Sa'yo Lamang (MAYWARD oneshot)

399 23 14
                                    

This is the first time I'm writing a Fanfic na di JaiLene, minsan kasi kahit gusto ko yung LT parang kulang ng hugot kaya wala akong masulat. Kaso iba epekto sa akin ng pag amin ni Edward, yung 'You are not Paolo' ni Heaven at yung reaction ni Maymay sa mga sinabi ni Kisses.

PS. If fan ka ni H or medyo gusto mo siya DON'T READ THIS STORY! Binalaan ko na kayo.

***

Sa'yo Lamang (MAYWARD one shot)

MayMay's POV

"Ate May alam mo na?" tanong sa kanya ni Kisses habang hinihigop nito ang sariling kape.

"Ang alin?" nagtatakang tanong niya sa kaibigan

"Ate May! Hindi mo na naman binasa yung group chat natin sa viber! May chinismis si Vivoree sa grupo!" sabi naman ni Fenech sa kanya

"Sinabi ko naman kasi sa inyo na di pa ako sanay sa Viber eh. Sana tinext niyo na lang" nakabusangot na sabi niya. Simula kasi nung lumabas sila ng bahay ni Kuya ay pinilit na ng mga girls na gumamit siya ng Viber

"Anyway sabi ni Vivoree, si Edward daw di masyadong ok ngayon" singit naman ni Kristine kaya agad siyang nagulat. Bakit di ok si Edward?

"Bakit?"

"Si Heaven tsaka yung Paolo na daw"

Napatigil siya sa narinig. Ini-expect na niya na ganoon ang mangyayari sa labas ng bahay ni Kuya pero nagulat pa din siya. Pinaasa lang talaga ni Heaven si Edward, pagkatapos nitong lapitan at kaibiganin si Edward sa loob ng bahay ni Kuya ay agad naman nitong tinapon ang lalaki pagkalabas na pagkalabas pa lang.

Gustong gusto niyang magalit kay Heaven pero ano ba ang karapatan niya? Ano ba niya si Edward? Kaibigan lang naman siya.

"Uy si Ate MayMay affected. Sabi na taksil ka na kay Querien. Si Edward na talaga gusto mo!"

"Che! Itong si Kisses oo. Pero hindi nga, diba sinabi ko na dati yan. Pag labas natin dapat dadamayan natin si Edward" aniya sa kaibigan

"Ikaw kasi ate May dapat di mo na lang iniwasan si Edward sa loob ng bahay" sagot naman sa kanya ni Kisses

"Tsaka ate May, may expiration date kaya mga nagkakagusto kay Heaven. Tingnan mo si Marco ilang araw lang. Maganda lang siya, sobrang pangit naman ng ugali" ani Fenech sabay ikot ng mata na ikinatawa niya. Kahit sa loob talaga ng bahay ay ayaw na ng kaibigan si Heaven

"Oo nga ate May, tsaka eto seryoso huh? Napagusapan din namin ito nila Kisses, feeling ko talaga may 'something' si Edward sayo sa loob ng bahay" ani naman ni Kristine

Nanlaki ang mata niya sa sinabi ng mga ito. Sa kanya? May gusto si Edward? Impossible! Oo nga at malaki ang fandom ng MAYWARD pero wala lang naman iyon hindi ba?

"Hoy! Kayong tatlo magsitigil nga kayo. Si Heaven ang gusto nung tao hindi ako. Dapat pinaguusapan natin dito yung pagdamay kay Edward. Malungkot yun sigurado" sabi naman niya.

Napatingin siya sa kape na iniinom at bahagyang napabuntong hininga. Walang gusto sa kanya si Edward. Dapat itatak niya yun sa utak niya. Ayaw niyang umasa masasaktan lang siya.

Marco's POV

"I hate her. I thought kaibigan siya. Hindi pala. She's a user" medyo galit na turan niya sa kaibigan na si Edward. Si Heaven ang pinaguusapan nila at nagagalit siya because of what happened. She is with her manliligaw Paolo now and he's really mad for her actions. Everybody thought na may gusto din ito sa bestfriend niya pero hindi pala. She just used him for loveteam and to be more famous.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 12, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sa'yo Lamang (MAYWARD one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon