CHAPTER TWENTY-FIVE

11 2 0
                                    

Ara.,pakitingnan naman kung sino ang ngdodoorbell ihahanda ko lang ang almusal ni Rain.

Oh mi gush!!Sam, kelangan mong makita to!Ay nakakakilig naman to.. May secret admirer ata ako o baka sayo..

Naintriga ako sa sinabi ni Ara kaya naman iniwan ko sandali ang niluluto ko at pumunta sa labas..

Kanino galing yan?Gagawin niya bang flowershop itong bahay?Hindi mo ba naabutan yung naglagay diyan ng mga yan?Yung nagdoorbell?

Hindi eh,paglabas ko wala ng tao.,wait ,heto yung card baka may nakalagay kanino galing baka kasi sakin e..haha..

Kinuha ko agad at binuksan sa pag aakalang may nakalagay kung kanino galing pero wala!

Naku ha? ang haba ng hair mo day!Baka naman akin yan..Baka may nagkamali na rin sakin sa wakas!

Natatawa akong napatingin sa kanya..

Sino ba si Samantha satin.?

Ay naku..sabi ko nga..anung balak mong gawin dito?

Ilagay natin sa mga vase dito tsaka sa restaurant..Paborito ko pa naman yan! Whoever the sender is..like ko na agad siya dahil paborito kong mga bulaklak ang pinadala niya..

Nagdadalaga ka na day..Naku pag nalaman ni Rain na galing sa manliligaw mo to magwawala na naman yun!

Wag na lang nating sabihin,naku baka sumpungin na naman yun!

Ay naku.,alam mo namang nahawahan ko yun ng katalinuhan kaya kahit hindi mo sabihin malalaman niya pa din yun!

Mommy..im hungry na po..
Pupungas pungas ito habang naglalakad palapit sakin..

wait anak,ipeprepare ko lang yung pagkain..

What's with the flowers mommy?

Ah..yan ba? ah,.eh..kay ate Ara mo yan
bigay nung manliligaw niya..palusot ko sa anak ko..

When did Ate Ara change her name into Samantha.? nagdududa nitong tanong..

Patay!Nahablot agad sakin yung card..

oh! right..I forgot.,i ordered that yesterday para sa restaurant..

Really?

Yeah..we'll gonna need that because one of our costumer's rent the restaurant for his proposal..
Na totoo naman talaga..

Alam kong may pagdududa pa din sa mukha ng anak ko kaya hindi ko n lang pinansin..Masyado kasing sensitive ang anak ko pag lovelife ko na ang pinag uusapan..Palagi niyang sinasabi saken baka lalong hindi umuwi ang daddy niya kasi pinagpalit ko na.6 years old pa lang ang anak ko pero kala mo matanda na kung mag isip..

Come baby.,sit down na..kain na tayo!
Baka malate ka pa sa school..Marahil ng nagtataka kayo kung bakit ko kinakausap ang anak ko ng tagalog dahil as much as possible gusto kong matutunan niya ang salita natin kahit nasa ibang bansa.Natutuwa nga ako kay Rain dahil ganadong ganado siya makinig pag tagalog time na kami.Kaya vibes sila ni Tatay rico e,madami yung alam na malalalim na tagalog words kaya minsan mas madami pa tong anak kong alam na tagalogna malalim kesa sakin.Minsan nga kakausapin kami nito ng ganun,mas nakakanosebleed pa sa english!

My,.malapit na po ang birthday ko..

Oo nga no? next week na..Anu bang regalo ang gusto mu?

I want daddy to come home..

Naku!Nalintikan na..paano ko naman maibibigay yun sa kanya kung hindi ko alam kung nasaang lupalop ang ama nito? At kahit pa alam ko imposible din yun dahil mamaya niyan magalit pa ang asawa nito.Yun nga ang dahilan bakit ayaw niya sa anak ko.

Hay nako..hindi ko tuloy maiwasang maawa sa anak ko..Sa tamang panahon sasabihin ko din naman sa kanya ang totoo pag naiintindihanna niya.Sa ngayon papaniwalain ko muna siyang nasa outerspace siya o kaya naabduct ni piccolo..

E di ba nga baby nasa outerspace si daddy kasi ngbabantay ng mga alien na papasok sa planet earth.Pag umalis sila dun lulusubin tayo ng mga alien,magugulo tayo gaya ng nangyari dun sa Independence day na movie,gusto mo ba yun? mahabang paliwanang ni Ara..

Nakita niya siguro akong natigilan kaya siya na ang sumagot kay Rain..

Hindi po..pero gusto ko na po talagang mameet si daddy.,mommy,hindi po ba talaga pwede na tayo ang dumalaw kay daddy? di po ba marami naman tayong money?

Anak, di ba napag usapan na natin yan? na hindi pwede..? wag ng makulit..finish your meal.,malelate ka na..Magpeprepare na kayo ni ate Ara pagpasok..

ok mommy,i'm sorry..

Hindi ko mapigilang malungkot pag nakikita kong malungkot ang anak ko,kung sana gaya na lang kami ng karaniwang pamilya e di sana maayos na..Kaso wala eh,nauwi din sa ganito.Ilang beses kong binigyan ng chance si Leighton pero niloko at sinaktan niya lang ako ng paulit ulit.Mapapatawad ko pa sana siya kung ako na lang sinaktan niya e,kaso madami ng nadamay.Muntik ng nawala ang anak ko dahil sa kanya,nawala si mama ng hindi ko man lang naihatid kahit sa huling hantungan dahil din sa kanya,kinailangan kong bitawan ang isa sa mahalagang bagay na iniwan ni papa sakin dahil pa rin sa kanya at ngayon nga,nakikita ko kung gaano nangungulila sa isang ama ang anak ko dahil wala siya.Dahil wala siyang pakialam.Masakit yun sa isang ina na nakikita mo ang anak mo na nahihirapan.Kung pwede ko lang akuin ang lahat gagawin ko..

Mommy,sorry po..Pasok na po ako.iloveyou..

Iloveyou too anak,hindi naman ako galit.Ingat kayo ha?Pag may nangbully sayo sabihin mo agad kay teacher ok?

ok po..


Ilang araw ng palaging may nagdadala ng bulaklak dito sa bahay..Nagmumukha na kaming flowershop dito.Tuwing umaga pag nagigising ang anak ko palagi na lang nakabusangot pag nakikita ang mga bulaklak.Nakakatunog na yata na hindi ko inoorder ang mga bulaklak..Nagtataka na din ako kasi ngayon lang tumagal ang ngpapadala sakin ng bulaklak e.Dati kasi pag may nanliligaw o ngpapadala ng bulaklak palaging isang beses lang hindi na nauulit..Ewan ko ba..

Minsan nga sinubukan kong makipagdate na pinakilala sakin ng isa sa naging kaibigan ko.Ok naman yung date namin,nagustuhan ko siya dahil gentleman at mabait'nung sinabi ko nga na may anak ako ok lang sa kanya.Nagpalitan kami ng number dahil sabi namin susundan pa yun paglabas paglabas namin pero ilang araw na akong nag iintay mg text o tawag sa kanya pero wala.Ganun din ang nangyari sa iba kaya sinabi ko sa sarili ko na hindi na ko umaasang magkakalovelife ako..Hay naku..

Balik tayo sa ngayon.,kasalukuyan kong inaabangan ang maglalagay ng bulaklak sa harap ng bahay namin.Palagi kasing ganitong oras may nagdodoorbell eh.Nagtago ako sa may malapit sa bintana ng sala para makita ko.Sisilip silip ako habang nang aantay hanggang sa may nakita na akong papunta ditong lalaki na nakahood habang may dalang bulaklak..

Teka lang.,bakit galing sa katapat naming bahay yung lalaki..Yung anak ba nina tita emma ang secret admirer ko?It can't be..ni hindi la nga kami personal na nagkakakilala eh.Anong trip nun.?

Tamang inilapag na niya ang mga bulaklak ng may pagmamadali pero maingat kong binuksan ang pinto.

Wait..Who are you? tanong ko pero mabilis itong tumalikod sakin..

Sino ka ba? Bakit palagi kang nagdadala sakin ng bulaklak? pero hindi pa din ito nagsasalita..

Hey..hindi ba dun ang bahay mo sa tapat? bakit papunta ka diyan?

Natigil ito sa paglalakad sa sinabi ko. Akala niya maiisahan niya ko!

Look.,naappreciate ko ang pagdadala mo ng bulaklak sakin.Salamat.Wag kang mag alala hindi naman ako nangangagat kaya ok lang na magpakilala ka.Sa katunayan nga gustong gusto ko yung bulaklak.,paborito ko kasi yun eh,.

Pag hindi ka humarap dito ihahagis ko sayo tong paso! O kaya kakasuhan kita ng stalking..

Napangiti ako ng unti unti itong humarap sakin..

Pero unti unti ding nawala ito ng mapagsino ko kung sino ang nasa harapan ko..

What are you doing here?!Paano mo nalaman na dito kami nakatira.?!






TBC



One Last Chance..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon