CHAPTER THIRTY SEVEN

13 3 0
                                    

Pagkagising ko kinabukasan ay sinabi ko agad kina auntie at Ara ang nakita ko pero sinabi lang nila na baka guni-guni ko lang daw yung nakita ko kaya hindi tumigil na ko kahit pa andun pa rin sa isip ko ang pagdududa.

“Hello San Francisco!Hello America!Hello Worrd!Maganda pa ako sa umaga!!

“Buti na lang hindi nakakaintindi ang mga taga dito ng tagalog kung hindi baka hinuli ka na ng mga pulis sa pinagsasabi mo!

“And why would they do that?

“Dahil bawal na ang sinungaling! hahaha..

“Tse! Naiinggit ka lang dahil mas sexy ako sayo lalo na ilang buwan mula ngayon ay magiging balyena ka na samantalang ako  kahit anong mangyari sexy pa din! Isn't it great?

“In your dreams..natatawang sabi ko.

Pansamantalang nawala sa isip ko ng dumating si Jake sa bahay.Ganito yan pag andito sa San Francisco bigla bigla na lang sumusulpot sa bahay! Kaya nga akala ng mga tao boyfriend ko to dahilan para maging kumpulan kami ng tukso..Hay naku..kung alam lang nila mas malambot pa to sakin!

“Anong ginagawa mo dito?Ang aga aga ang ingay mo..Maririnig ka ng mga baby ko baka marindi sila.!

“Wow thank you ha?Hindi mo man lang ako inalok ng kinakain mo! You're so bait talaga my friend! sarkastiko nitong sabi.

“Bakit pa kita aalokin eh alam ko namang makikikain ka talaga kaya ka nagpunta dito!Si tita na naman ba ang nagluto?

“Yes! Alam mo naman si Mama sa numbers lang magaling! Mas okay pa nga na may trabaho si Mama dahil hindi siya nagluluto!Nakakaloka..May sakit si Papa kaya hindi nakapagluto..

“You're so mean! may mga kulang lang sa niluto niya pero pwede namang kainin..sabi ko..

“Nah! convince me more..

“Totoo naman.,tska tinuturuan ko na din si tita paminsan minsan kaya nag iimprove na..masyado kang harsh!Baka  nakakalimutan mong lumaki ka dahil sa luto ni tita!

"Excuse me lang ha?Have you seen my pictures when I was a kid?! My God!Konting hangin lang liliparin na ako!Naenjoy ko lang ang pagkain nung natuto na akong magluto..

“Wag ka na ngang maingay mamaya niyan marinig ka ni Rain isumbong ka sa mama mo lagot ka!

“Nagtataka nga ako diyan sa anak mo bakit natatagalan ang luto ni Mama.Wiling wili sa bahay..

“Ano ka ba! Maswerte nga ako dahil mahal na mahal nila ang anak ko eh!Nung mga panahong kailangan ko ng tulong nandiyan sila..

“Yeah..enough with the drama..Kung saan saan na napunta ang usapan natin! Ang aga aga..Makikikain ako ha?Hindi ako nakakain ng ayos sa bahay eh..

Natawa na lang ako ng makita kong kumuha na siya ng pinggan niya.Buti na lang nagluto ako ng breakfast namin ngayon.Maayos na kasi ang pakiramdam ko hindi pa lang ako masyado pwede maggagalaw ngayong buong week.Bawal pa akong umalis ng bahay..

“Pasyal tayo..Saan mo gustong pumunta? tanong ni jake sakin.

“di ba nga bawal pa akong lumabas ng bahay ngayong week sabi ng doctor?

“Ay sorry naman po agad.,nawala sa isip ko!

“Naku.,ganyan talaga pag nagkakaedad na..nagiging ulyanin.Ininom mo na ba ang mga gamot mo?natatawang sabi ko.

“Anong gamot ang pinagsasabi mo diyan.?Excuse me lang ha? 21 pa lang ako..kung may matanda dito ikaw yun!Tsaka si Arra. turo nito kay Arra na kasalukuyang papasok ng kusina..

“Matanda ako? duuhh? Virgin pa nga ako matanda agad? fresh na fresh pa to uy!

“Iwww!!! kadiri ka..May lumot na yan! biro ni Jake.

One Last Chance..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon