~Lian's P.O.V~
Umaga na naman ulit, bakit ba ang bilis ng oras?
Tinignan ko ang oras, woah. Ang aga pa pala, alas 5 palang ng umaga.
Wala akong ibang maisip na gawin at tsaka hindi na ako nakakatulog ulit kapag nagising na ako.
Naisip kong maligo ng maaga dahil gusto kong bisitahin si Andrei ngayon. Gusto ko din makita si Lorraine.
Pagkatapos maligo ay nagsulat ako ng note na umalis ako para kitain si Lorraine.
Dinala ko na din ang bike ko para iwas sa gastos.
Dumaan muna ako sa isang shop para bilhan ng makakain or rather breakfast ang bestfriend ko.
Pagkatapos ay dumiretso ako sa bahay nila. Nakalabas na daw kasi si Andrei.
Kumatok muna ako at tsaka bumungad si Lorraine sa akin.
"Goodmorning! Kumusta na si Andrei?" tanong ko.
"Goodmorning din, andun natutulog pa." sagot niya sa akin habang pinapapasok ako sa loob.
"Pagkain nga pala, para sayo, kay Andrei at kay Tita Vim" sabi ko sabay lapag sa pagkain.
"Oh hija, nandyan ka pala. Ang aga mo naman bumisita" sagot ni Tita Vim.
"Okay lang po tita, maaga din kasi akong nagising kaya naisipan kong dumalaw dito." sabi ko sa kanya
"Sumabay ka nalang sa pagkain namin Lian, sobra sobra kaya tong binili mo kaya halika kain tayo" paanyaya naman ni Lorraine sa akin.
"Oo nga hija, halika kumain na tayo" tugon naman ni Tita Vim.
At dahil sa pamimilit nila, kumain nalang din ako. Bawal kaya tanggihan ang grasya.
Pagkatapos naming kumain ay linigpit ko ang kinainan namin pero sabi ni Tita siya nalang daw.
"Sige na hija, gising na si Andrei. Kayo nalang ni Lorraine ang pumunta sa kwarto niya, tiyak na matutuwa yun kapag nakita ka" sabi niya.
Kinuha ko ang pagkain at dala naman ni Lorraine ang mga medicines ni Andrei.
"Lorraine, may itatanong lang ako" sabi ko.
"Oh, ano ba yun?" sabi naman niya.
"Ano bang tawag sa feeling na parang natutuwa ka kapag nakangiti siya, yung feeling na gusto mo palaging nandiyan siya" tanong ko.
Talagang curious na curious na ako you know why? Because i felt this with Ryan and i have no idea why.
"Wow ha? Ang talino mo pero wala kang alam sa feelings? Malamang may gusto ka sa taong yun" sagot niya.
Me? Liking Ryan? No, I'm not
"Imposible yan" sagot ko naman.
Pero pinutol ko na ang pag uusap namin dahil pumasok na kami sa kwarto ni Andrei.
"Hey Andrei, you've got a visitor" sabi ni Lorraine.
"Who? Tell me who?" sabi naman ng batang excite na excite.
"Hi Andrei! How are you?" sabi ko sa kanya.
Tuwang tuwa naman ang bata sa pagbisita ko. Pinakain namin siya at inalagaan.
Nag usap usap muna kami pero biglang may tumawag sa cellphone ko.
"I'll just take this call, okay lang ba Lorraine?" tanong ko.
"Sure go ahead" sabi niya naman.
Lumabas ako ng kwarto at sinagot ang tawag.
"Hello?"
BINABASA MO ANG
You Are The One (On Going)
Novela JuvenilYou miss the memories✔️, not the person ❌ Maria Lian C. Fuentes, isang babaeng simple at walang ka arte-arte sa buhay. Matalino, maganda pero napakapilosopa. Kung ikaw ba ang babaeng ito, ano ba ang mas pipiliin mo? Ang lalakeng gwapo, matalino, mab...