CHAPTER ELEVEN

19 2 0
                                    

I can't believe na sa simpleng kantang yun ay maapektuhan ako! Ni hindi ko na nga inantay makababa si Sam dahil baka hindi ko na naman mapigilan ang sarili ko.

Kailangan ko ding itago sa kanya ang pamumukol ng pantalon ko na unti unting nabubuhay!

I badly need a cold shower!

Alam kong nagtataka siya sa inasal ko kanina..Pagkapasok ko sa loob ng kwarto ko ay sa Cr ako dumiretso at binuksan ang shower kahit  may suot pa kong damit!

Arrgghh! Mamaya na lang ako lalabas pag kakain na baka sakaling humupa na ang init ng aking katawan..

Habang nasa loob ako ng shower ay hindi ko maiwasang balikan ang nakraan na parang kahapon lang nangyari..

Naagaw ng atensyon ko yung waitress na napadaan sa harapan ko.Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya habang nagbibigay ng wine sa mga bisita.Mukhang hindi siya ordinaryong babae. Maganda siya na pag naisip mo ang salitang maganda eh siya agad ang maiisip mo.Tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa..

Heart shape na hugis ng mukha,hindi katangusang ilong na bumagay lalo sa kanya.

She also got a nice lips.

Those expressive eyes,medyo may katangkaran,balingkinitang katawan hanggang sa mapadako ang tingin ko sa kanyang pang upo na kasalukuyang may inaabot sa lapag.

Hindi ko maiwasang mapalunok,nararamdaman ko din na bahagyang sumisikip ang pantalon ko.

Let us all welcome Mr.Leighton Wade Libiran.!!

Naagaw ng atensiyon ko ng magsalita ang Host at tawagin ang pangalan ko.Naglakad ako sa papunta sa stage kaya pansamantalang nawala sa isip ko ang babae..

Nagpasalamat ako sa lahat ng dumalo at nagbigay ng konting speech.

Kakatapos ko lang makipag usap sa may ari ng catering service na kaibigan ni auntie dahil nagustuhan ko talaga ang mga pagkain nila lalo n ang pasta.

Napatingin ako sa may bar ng makita ko ung waitress na nakikipag usap sa anak ni Mr. Buenaventura na isa sa mga anak ng shareholders ng kompanya ni daddy na kilalang Playboy.Hindi ko maiwasang magngitngit ng makita kong kinuha niya ang nakalahad na kamay ni Mr.Buenaventura.Ngmamadaling naglakad ako para makalapit sa kanila ng makita kong tila ngpapaalam na to sa lalaki.

Sinadya kong salobungin siya pero hindi ko inaasahang babangga siya sakin habang hawak ang tray ng wine. Mabilis ko siyang niyakap para ako ang mapunta sa ilalim dahil alam kong hindi biro ang bigat ko.

Nagpanggap akong nagagalit sa kanya para hindi niya mahalatang nagustuhan ko ang nangyari.

Napaigik ako ng naapakan niya ang aking pagkalalaki kaya ng mahimasmasan ay hinila ko siya sa kwartong inuukopa ko dito sa hotel dahil napansin ko na nakikita na yung undergarments niya dahil nabasa ng wine yung damit naming pareho.,

Nakita ko din kung paano tingnan siya ng mga lalaking nandoon..Para tuloy gusto kong pilipitin ang mga leeg ng mga ito.

Alam mo bang ngayon lang ako napahiya ng ganun sa tanang buhay ko? kilala mo kung sino ako?”kunwaring pagalit na sabi ko sa kanya..

One Last Chance..Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon