CHAPTER THIRTY NINE

21 3 0
                                    

Pauwi na kami ngayon ng bahay.Si Ara ang nagmamaneho dahil hindi ko na kayang magmaneho dahil nahibirapan na ako dahil parang sikip na ako sa driver seat tsaka nakakaramdam na din kasi ako ng antok.Gabi na rin kasi ng matapos kami pamimili.

“So kayo na? tanong ko kay Ara.

“Hindi.,hindi naman siya nanliligaw eh.Tsaka hindi ko sure kung lalaki na ba talaga siya..

“Palagi kayong nakikita ni Rain na nagtutukaan e hindi pa kayo?Ano bang sabi niya?

“Hindi pa daw siya sure kasi ang alam daw kasi niya lalaki ang gusto niya.Naguguluhan daw siya..

“annooo? halik siya ng halik sayo tapos sasabihin niya lalaki ang gusto niya?Naku! Makukutusan ko talaga yun!

“Ok lang.,hindi ko naman siya minamadali.Hindi naman madaling baguhin yun dahil matagal na panahon siyang naging ganun.Pero umaasa akong malalaman niya agad kung ano ba talaga siya.Hindi naman niya magugustuhan ang halik ko kung bakla talaga siya di ba?Alam ko nararamdaman niya din yung sparks sa isat isa..

“Siguro nga.,pero alalay ka lang ha?Hindi masamang magmahal basta alam mong may tinitira ka sa sarili mo ok? Mahirap masaktan.Trust me,been there done that.

“Bukas na lang natin ibaba ang mga pinamili nating mga gamit nina baby.Magpahinga na muna tayo..

Nang malapit na kami sa bahay ay may nakita kaming kotse na nakahinto na sasakyan sa harap ng bahay namin.

“Speaking of the devil..

Nakita ko kung paano magningning ang mga mata ni Arra ng makita na kotse ni Jake yun.Hindi nga kami nagkamali ng malita namin siya sa may garden.

“Good evening.sabi nito.

“Why so formal? Sa akin ba yan?Thank you..pang aasar ko sa kanya.Akmang aabuti ko ang bulaklak niya iniiwas niya ito.Nakatitig ito sa likod.Alam ko na agad kung sino ang tinititigan nito.Nakarinig ako ng mga yabag na papalapit samin kaya alam kong si Ara yun.Hindi ko na nilingon pa ito.

“Bakit bulaklak lang?Hindi mo man lang sinamahan ng chocolates? Paano kita sasagutin niyan?Sabi ko pa.

Nakita ko itong umiiling habang nginunguso ang nasa likod ko.

“Sige sa ngayon tatanggapin ko yang bulaklak pero nexttime magdala ka ng chocolates para sagutin kita ok.?

“Ehheemm..

Napalingon ako sa likod ko ng may marinig akong tumikhim.Naintriga ako dahil parang lalaki.

Nanlalaki ang mata ko sa nakita ko.

“Leighton!!

“Akala ko ikaw ang sosorpresahin ko pero mas nasorpresa ako sa nadatnan ko!Ilang buwan lang ako nawala nagpapaligaw ka na agad.Sige lang..Ituloy niyo lang yan!

Tumalikod na agad ito at naglakad palayo.Hindi agad ako nakapagreact sa nangyari dahil sa pagkabigla.Totoo ba yun o nananaginip lang ako?

Ligaw??

Leighton??

Wait...

“Nananaginip ba ako? totoo ba to? tanong ko,

“Hindi ka nananaginip dahil nagalit ang prinve charming mo dahil akala niya manliligaw mo ako!

“What!?bakit naman niya iisipin yun?Wait..narinig niya yung sinasabi ko sayo?

“I think so..ikaw kasi pinagtripan mo pa ko!Nasaan na ba kasi si Arra?

“Walanghiya ka!Bakit hindi mo agad sinabi na nasa likod pala siya?Inaasar lang naman kita!

One Last Chance..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon