~Lian's P.O.V~
Si Ryan Acel M. Lazarte? Nagseselos daw? Mukha niya! Lokohin mo lolo mo chong :3
"Excuse meee, sino ka? Who you?" Sabi pa ni Lorraine na halatang napikon dahil hindi natuloy ang bulong bulongan namin ni Chastice.
"Ako? Di mo ko kilala?" Sabi pa ni Ryan
"Magtatanong ba siya kung kilala ka niya? Brain pooo" sarkastiko kong pagkasabi. Haysss, walang utak yata ito eh.
"Haahhahahahah napakapilosopa mo talaga. Ako nga pala si Ryan, Ryan Acel M. Lazarte" tawang tawa pa niyang pagkasabi.
"Ano na naman ba ang ginagawa mo dito? Mangugulo ka na naman ba?" Sabi ko. Panira kasi eto eh! Kitang nag uusap kami ni Chastice eh, huhuhu your bad!
"Gusto ko lang malaman kung sino si Lorraine, diba gusto mo isama siya mamaya?" Tanong pa niya. Ahhh! Oo nga pala. Yung tutor tutor thing pala!
"Ako si Lorraine, anong kailangan mo?" Sabi ni Lorraine. GO BESTFRIEND KAYA MO YAN!
"Sama ka samin mamaya" straight to the point na pagkakasabi ni Ryan. Ewan ko ba, kapag ako kausap niya liniliko liko niya ang usapan kung saan saan pero kapag si Lorraine, straight to the point kaagad siya. Mokong talaga tong Ryan na ito.
"K, saan ba?" Sabi ni Lorraine. Maka "K" naman ito! Gusto mo kompletohin ko? ABCDEFGHIJKLMNOPQRSTUVWXYZ oh ayan okay na?
"Sa bahay ko, 156 Ruby Sunrise Village" oh ayan na naman! Straight na naman. Ano ba sila?
"Sige sige, lumayas kana. Nakakapanira ka ng sweet moments eh!" Striktang pagkasabi ni Lorraine.
"Sweet moments? Sino nag sweet moments dito?" Tanong naman ni Ryan. Kailan ba sila matatapos?
"Edi si Chastice at Lian! Halata bang ang sweet sweet nila kanina KAYA LANG DUMATING KANG EPAL KA" sabi ni Lorraine. Hahahahahha natatawa naman ako sa kanila. Aba'y sa akin kaya nagmana tong si Lorraine.
"Hahahaha natawa naman ako, pasensya kana ha? Pero ako ang gusto ni Lian" woooooow! Amputa ako pa nagkagusto sa kanya!
"Hoy ikaw, wa ka ngang managinip ng gising. Gumising kana! Ewwww like duuuh! Ako? Magkakagusto sayo? Heh! Never" sabi ko. Ang kapal din ng skin tone nito eh!
"Hahahaha sige aalis na ako, bye. Bye Fuentes ;)" sabi pa niya sa akin habang maywink2 na naman. Haysss, buti nalang umalis na yun.
"Mahulog ka sana sa hagdan gago ka!" Sigaw pa ni Lorraine.
"Ewan ko dun, kanina pa sa room yun eh. Laging walang magawa." Sabi ko kay Lorraine.
Pinatuloy namin ang pagkain ng lunch. Nang na tapos na kami sa pagkain, nagkwentuhan ulit kami.
"So guys, laro tayo. Anong gusto niyo?" Tanong ni R.A
"Banatan natin ang isa't isa" suggestion ni Chastice
"Sige! I agree" pag sang-ayon naman ni Lorraine
"Eh ikaw Lian, okay lang sayo?" Sabi ni Chastice sa akin. Omygaaaaad! Ang gwapo niya talaga. At tinititigan pa niya ako. Pero ayoko pa rin sa eyecontact.
"Oo okay lang, opinion mo naman yan eh" sabi ko habang nakangiti ng parang bata. Nabigla ako nang pinisil niya ang cheeks ko.
"Ang cute cute mo talagaaa, para kang bata" sabi pa ni Chastice.
"AYEEEEEEEEEEE! NILALANGGAM NA KAMI DITO! MAAWA KAYO" sabay sabay na pagsigaw nila R.A, Zia at Lorraine.
Nagblush ako, hindi ko alam kung ano ang sasabihin koo. Ngayon ko lang nadama ang ganito kaya i have no idea kung ano ang gagawin ko.
Biglang tumunog ang bell, 12:45 na kasi at tuwing 12:45, nag bebell ang DEU para advance ang pagpasok namin sa classroom.
"Sige guys, mamaya sabay sabay tayo magkita dito." Sabi ni Chastice sa amin. Kaming tatlo naman ay tumango nalang para matapos na ang mga nangyayari.
"Bye guys, una na ako. Bye Zia, Bye R.A, Bye Lorraine, Bye Chastice" sabi ko sa kanila.
Tumakbo ako sa corridor nang nabangga ko si Ryan.
"Hi Fuentes" bati pa niya sa akin. Himala at hindi niya ako kinukulit ngayon
"Hello" maikli ko namang sagot sa kanya. Baka kasi saan na naman kami humantong.
Patuloy ako sa pag takbo at pagpasok ko sa room ay wala pang tao.
Umupo nalang ako at tinitigan ang black board. Walang nakasulat dito kaya mas okay na tignan.
Pumasok si Ryan at ayun! Nagsimula na naman siya sa pangungulit niya sa akin.
Hanggang sa umabot sa punto na tinanong niya ako.
"Ka ano-ano mo ba yang Chastice?" Seryosong pagkakasabi ni Ryan. Ewan ko ba kung bakit bigla niyang natanong yan at biglang sumeryoso ang boses niya.
"Friend? Kakilala? Bakit, ano bang ginawa niya sayo?" Tanong ko sa kanya.
"Ah, wala hahaahah." Sabi pa niya habang tumatawa. Para sa akin, alam kong peke ang tawa niya. Bakit kaya? Ano bang nagawa ni Chastice sa kanya?
"Ah okay sige" sabi ko nalang. Tanging yan nalang ang nasabi ko dahil nagsimula ng dumami ang mga tao sa room at pati si Ms. Peraño ay nakapasok na rin.
"Hi class, so nabusog ba kayo?" Tanong ng guro namin.
"Yes maam" sabay sabay na pagkakasabi namin.
"Mabuti, at ngayon, kailangan kong i announce sa inyo ang rules ko. So..." naputol ang sinabi ni maam nang nagsimula siyang magsulat sa blackboard.
Ang mga isinulat niya ay:
1.) Respect each other especially the teachers.
2.) Dont talk too much.
3.) Listen whenever someone is talking.
4.) Cooperate during activities.
5.) Be courteous always.Yan lang ang isinulat ni Ms. Peraño kaya napatitig ang lahat sa board.
"So, kuha niyo na? Dapat masunod ang 5 rules na iyan kung hindi, paparusahan ko kayong lahat" striktang pagkakasabi ni Ms. Peraño. Bigla akong natakot sa pagkakasabi niya ng paparusahan niya daw kami.
"Yes po maam." Sabi namin.
"Good, now you may do whatever you want basta't hindi lang kayo mag iingay" sabi pa ni Ms. Peraño.
Yes! Walang gagawin ngayon. Si Jewell ay nakipag chikahan sa kabilang seatmate niya. At ako naman ay nagdradrawing.
Ano kaya maganda i drawing ngayon? Aaaah! Alamko na! Si Chastice nalang! Para inspirado naman ako lagi!
Kinuha ko ang mga gamit ko gaya ng sketch pad, lapis, sign pen para pang trace at color pencils.
Habang nagdradrawing ako, may napansin akong papel na pilit ibinibigay ni Ryan sa akin.
Naawa ako kaya kinuha ko nalang at binasa.
'Seryoso ako kanina, nagseselos talaga ako.' Yan ang nakasulat sa papel.
Bakit ba siya mag seselos? Bakit? Uuugh! Napaka mysterious naman ng nangyayari.
To be continued.....
A/N: Hi guys! 1st update this afternoon pooo. Still dedicated to FaustineJave10, my bestfrieeend. Salamat sa support labyou always:*
LIKE and COMMENT lang :)
BINABASA MO ANG
You Are The One (On Going)
Teen FictionYou miss the memories✔️, not the person ❌ Maria Lian C. Fuentes, isang babaeng simple at walang ka arte-arte sa buhay. Matalino, maganda pero napakapilosopa. Kung ikaw ba ang babaeng ito, ano ba ang mas pipiliin mo? Ang lalakeng gwapo, matalino, mab...