya ito.Hindi ko din masisi dahil ilang buwan din silang hindi nagkita.

“Daddy,bakit po hindi niyo ko ginising nun dumating kayo?

“Hindi na kita ginising baby dahil maaabala ang tulog mo.Hindi ka agad lalaki sige ka,diba ayaw mo naman nun? palusot ni Lei.

“Yes daddy,I want to be a lady na like mom.Para po allowed na din ako magboyfriend.

“Whatttt??? Pag 40 years old ka na tsaka lang kita papayagang magboyfriend!Bakit yan agad ang nasa isip mo eh ang bata bata mo pa?

“Over ka naman sa 40 years old mister.Baka naman hindi na tayo magkaapo nun.Hindi mo naman kasi masisi yang anak mo dahil nagmana sakin ng kagandahan kaya ngayon pa lang may nanliligaw na..

“Ano??? May nanliligaw na agad kay Rain?

“Hoy mister.grabe naman yang reaksyon mo!May nagkakacrush lang sa kanya.Wag ka ngang OA diyan! Mga bata pa yan!Hindi pa niya alam ang mga pinagsasabi niyan.Ikaw kasi antagal mo hindi nagparamdam eh yan tuloy hindi ka updated diyan sa anak mo..Relax ka lang.

“Oo nga po daddy.,sabi din po ni popsi at momsi ok lang daw po may manligaw sakin basta hindi ko muna sasagutin kasi sabi nila pwede na daw pag Lady na ako kaya I want to be a lady na po..

“Papagalitan ko yan momsi at popsi mo.kung ano ano ang itinuturo sayo.Lika dito,samahan mo ko sa kotse,may pasalubong ako sayo!

Natatawa na lang ako sa mag ama na ngayon ay papunta sa labas.Kita ang excitement at saya sa mata ng anak ko.Halatang masyadong namiss ang daddy niya.Goodluck na lang sa mga magiging manliligaw ni Rain dahil mukhang mahihirapan sila.Sa nakita ko sa reaksyon ni Lei ay hindi agad sila uubra.Masyadong overprotective.Hindi ko tuloy maiwasang maisip si daddy,kung kasama ko kaya siya habang lumalaki ako ganon din kaya siya ka overprotective sakin?Kay Mama kasi ayos lang basta alam ko ang mga limitations ko eh.Tsaka hindi naman ako pala boyfriend nun kabataan ko.Mas abala ako sa pagtulong kay Mama sa restaurant.

Speaking of daddy,kailangan ko palang itanong kay Lei kung bakit sakin pa din nakapangalan ang kompanya ni daddy.Sa ngayon kailangan ko munang ipaghanda ng kakainin ang mag ama ko na ngayon ay masayang naghaharutan sa garden.

Masyado akong busy sa pagluluto ko ng may maramdaman akong yumakap sakin at inamoy amoy ang leeg ko.

“Leighton ano ka ba?Baka may makita sayo nakakahiya!Kung ano anong ginagawa mo diyan.Ramdam ko ang pagdaan ng kamay niya sa ibabaw ng dibdib ko.Dala na rin siguro ng hormones nilang buntis kaya tila naapektuhan ang pagkatao ko sa mga ginagawa niya.Nakakaloka!

“Itigil mo na yan ano ba?Nakikiliti ako..Baka masunog yung niluluto ko.

“Hininaan ko na ang apoy.Wag kang mag alala nasa garden si Rain nilalaro ni Jake at Arra.Busy yung masyado sa pasalubong ko sa kanya.Sobra lang kitang namiss.Ilang buwan din tayong magkalayo.

“Masyado ka kasing pabebe diyan eh.kung hindi lang ako bawal magbyahe ng malayo pupuntahan kita dun para kutusan!

“Talaga ba?So hows our baby babies sa tummy ni mommy?Mabait ka ba diyan nung wala si daddy? tanong nito habang hinihimas ang tiyan ko.Narinig yata kaya sumipa ito.

“Woah! What was that?Gumalaw siya?manghang tanong nito.

“Opo..sumipa sila.Narinig ka ata niya kaya sumagot.

One Last Chance..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon