4

0 0 0
                                    


"Hi Avi so work na tayo?" Bati sa akin ni Jess pagkapasok ko sa hospital.

Oo nga pala. May work pa ako. Ano ba naman yan.

"Sorry guys. Una na pala kayo. Tutulungan ko lang si jess first day ko talaga ngayon eh." Excited pa naman ako. Kaso nakakahiya kay jess kahit kami ang magari nito at parang pampalipas ko lang to nagoras. Nakakahiya parin.

"Oo nga pala. Hindi ba pwedeng mamaya ka na magsimula? " sabi sa akin ni JP hawak pa rin niya yung kamay ko. Nasa unahan namin si Floxe

"Pwede kaso nakakahiya kay jess. Ngayong araw kasi yung official na magtatrabaho ako"

"Ano ka ba avi. Ayos lang nuh. Sumama ka muna sa kanila. Maya ka na lang bumalik pag tapos na. Parang hindi kanila eh." Pero nakakahiya talaga

"Talaga ? Sige sabi mo eh. Babawi ako mamaya ah. Dadalawin ko lang ang kapatid ni JP" sabi ko kay jess "sige avi."

"Tapos na? Tara na" putol ni Floxe napatingin ako sa kanya at titig na titig siya sa akin bakit kaya?

Kinurot ako ni jess sa tagiliran, napaiwas ako sa titig ni floxe. Napatingin ako jess at binigyan niya ako ng explain-later look. Tas bigla siyang tumingin kay floxe tapos sa akin ulit

"Tara na Avi" hinila na ulit ako ni JP

"Una ka na Szani" sabi sa akin ni floxe. Wait szani?

"Szani?" napatingin ako sa kanya. Nakatigin rin naman siya sa akin "my nickname for you" sabi niya.

"What? I've already told you. Don't call me on my second name" sabi ko ng may pagkainis "yeah bro. Ayaw niya sa nag may tumatawag sa kanya ng second name niya" singit naman ni JP

"Pasok na tayo" pumasok na kami sa loob ng elevator.

Tahimik lang kami. Hanggang makarating kami sa room kung nasan yung kapatid ni JP wait. Bakit nga pala kasama namin si Floxe kaano ano niya yung kapatid ni JP? Huwag mong sabihin na.

Binuksan ni JP yung room at bumungad sa akin yung babaeng nakahiga sa kama at parang mahimbing lamang na natutulog

"Hey ma! " Biglang may lumapit na babae kay JP mama niya ata. Nagyapusan sila. Pagkatapos kay JP yumakap din siya kay Floxe "Floxe"

Ok. Op ako

"Ma. This is Avigael Garces my GirlBestfriend" okay na yun. Para malinaw

"Oh. Garces? " parang nagtatanong ang mata ng mama ni jp kung makatingin sa akin.

"Yes po ma. Siya yung anak ng mayari ng hospital na ito" paliwanag ni JP sabay hapit ng bewang ko. Napatingin naman ako sa katabi kong si floxe bigla na siyang umalis at pumunta sa babaeng nakahiga.

"Wow. It's my pleasure to meet you avigael. You really look like your mother. Beautiful" puri sa akin ng mama niya. "I'm tita Olivia Flores" then niyakap niya ako kilala niya pala ang mama ko.

"You know my mother po? " tanong ko "Ofcourse darling. Sinong hindi makakakilala kay Tiffany Garces and your father Raymond Garces. Right? One of the most rich person in the world"

Ow. Wow. Big word yung binigay ni tita sa mga mgulang ko ah.

"Naku. Hindi naman po " syempre pabebe muna baka akalaing pinagmamayabang ko ang yaman nina mommy.

"Naku. I like this girl hindi mayabang. Di tulad ng iba kulang na lang iannounce sa buong mundo kung gaano sila kayaman. " told ya. "Oh  halika na. Pakilala kita sa anak ko. "

Hinila niya ako sa tabi ng anak niya. Pinagmasdan ko at masasabi kong maganda siya at mukhang mabait. Kahit tulog. Paano pa kaya pag nagising na.

"This is my daughter. Railey Zania. Almost 2 months. Na siyang natutulog." Paliwanag sa akin ng mommy ni JP. "Wag niyo po sanang mamasamaain kung itatanong ko sa inyi kung bakit po nacomatose si lianne? Pwede pong huwag niyo ng sagutin." Curious lang naman ako

"Okay lang." Hinawakan ni JP ang kamay ko ulit. Napatingin ako kay floxe nakita ko kung paano siya tumingin sa mga kamay namin. Bigla dn siyang umiwas nakinig na lang ako sa mama ni JP

"Naaksidente sila ng daddy niya. Kasi galing sa bar si Railey and nagpasundo siya sa papa niya. Pero nung time na yun. Hindi namin alam na naglasing din pala yung papa niya sa office. So sinundo ng papa niya si Railey hindi naman pwede si JP dahil tulog na at malalim na rin ang gabi. Hindi namalayan ng papa ni JP yung truck at sabi ng driver ng truck mabilis na lumiko yung sasakyan kaya nabangga sa may puno at napuruhan ang papa niya" makikita ko sa mama ni Jp na pinapigilan lang nito ang luha niya

"Ayos lang po tita" hinahagod ko yung likod ni tita

"Kaya nabawian siya ng buhay at eto si Railey nakacomatose buti na lang nandito ang boyfriend niya" napatingin ako kay floxe at diretso ang tingin niya sa akin na parang malungkot

"Nagpapasalamat ako kay floxe na nandito pa rin siya" at tuluyan na ngang lumabas ang luha ni tita. Tumayo si floxe at niyakap si tita

"Okay lang po tita." Siguro mahal na mahal ni floxe si Railey

"Ma. Ayos lang yan" at lumapit na rin si JP sa dalawa.

Pagkatpos ng mga 10 minuto. Ayos na rin wala ng emosyong nagaganao siguro yung lungkot nandun parin pero yung iiyak wala na.

Magpapaalam muna ako at babalik na lang ako pag may time ulit.

"Sige po tita. Una na po ako. Papasok pa po kasi ako sa trabaho babalik na lang po ako dito. Diyan lang naman po ako sa baba" sabi ko sa mama niya

"Sige Avigael. Salamat ha. Siguro magkakasundo si Railey pag nakita ka niya. " sabi sa akin ni tita olivia "Sige JP una na ako." Sabi ko rin kay JP "sige. Hatid kita? " tanong niya "naku wag na ayos lang diyan ka na. Para bantayan sina tita at Railey" para na rin may kasama ang mama niya sa pagbabantay bukod kay floxe

"Nandito naman si floxe" tumingin siya kay floxe "nga pla. Aalis na muna ako bibili ako ng mga pagkain" sabi ni floxe

"Ganun ba ? Sige. Ingat ka" sabi ni JP. Ano ba naman sa baba lang eh.

"Naku sa baba lang naman ako. Sige" nakalabas na ako ng pintuan ng tawagin ako ni floxe

"Wait Szani sabay na tayo" okay this is

AWKWARD i think

ChanceWhere stories live. Discover now