Chapter 18: Behind every scene

9 4 0
                                    

~Ryan's P.O.V~

Hi, may sasabihin ako sa inyo.

Wag niyo sasabihin kay Lian ha? Baka magalit yun.

Sa totoo lang.......

Hindi totoo yung scores ko.

Perfect lahat ng scores ko, sinabi ko lang yun para ma-thrill siya

Sorry Lian, nagsinungaling ako.

Pero alam niyo ba? Grabe ang hirap ko kagabi, aral dito at aral doon pinagsabay sabay ko. Hanggang sa oras ng pagkain namin nag aaral padin ako.

But it was worth it.

Isa nalang talaga problema ko ngayon, ano bang pwedeng iutos ko sa kanya?

Baka pwedeng iutos ko na mahalin niya din ako?

Joke lang! Syempre hindi ako desperado, i can wait.

Ano ba kasi mauutos ko? Ayaw ko naman yung mahihirapan siya.

Isip Ryan, Isip.

Alam ko na!

"Hoy kuya! kanina pa kita tinatawag! Bingi ka ba o nagbibingi-bingihan?" sigaw ng kapatid kong babae.

Im sorry ngayon ko lang siya maiintroduce, siya nga pala si Samantha M. Lazarte. Ang kapatid kong 9 year old lang pero kung magsalita parang matanda.

Minsan nakakairita talaga ang batang ito.

"KUYA NAMAN EH! Di ka nanaman nakinig" she said with a sad face.

"Ano?!" sagot ko sa kanya.

"Tawag ka nga ni Mama at Papa duh" sagot niya with matching snob.

Hindi ko siya sinagot pero ginulo ko ang buhok niya kaya natuwa lang din siya.

Bigla nalang akong kinabahan, bakit naman nila ako ipapatawag?

"Oh andyan na siya, halika muna umupo ka" sabi ni Papa

Ano bang pag uusapan namin?

"Anak....." sabi ni Mama

"Ano?" sagot ko naman.

Kinakabahan na ako! Ano ba talaga ang sasabihin nila?!

"HIIII!!!" sigaw ng isang babaeng nasa likod. Sino kaya....

"Hi bro! Shock na shock ha?" sagot ng babaeng matagal ko ng hindi nakikita....

Ang cousin/bestfriend ko!

"Jane! Anong ginagawa mo dito?" sabi ko sa kanya habang nakangiti.

"Ayaw mo? Oh sige aalis na ako" sagot niya naman sa akin.

"Hindi! Dito ka lang" sagot ko sa kanya.

Tawang-tawa naman ang mga magulang ko, sinosorpresa lang daw nila ako. Tsk kinabahan ako.

Nag usap usap muna kami ni Jane at bigla nalang....

"So, how's this Lian? Wala bang progress cous?" tanong niya.

"Wala parin eh, ba't mo natanong?" sagot ko.

"Anoooo?! I mean, 5 taon ka ng may gusto sa kanya pero wala parin? Woah, ang torpe mo naman" sagot biya sa akin while rolling her eyes.

"Wag ka ngang maingay! Magkapitbahay lang kami no, at tsaka ayokong masira ang pagkakaibigan namin" sagot ko.

"Ouch, #FriendZoned" sabi niya habang tawang tawa.

Ah ganun pala ha! Makikita niya lang.

"Eh ikaw Jane, kumusta kana?" tanong ko sa kanya.

"Okay lang naman, tao padin" sagot niya.

"Ewan ko sayo, magpahinga ka nalang muna. Lalabas lang ako" sabi ko habang tumatayo.

"Stalking her again?" sagot naman ni Samantha.

"It's none of your business kiddo, maglaro ka nalang jan" sagot ko sa kanya habang tumatawa.

Hindi ko na sila pinakinggan at lumabas sa pintuan. Pumunta lang akong park para magpahangin, hindi ko inaasahang makikita ko pala yung kapatid ni Lian.

"Excuse me, pasensya na sa istorbo. Pwede bang paturo kong saan papuntang Upper Jade?" sabi nung lalaki.

What the? Nawawala pala siya?

"Uhhh lumiko ka lang jan at pagkatapos ay kumanan ka." sabi ko habang ngumingiti.

"Salamat pare, by the way, John Acie Mauro Fuentes pala. Ikaw?" sabi niya.

"Ryan Acel Lazarte" sabi ko habang nag shake hands kaming dalawa.

"Naglalaro ka ng basketball?" tanong niya. Naghahamon ba to?

"Oo, bakit mo natanong?" sagot ko naman.

"Bukas, maglaro tayo. Okay lang ba?" sabi niya naman habang na eexcite.

"Oo sure, bukas ng ala una" sabi ko naman.

"Sige see you later" sabi niya naman habang umaalis na.

Kapatid nga talaga yun ni Lian, kailangan maligawan ko muna mga members ng family niya.

At yun ay sisimulan ko sa kuya mo...

John Acie Mauro Fuentes.



To be continued.....

A/N: Heya guys! Sorry slow updates, summer na kaya babawi ako sa inyo :) sana maintindihan niyo

Like and Comment lang ;)

You Are The One (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon