CHAPTER TWENTY-FOUR

7 2 3
                                    

Just seing her and my baby everyday wants me to go and hug them but I cant..I know how much she hates me! Ako ang sinisisi niya sa mga nangyari..Pero hindi ko gusto yun..kelangan ko silang iligtas kaya kelangan kong makipagkita sa kanya pero nagulo ang plano ko ng tumakbo siya..

flashback....

Habang nasa Dubai ako panay pa din ang pagsesend sakin ng mystery sender ng mga litrato niya.Parang minamatsagan siya.Yun din ang dahilan kung bakit nalaman ko na may nangyari kay Sam dahil ngpadala ito ng video habang nasa likod ni Sam.Kitang kita ko kung paano natumba si Sam sa semento..Nagsimula na akong kabahan ng mga panahong yun. Nalaman ko din na hindi aksidente ang nangyari kay Daddy.May nagplano ng lahat dahil nakita sa CCTV na inabangan talaga ang sasakyan nina daddy bago lumabas bigla ang isang truck.Nabigla ang driver dahil nga bigla na lang sumulpot ito mula sa kung saan kaya nakabig nito ang manibela at bumangga sa poste.Buo na ang paniniwala ko na ako ang rason bakit nangyayari to kaya ng iannounce ni marj ang kasal namin ay hindi na lang ako ng react dahil ang nasa isip ko para hindi na madamay pa ang mag ina ko..Pansamantalang natigil ang pagpapadala sakin ng mga picture ni Sam kaya medyo nakahinga na ako.Itinuon ko ang atensyon ko sa paglutas ng kaso sa pagtatangka sa buhay ni daddy..Nung malaman ko na babae ang suspect sa kaso ay agad kong kinompronta si Marj dahil siya lang ang may motibo na gawin yun! Nasa isip ko kaya yun ginawa ni Marj ay dahil para mapauwi ako ng Dubai pero ngkamali ako dahil wala siyang kinalaman sa kaso..

Hanggang isang araw,may tumawag sakin dahil gustong makipagkita.Sinabi niya na kung gusto kong malaman kung bakit nangyayari ang lahat ng ito ay kelangan makipagkita ako sa kanya Nagdalawang isip ako nung una pero naisip ko na kelangan ng matapos ito.

Sa isang mall ko sinabi na pwede kami magkita para maraming tao..Ikinabigla ko ng sinabi niyang hindi ako ang target niyang pabagsakin kundi si Sam.Ayon sa kanya anak siya ng napangasawa ng Daddy ni Sam., so ibig sabihin stepsister siya ni Sam.Galit na galit ito kay Sam dahil para dito inagaw ni Sam sa kanya ang lahat.Yung kompanya na dati siyang namamahala ay kay Sam ipinamana at ang halos lahat ng ari arian ng mga Salvatorre.Bahay at kaunting pera lang daw ang ipinamana sa kanya ng kanyang amain.Nagalit ito kay Sam dahil ayon dito ito ang sumira sa pamilya nila..Kaya gumagawa siya ng hakbang para mapabagsak ito.Yung nangyari kay daddy ang patikim niya para magamit niya ako sa masamang balak niya..

Nanghilakbot ako sa iniutos niya na saking gawin..Gusto niyang ipapatay ang anak ko na wala pang kamuwang muwang...Nababaliw na itong babaeng to! Kahit gusto kong pilipitin ang leeg ng nito ay pinigilan ko ang sarili ko at nagpanggap na lamang na parang susundin ang utos niya..Bago ako umalis at makipagkita kay Sam ay may inilagay siya sa damit ko..Alam kong mikropono yun! Alam kong nakikinig sila at nasa paligid lang na nagmamatsag kaya naman kelangan kong sabihin kay Sam ang lahat ng mga sinabi ko..Kailangang magalit siya para umobra din ang plano ko..Nakita ko si Bea na nakamasid samin ng palabas na kami ng restaurant..Ang nasa isip ko lumayo kami dito..o kaya pumunta sa police para ireport ang stepsister ni Sam..

Nang makita kong nasagasaan si Sam ilang segundo akong hindi makagalaw.,Bumalik lang ako sa wisyo ng makita ko si Bea sakay ng sasakyang nakabangga kay Sam habang nakangisi..

Dammit! Hindi ako makatingin ng diretso kay Sam habang sakay kami ng ambulansya..

Babe please..lumaban ka! Im so sorry...

Nagngingitngit ako sa galit pag naiisip ko si Bea,pag may nangyaring masama sa mag ina ko ako mismo ang papatay sa kanya..Mark my word!

Ilang oras nasa operating room si Sam dahil kritikal ang lagay nila.Pag hindi naging stable ang lagay niya kakailanganing alisin ang bata.Masyado ng maraming nawalang dugo sa kanya..
Taimtim akong nananalangin na sana malampasan nila ito..Tumawag na ako sa mga koneksyon ko para ipahanap si Bea..

One Last Chance..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon