~Ryan's P.O.V~
Er-uh hi ako nga pala si Ryan Acel M. Lazarte, first time kong mag Point of View ngayon kaya bare with the hands of the author 🙏🏻
--Flashback--
Nandito ako sa bahay nila Lian, oo stalker na kung stalker pero inaabangan ko siyang lumabas.
Ayun! Lumabas na siya, pero teka ang aga aga pa ha?
Tinignan ko ang relo ko. At...
"What the fudge Lian! 5:06 pa lang sa umaga!" Bulong ko sa sarili ko.
Nagbike siya papunta sa DEU. Sinusundan ko siya pero tago ako ng tago hanggang sa nakarating kami sa DEU.
Una ko muna siyang pinapasok at mga 10 minutes, papasok narin ako. Mahirap na, baka malaman niya.
Naiinis parin ako sa narinig ko kahapon, si Chastice ba naman?! Pinagsasabihan si Lian ng "IloveyouLian" o "Imissyou" bakla ka ba tol? Akin lang siya walang pwedeng umagaw.
Oo, halata naman siguro no? Gusto ko si Lian, Dati pa. Ay hindi pala gusto, MAHAL na pala.
Cheesy isn't it? But i don't care, basta para sa kanya, gagawin ko lahat.
Lumipas ang 10 minutes at pumasok na ako sa gate, kunwari akong galit galitan. Ewan ko ba bakit ko ginawa yun, eh hindi ko naman kayang magalit sa kanya eh.
Himala.. Ngumiti siya sa akin. Physically, i snobbed at her but deep inside? Sht men, I'm so happy and my heart is beating faster than the normal beat.
Hindi ko muna siya pinansin at naglakad papuntang room. Alam kong sinusundan niya ako, pero lumiko liko siya ng daan. Ano bang ginagawa niya?
"What do you need?" tanong ko sa kanya. Bakit nga pala niya ako sinusundan?
"Wala, sinusundan lang kita. Ayaw mo? Sige aalis nalang ako" sagot niya naman. Anong ayaw? Gusto ko nga eh!
"No!" sabi ko sa kanya, alangan namang maging pabebe ako? Nakakabakla yun pre tsk.
"Anong no? No na hindi na kita susundan or no na susundan pa kita?" sabi niya naman.
"Stay there, hintayin mo ko" sabi ko sa kanya. Dali dali akong pumasok sa room at linagay ang bag ko, so kami pa palang dalawa ang nandito? Nice ✌🏻️
At aba, sinunod niya ako. Good girl talaga to kahit kailan.
Hinila ko siya at papunta kami ngayon sa rooftop ng DEU. Alam kong hindi pa niya alam na may rooftop ang DEU.
"Saan ba tayo pupunta? Teka nga lang." Sabi niya habang tumitigil sa pag lalakad, ano na naman ba gusto nito?
"Basta, maglakad ka na nga lang" sabi ko sa kanya. Surprise kasi Lian, atat na atat talaga to oh.
"Ayoko, hindi ako aalis pag hindi mo sinabi kung saan" sagot niya sa akin. Akala niya ba ipapahamak ko siya?
"Edi wag, diyan ka na lang" sagot ko sa kanya habang kunwaring iiwan siya. Hinding hindi ko siya kayang iwan no!
"Uy joke lang yun, oo na sasama na. Wag mo akong ipahamak ha?" sabi niya sa akin. Good girl! Kaya love ko tong weirdo na to eh. Shhhh wag maingay.
"Psssh, halika na nga" sabi ko sa kanya habang hinahawakan ang ulo niya at ginugulo ang buhok niya.
At syempre dahil chancing ako, hinila ko siya ulit para lang mahawakan ang kamay niya. Habang naglalakad kami papuntang rooftop, grabe ang tibok ng puso ko. Ewan ko ba sa kanya, siya lang ang nakagagawa nito sa puso ko.
She's unique, She's different and She's perfectly imperfect.
"Napapagod na ako, malapit na ba tayo?" tanong niya sa akin.
Hindi ko siya sinagot pero pinihit koi ang door knob at nandito na kami sa Rooftop ng DEU.
"Nandito na tayo, halika na." Hila hila ko parin ang kamay niya at pumunta kami kung saan makikita ang mga sasakyan na parang laruan.
Hinagis ko sa kanya ang isang sandwich. Alam na alam ko na hindi pa siya kumakain kaya binigay ko sa kanya iyon.
Nagpasalamat siya sa akin at niyakap niya ako. Grabe, ang puso ko. Para atang luluwa ito ng di oras.
"Uh-ah hehe sige na! Kumain ka na, mag collapse ka pa diyan eh!" sabi ko sa kanya.
Nag usap kami ng kung ano ano at naman ay change topic palagi :3
"Lian..." gusto kita, mahal kita, iloveyou, dati pa.
"Oh,bakit?" sagot niya. Aamin na sana ako pero, nag bago isip ko. Hindi pa pwede Ryan, wag muna pre!
"Pwede ba tayong maging magkaibigan?" sabi ko sa kanya. "Kahit boybestfriend lang, sapat na" seryoso kong pagkasabi.
Kahit yan lang Lian, happy na ako."Pwede bang oo?" sabi niya sa akin habang nakangiti
Ngumiti rin ako ng pagkawagas wagas. Lord, salamat po sa napakagandang view at isa to sa mga best days of my life.
"Salamat Lian, so bestfriends?" sabi ko habang inioffer ang isang kamay.
Tinanggap niya ito at "Bestfriends" sabi niya.
Pagkatapos nun, tumayo na kami at bumaba. Pumunta kami sa room pero nagpaalam muna siya sa akin.
"Mauna ka na Ryan, may titignan lang ako sandali" sabi niya sa akin. Tumango lang ako at kunwaring papasok sa room pero sinundan ko siya. Mahirap na, baka may mang-away sa kanya.
Lakad lang siya ng lakad at tila may hinahanap. Nang tumigil siya ay tumigil din ako at nagtago, bigla nalang may tumusok sa puso ko. Sht! Umiiyak ba siya?!
Tinignan ko ang tinitignan niya, Kadiri pre! Kay bata bata pa nila gumaganyan na sila?! Hinila ko si Lian at niyakap ko siya, hindi ko kaya ang tignan siyang umiiyak. Basang basa na ang uniform ko pero hindi parin siya tumatahan.
Umiyak siya ng umiyak pero napilit ko parin siyang pumunta sa rooftop. Hindi niya na kakayanin, alam ko yun kaya binuhat ko siya. Ang bigat bigat naman nito! Pero kahit gaano ba siya kabigat, hindi ako magsasawa sa posisyon namin.
Hanggang sa rooftop umiiyak parin siya. She's not worth it of your tears bulong ko sa sarili ko.
Nagsalita lang siya kung paano daw siya pinaasa ng lalaking gago na yun!
"Sana kasi ako nalang" sabi ko ng mahinang mahina. At parang hindi niya naman narinig ito kaya okay lang.
"Ano?" tanong niya sa akin. Palusot please palusot please.
"Wala wala, halika dumaan muna tayo sa cr at maghilamos ka doon, wag kang babanggit kahit isang salita tungkol dito ha?" Sabi ko sa kanya, mahirap na at baka kumalat pa to.
"Don't worry Li, I'll help you move on from that guy" sabi ko ulit sa kanya. Sana ako nalang kasi, hindi ka na sana umiiyak ngayon.
Hintayin mo ko mamaya Chastice ka, you'll regret what you've done to her.
A/N: Hi everybody :), DFYL, nga pala pasensya na sa mga typos (if ever meron) sana nagustuhan niyo ang update :)
Vote and comment lang :)
BINABASA MO ANG
You Are The One (On Going)
أدب المراهقينYou miss the memories✔️, not the person ❌ Maria Lian C. Fuentes, isang babaeng simple at walang ka arte-arte sa buhay. Matalino, maganda pero napakapilosopa. Kung ikaw ba ang babaeng ito, ano ba ang mas pipiliin mo? Ang lalakeng gwapo, matalino, mab...