Chapter 17: Winner?

20 3 2
                                    

~Lian's P.O.V~

Today is.... The giving of scores! Yey!

Kung maaga man ako noon, mas maaga ako ngayon! Sobra akong excited sa deal namin.

Nahawa na tuloy ako kay Ryan, hay nako.

Same routine as yesterday. Naligo, kumain at naghintay kay Lorraine. Eh sabi niya kasi sabay daw kami umalis.

"Lian, ang aga-aga pa ha. Mas inagahan mo ato, alam mo wag kang mag assume sa hinihintay mo diyan, may mas importanteng ginagawa yun your just a sideline" sabi ni mama. Aba hugotera si ina hahahaha.

"Waw mama, salamat ha pinagaan niyo loob ko. Tsk" sabi ko with a sarcastic voice.

At isang minuto pa ang dumaan, natapos din maligo si Jam. Saktong sakto na dumating si Lorraine.

Nag doorbell ito at agad ko naman binuksan ito.

"Hi Beeeeees!" sabi ko habang yinayakap si Lorraine, namiss ko siya.

"Hello beeeees!" sabi niya sa akin.

"Anak sinong nandyan?" Sigaw ni mama.

Hindi ko siya sinagot dahil busy ako sa pag uusap namin ni Lorraine.

"Jam pakisabi kay Lian sino ba dumating" sabi ni mama kay Jam.

"Lian sabi ni ma----" sabi niya pero naputol ito.

"Ano?" Sabi ko, bakit bigla itong nakatulala?

"Hello?" Sagot ko.

"HELLO! Asan ba si John Acie?" sagot ko ulit habang tinatapik si Jam. Eh sa nakanganga yung tao eh.

"Sa-sabi ni mama sino daw nandyan"
Sabi niya sa akin.

Wait a minute, why is he blushing? Bakit siya nauutal?

Dont tell me.... No, imposible.

"Sabihin mo aalis na ako, kasama ko si Lorraine" sabi ko habang kinukuha ang bag ko.

"Ah okay, Lorraine pala" sabi ni Jam.

Sinasabi ko na nga ba eh. But let me investigate first.

Paglabas namin sa gate, tinatanong kaagad ni Lorraine sa akin.

"Sino yun? Infairness bes! Ang gwapo!" Sabi ni Lorraine.

"Hahaha gago, kuya ko yun. Dont be deceived by his looks girl" sabi ko sa kanya.

Naglakad lang kaming dalawa total maaga pa naman daw. Syempre, daldalan dito tapos doon. Hanggang sa...

"Oy Ryan, anong ginagawa mo diyan. Halika nga dito!" sabi ni Lorraine.

Tumingin ako sa likod at ayun nakita ko nga si Ryan na nakasunod sa amin. Medyo malayo siya sa amin ng ilang distansiya.

Ngumiti ako bigla, bakit?

"Hi Lian" sabi niya habang ngumingiti, anyare dito?

"Wow lang ha, ako tumawag sayo pero siya binati mo?" sabat naman ni Lorraine.

"Ay sorry, hi din pala Lorraine" sabi niya habang nakatawa.

Natulala ako at nagslowmotion ang lahat nang tumawa si Ryan.

"Hooy! Natameme ka diyan bes!" sabi ni Lorraine

I snapped out, oo nga no. Bakit ba ako natulala.

"Uy, diba sabi ko hi? Ba't di mo ko sinagot?" tanong ni Ryan.

"Hello" sabi ko habang ngumingiti. I just want to smile, thats all. Yun nga ba talaga?

Ayfsshh ewan ko! Kakaiba talaga ang mga kinikilos ko.

"Giving of scores na Lian" sabi ni Ryan habang nakangiti ng abot tainga.

"Alam ko hahaha" sabi ko.

Patuloy kaming nagdadaldalan habang naglalakad. Hanggang sa...

"Ryan, nagkagusto ka na ba?" bigla kong natanong. Futek! Ano bang pumasok sa isip ko?

"Oo, sayo" sabi niya habang ngumingiti. "Biro lang ahahaha" sabi niya ulit.

"Ba't mo nga pala natanong?" tanong niya sa akin.

"Wala lang, bawal ba?" sagot ko.

Hanggang sa nakarating na talaga kami sa DEU at nagpaalam na si Lorraine sa amin.

Wala pa naman masyadong tao sa campus. Ewan ko lang sa kanila. Linagay ko muna ang bag ko at tumabi naman si Ryan sa akin.

"Lian" sabi niya.

"Oh, bakit" sagot ko sa kanya.

"Kung saka sakali may magkagusto sayo, okay lang ba?" Tanong niya.

Ano daw? May magkakagusto sa akin? Imposible.

"Una sa lahat, walang magkakagusto sa isang babaeng gaya ko. Pangalawa, okay lang naman siguro magkacrush diba?" Sagot ko.

"Meron kaya, manhid ka lang -,-" sabi niya sa akin.

"Sino na---" naputol ang sinabi ko nang biglang pumasok sa pinto si Jewell.

"GOODMORNING!" sabi niya bigla sa amin.

"Hoy andyan na si Miss Peraño bumalik na kayo!" Sigaw ni Raeve.

Kaya ayun, nag-transform kaagad ang room namin.

(-FAST FORWARD-)

Ipinakita na sa amin ang scores namin:

Science- 45/50
Filipino- 33/40
English- 21/30

Yan palang ang ibinigay, kulang nalang ang math. Tie kami ng score ni Ryan dahil ang scores niya ay 43,31 at 25.

Biglang pumasok ang math teacher namin. Bigla nalang akong kinabahan.

Ibinigay ang mga testpapers namin. Tinabunan ko muna ang scores ko para di muna makita ni Ryan.

26/30? Psssh sigurado akong panalo na ako dito.

"Score mo?" tanong niya.

"Ikaw muna" sagot ko sa kanya.

Biglang may lumapit sa guro namin at nagtatanong pero hindi ko ito pinansin.

"Sabay tayo 1,2,3" sabi ko.

"26" sabay naming sabi. Parehos kami ng score? Pero biglang nagsalita ang guro namin.

"Sorry guys, nagkaroon ng pagkakamali sa number 16. Ang tamang sagot dapat diyan ay 19" sabi niya.

Tinignan ko ang sagot ko sa number 16.

OMGGGG!!!! 17 ang sagot ko! 25 nalang score ko!!!!

Tinignan ko si Ryan. Ngumiti siya, isang nakakainis na ngiti.

"Ano na score mo?" tanong niya.

"I-ikaw muna" sabi ko sa kanya.

"Magpalit nalang tayo ng testpaper" sabi niya. Kaya ayon, nagpalit kami ng testpaper at nakita ko ang score niya. 30?! sabi niya kanina 26 din score niya?

"Oy nag cheating ka no! Sabi mo kanina 26 score mo?" tanong ko sa kanya.

"Naniwala ka naman? Hahaha, so pano ba yan, gagawin mo lahat ng gusto ko" sabi niya sa akin.

Futeeeeek! Natalo ako.

Oh noooo....

Ano kaya ang iuutos nito sa akin?

"Hoy, natulala ka ata bigla" sabi niya sa akin.

"Wa-wala, may naisip lang" sabi ko sa kanya.

"Mamayang dismissal may pupuntahan tayo" sabi niya sakin.

Saan naman kaya yun?!

Bahala na si batman sa mga mangyayari.

To be continued.....

A/N: Hi ulit! Long time din, just keep on supporting this story okay? Labyouuuu 😘😊

Like and Comment :)

You Are The One (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon