Chapter 7: Weirdo

42 5 2
                                    

~Lian's P.O.V~

Ughhhh! Bwesit na bwesit na ako kay Ryan, kanina pa! Bakit ba kasi ang epal epal niya?! Chance ko na sana, sinayang niya pa!

Kaya pinanindigan ko ang sinabi ko, umalis ako at umuwi ng mag isa. Masaya naman din minsan ang mag-isa, spending a quality time with yourself.

Nag bike ako papuntang Upper Jade at papasok na ako sa may gate. Biglang sumalubong si Jewell sa akin, anong ginagawa niya dito?

"Anong ginagawa mo dito Jewell?" Mahinahon kong tanong sa kanya.

"May sasabihin sana ako sayo, makinig kang mabuti" seryoso niyang sabi. "Una, wag kang pa as if na matalino at maganda dahil hindi. Pangalawa, wag kang mag marunong at panghuli..." Naputol siya "Wag mang-aagaw ng hindi sa iyo" sabi niya sa akin.

Kitang kita ko ang mga mata ni Jewell na umaalab sa galit. Ano bang nangyayari sa kanya.

"Anong ibig mong sabihin? Inaano ba kita?" Sagot ko sa kanya. Kung maldita siya, mas maldita ako

"Wala, just a simple reminder lang yon. Okay bye" sabi niya sa akin. Aba, kay 1st day 1st day nangangaway siya.

Hindi ko nalang siya pinansin dahil wala rin namang saysay ang pakikipag-away sa mga taong walang modo. Umalis na rin siya kaya pumasok ako sa gate namin.

Si mama naman ay nasa sala lang nanonood ng tv at nagbabasa ng magazine. Wow mama, multitasking siya.

Hindi ko nalang siya pinansin at pumasok ako ka agad sa kwarto ko. Nagpaikot-ikot ako sa higaan ko at hindi ko namalayang nakatulog pala ako.

"Lian, lian, Gumising ka at kakain na tayo" sabi ni mama habang yinuyogyog ako. Anong oras na ba? Tumayo nalang ako at sumunod.

"At tsaka Lian, may naghahanap sayo sa baba" sabi ni mama. Huh? Sino naman kaya to? Si Lorraine? Imposible.

"Sino daw siya mama? Pinapasok mo ba?" Tanong ko. Sino ba kasi ang nandyan?!

"Ewan ko, pero gusto ko siya. Mabait, mukhang matalino at gwapo pa!" Sabi ni mama habang kunwaring kinikilig.

"Wow mama bumabagets ang peg, oo na papunta na ako" sabi ko. Lumabas na si mama pero lutang ang isip ko, sino ba kasi itong taong to? Posible bang si Chastice eto? Ay hindi! Erase, erase.

Nagbihis ako dahil hanggang ngayon ay uniform parin ang suot ko. Nagtali narin ako ng buhok para hindi mainit.

Mabilis akong bumaba at nang bumaba ako....

"RYAN?!" Sabi ko habang nagugulat. Aba! Ang kapal naman ng pagmumukha niya't pumunta siya rito!

"Ah! Ryan pala pangalan mo iho" sabi pa ni mama habang nakangiti. Seriously mama?! Nagagwapohan ka sa lalakeng ito?! Ewwwww!

"Mama gwapo ba to?! Mama ang low naman ng standards mo!" Sabi ko habang tumitingin kay mama.

"Ang gwapo ko kaya, diba tita?" Sabi ni Ryan. Tita? What the heck! Fc lang po? Maka tita ka naman sa mama ko

"Lian! Wag ka ngang ganyan sa bisita mo, hindi kita pinalaking ganyan. Oo iho, gwapo ka wa kang mag alala" sabi ni Mama. Ako na nga ang anak, ako pa hindi kinampihan? Grabe sila ang sasama T^T

"Salamat po tita :)" sabi niya habang nakangiti kay mama. At eto namang si mama parang teenager kung makakilig. Haba ng hair

"Iho, ano nga pala ang sadya mo dito? May kailangan kaba kay Lian?" Sabi ni mama habang seryoso. Hahaha patay ka ngayon!

"Opo tita, sabi kasi ni Ms. Peraño sa amin na magiging tutor ko raw si Lian. Medyo nahihirapan po kasi ako sa mga subjects ko" palusot niya. Dey! Gusto niya lang talaga sayangin ang oras ko para mapikon ako.

"Ahhhh....pakakainin ko muna si Lian ha? Tapos anong oras ba kayo uuwi?" Sabi ni mama. GRABE MAMA HA?! IPINAMIGAY KAAGAD AKO! Hindi man lang niya napansin na 1st day of class namin ngayon at wala pang lesson, anong ituturo ko?

"Pwede po bang bukas na lang siya umuwi? Ako po hahatid sa kanya papuntang school bukas" sabi ni Ryan. Asuus bukas lang nam-ANO?! SAAN AKO MATUTULOG. Mama wag ka pumayag pleaaaase T^T

"Pumapayag ako basta't wala kayong gagawing kalikutan okay?" Sabi ni mama. "Kumain ka na Lian, pupunta ka pa kina Ryan." Dagdag niya.

Wala akong magagawa, ano pa ba? Edi shing edi wow pwede bang mag collapse ako ngayon na? Pwede ba?

Ano pa nga bang ginawa ko? Mabilis ako kumain at nagbihis. Ka agad naman akong sumama kay Ryan, kahit ayaw ko.

"Mag-iingat kayo iho, Lian" sabi ni Mama habang kumakaway sa amin. Ngumiti ako ng pilit dahil hindi ko gusto ang mga nangyayari.

Medyo nakalayo layo na kami sa bahay namin pero tahimik lang kaming dalawa. Galit parin ako sa kanya dahil kanina. Pero hindi ako makapaniwala dahil tahimik at seryoso si Ryan. Kaming dalawa lang ang tao dito.

"I'm sorry" sabi niya. Ano daw? Si Mr. Ryan Lazarte nag sorry? Wow big word.

"Pasensya na sa nangyari kanina, nadala lang ako. Patawarin mo na sana ako" sabi niya habang hinahawakan ang kamay ko.

Dug-dug, dug-dug, dug-dug

Ano ba to? Bakit parang may kidlat na dumaan sa katawan ko? Bakit ganito ang tibok ng puso ko?

Biglang lumuhod si Ryan sa akin, nagulat naman ako sa pinagagagawa niya. Ano bang nangyayari?

"Lian, I'm so sorry, patawarin mo na ako...." Sabi niya. "Please?" Dagdag niya

"Tumayo ka nga dyan! Ano bang nangyayari sayo?" Sabi ko sa kanya. Napakaweird naman talaga nito.

"Hindi ako tatayo hangga't galit ka pa sa akin" sagot niya naman sa akin.

"Hindi na ako galit, promise" sagot ko rin sa kanya. Naawa ako sa kanya kaya hindi na talaga ako galit.

Bigla niya akong niyakap at mas lumakas ang heartbeat ko, ano ba to Ryan?

"Thank you" sabi niya habang ang ulo niya ay nakapatong sa balikat ko. Grabe ang mga nangyayari ngayon.

"Halika na? Pumunta na tayo sa amin" paanyaya niya sa akin. Tumango nalang ako at nacucurious parin si brain, Bakit niya ba ginawa yun? Wala siguro siyang magawa Lian sabi ko sa sarili ko. Tama tama wala lang siyang magawa nuon.

Naglakad lang kami at sa wakas ay nakarating na kami. Pumasok ka agad kami at pumunta diritso sa kwarto niya. Ang ganda ng bahay nila, Black ang floor at White naman ang walls.

"Pumasok ka sa kwartong iyan, kapag wala ka dyan ay goodbye grades ka" sabi niya. Ano bang akala niya? Tatakas ako? No way!

"Oo na boss tsss, papasok na" sagot ko naman habang nang-iirap sa kanya, Che!

"Good girl ;)" Shtttttt nandito na naman ang eye contact na yan!

Nagsimula ka agad kami at pagkatapos ay natulog na kami. Siya sa higaan, ako sa couch. Mas nauna siyang natulog, pero maya maya ay nakatulog ako.

Natapos rin... 1st day ng klase
Isang napakagulong araw para sa babaeng si Lian....

A/N: Hi guys! Pasensya na at ngayon lang nakapag-update ulit, nabusy sa mga ginagawa sa eskwelahan.

Vote at Comment lang :)

You Are The One (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon