Chapter 9: The Deal

46 4 7
                                    

~Lian's P.O.V~

"Mamaaaaaaaaaa!" Sigaw ko sa gate namin, kanina pa ako dito! Wala ba silang balak sumagot?! Psssh

"Sandali lang anak, wag magmadali" mahinahong sabi ni mama. Psssh, ako pa nagmamadali -_-

"Sino ba yan mama?" sabi ng dalawang lalaki na medyo pamilyar ang boses. Sino ba sila? Bakit parang pamilyar

Pinagbuksan ako ni mama at pag pasok ko.....

Bakit sila nandito? Totooa ba to?

"Hi Lian, walang pinagbago. Pangit ka pa rin AHHAHAHAH" sabi ng isang lalaki dito. WAAAAAAH KUYAAAAA

"KUYAAAAAAA! IMISSYOUUUUU" sabi ko sa kanya.

Siya pala si John Acie Mauro C. Fuentes, mas gusto ko siyang tawaging JAM. Nakauwi sila ngayon dahil galing sila sa Australia at gumagawa ng mga kung ano-anong bagay.

"Aaaah, so background lang ako dito? Okay lang, sanay na sanay na ako" sabi pa ng isang lalaki dito.

OMG TOTOO BA TO?!

"PAPAAAAAAAA, PAPAAAAA " sigaw ko kay papa habang yinakap siya. Dito ako nag mana eh, salita palang niya xerox copy ko na XD

Siya naman si Tommy Reim L. Fuentes, ang papa ko. Dito ako nagmana, magaling mambara, maldito at malditaa.

Kwentuhan kami ng kwentuhan habang kumakain, may bigla akong naalala. OO NGA PALA!

"Mama, Papa, Jam alis na ako. May gagawin pa pala ako." Sabi ko habang nagmamadaling kinuha ang bag ko.

"Saan ba pupunta yang anak natin Terry?" Tanong ni Papa.

"Mag tutor lang, ano ka ba" sabi naman ni Mama.

Ewan ko sa kanila, nagmamadali na ako. 6:59 na. 1 minute nalang! Patay ako dito.

Nakarating din ako sa gate nila Ryan, nakita ko siya doon habang inip na naghihintay sa akin. Bakit ba naka impatient ng lalaking ito?

"Your 24 seconds late, tssss" sabi niya sa akin. Pati ba naman seconds duuuuh

"Mabuti nga at sinipot pa kita eh! Pasalamat ka psssh" sabi ko naman sa kanya. Aba! Pasalamat kamo siya no, wala man lang bang salamat at dumating ka ha? Salamat sa pagtuturo, salamat sa oras.

"Hoy manang, ano ba?! Di mo ba ako narinig? Maganda sana, bingi naman -_-" sabi niya sa akin. Edi wow, ewan ko sayo.

"Pasensya na master ha?! Di po ako perpekto, pumasok na nga lang tayo sinasayang mo oras ko eh" sagot ko sa kanya. Tumango lang siya at pumasok na rin kami sa kwarto niya. Ay sosyal, maganda at malinis parin ito.

"Okay magsimula tayo, anong subject ang pinakanahihirapan ka?" Sabi ko sa kanya.

"Kahit ano na nga lang, hindi naman mahirap yan eh" sabi niya sa akin habang nakatitig. Lumiko ako ng paningin sa kanya, ano ba Ryan? Sabi ng ayoko sa eye to eye contact na yan eh -_-

"Makatitig ka naman, matutunaw tayo diyan hinay hinay ka" sagot ko sa kanya.

Sinimulan namin sa Science at habang iniexplain ko sa kanya, naka tingin parin siya sa akin. Nag ninightdreaming kaya to?

"Hello? Nakuha mo ba ang pinag sasasabi ko?" Sabi ko sa kanya.

"Oo, iexplain ko pa ulit sayo eh " pilosopong sabi niya

Nagpatuloy kami pero ganyan parin siya, nakatitig lang habang nakangiti sa akin. Bakit ba ang weird weird ng mokong na ito? Alien ba siya?

"Oh, tapos na tayo aalis na ako" sabi ko sa kanya. Tatayo na sana ako pero hinawakan niya ang kamay ko.

"Stay for a while" ay char, english si manong. Anong nakain nito?

"Aalis na ako, uuwi na kasi ako" sabi ko sa kanya.

"Please? Kahit 30 minutes lang, okay ba?" Sagot niya sa akin. He is giving me now a please-stay-with-me look, kaya umupo ako ulit at sinamahan siya.

"30 mins. lang ha? So, ano bang gagawin natin?" Sabi ko sa kanya habang naka poker face.

"Lets have a deal, or a game rather." seryosong sabi niya sa akin. Bigla bigla ata siyang nagiging seryoso ah? Kabute ba siya?

"Oh? Ano naman yon?" Sagot ko sa kanya. Hindi ko alam pero excited ako sa deal na to

"Palakihan tayo ng score sa exam, i add mo score mo sa Math,English,Science at Filipino. Kung mas mataas ang score mo, ikaw na bahala kung ano ang consequence" sabi niya sa akin.

"Paano naman kapag mas mataas yung sayo?" Sabi ko sa kanya habang nakagrin, gusto ko ang deal nato wahahaha

"Follow whatever I tell you, deal?" Sabi niya habang nakangiti, paniguradong mananalo ako.

"Deal na deal" nag shake hands pa kami habang nag dedeal.

Nag daldalan kaming dalawa, mabait naman pala minsan ang alien na to. Saang planeta kaba galing?

"Alam mo Ryan, weirdo ka talaga. Pero gusto kita kapag tayo lang dalawa, hindi ka maarte hahaha" sabi ko sa kanya. Aba! Honest ako no

"Talaga? Gusto mo ko" sagot niya habang naka ngiti.

"Oo, bakit naman hindi. Ang bait mo pag tayo tayo lang, amin amin ha? Bakla ka ba?" Sabi ko sa kanya habang tumatawa ahahhaahhaha

"Hahaha ugok! Sa gwapo kong to, bakla ako? Halikan kita eh, ahhahaha" sabi niya sa akin.

"HAHAHA, bakla, bakla, bakla" panunukso ko sa kanya. What a priceless face Ryan lol XD

"Bakla pala ha?" Sabi niya sa akin.

Hinila niya ang kamay ko at 1 index finger away nalang ang mga mukha namin

"Sino ngayon ang bakla weirdo?" sabi niya habang nakangiti sa akin.

"Oo na, weirdo tsss" sabi ko sa kanya.

"Uuwi na ako ha? Byeee" sabi ko sa kanya habang tumatayo.

"Bye weirdo" wooow, instant callsign hahahah ewan ko sa kanya, baliw.

Umalis na ako at mabilis na nakarating papauwi. Si Jam naman grabe ang pangungulit, ano bang meron dito?!

"Papa oh, si Lian nag boboyfriend na! Paluin niyo, ang pangit pangit kasi masakit sa mata ahhahaha" sabi pa niya sa akin.

"Woow Jam, awang awa naman ako sa pagmumukha mo. Ewan ko sayo, baka ikahirap mo pa panlalait mo" sabi ko. "Maiba tayo, sino ba tong si Angel Quincie? Papa oh, si Jam may girlfriend na!" Sigaw ko kina mama at papa.

"Mga anak, okay lang naman magkaroon niyan basta hindi mapabayaan ang pag-aaral" sabi ni Papa at sumang-ayon naman si Mama.

Tumango nalang kami ni Jam, hindi naman siya gaanong katanda sa akin, ilang months lang siguro.

Pumunta ako sa kwarto ko at nagsimula ng matulog pero tumunog ang phone ko kaya kinuha ko.

From: 09*********
Hey weirdo, goodnight.

Wow lang ha? Hahaha pssh tanga talaga to.

To: Weirdo na Alien
Goodnight din, papabagsakin kita sa exam.

Pagkasend ko ng message ay biglang nagreply ng mabilis ito.

From: Weirdo na Alien
We will see ;)

Inoff ko ka agad ang phone ko at natulog hay nakooo, nakakapagod ang mga araw ngayon.

A/N: Hey fellas! Good evening, naka update na talaga ako. Grabe, pressured here, pressured there. Anyways, comment lang kayo. :)

Vote and Comment lang :)

You Are The One (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon