7

1 0 0
                                    

"Salamat sa lunch dym" sabi ko kay dymsid kahit medyo wala siya sa mood at kanina pa tahimik

Ngumiti namn siya sa akin "Walang anuman so next time ulit?" Yaya niya sa akin. Pero parang may iba sa ngiti niya eh.

"Sige ba " niyakap niya ako. Niyakap ko rin siya para quits hahaha.

"AZ! " nakita ko si JP nagaabang sa table ko

"Uh-uh" sabi ni jess "una na ako ah" at dumiretso na nga sa silya niya.

"Floxe ano to? " tanong niya kay floxe habang palipat lipat ang tingin niya sa aming dalawa

"Hey there! Easy bakit ba HB ka? " binatukan ko si JP

"Aray AZ masakit ha." Masakit talaga para matauhan ka kung ano ang ginagawa mo

"Dapat lang sayo. Ano bang ginagawa mo dito? " tanong ko habang papunta sa table ko

"Malamang yayayain sana kitang maglunch eh mukhang" tumingin siya kay floxe na nakatingin sa amin "tapos ka na. Atsaka bakit yun ang kasama mo? " paguusisa sa akin ni JP

"FYI. Nagkita lang kami sa canteen wala siyang kasama kaya sinamahan ko na" masama magsinungaling pero sorry lord BF ng kapatid niya eh.

"Ganun? Bakit hindi man lang niya ako niyaya? "

"Tinatamad daw siyang umakyat. Iyun!" Hahaha. Help me.

"Sige na nga. Bibili na lang ako ng pagkain sa labas. Babalik ako." At umalis na siya.

Pagkaalis niya. Lumapit naman si dymsid

Binatukan ko agad

"Para saan iyon? " tanong niya na hawak parin ang binatukan ko

"Dahil hindi mo ko tinulungan magexplain sa kanya kung bakit ako yung kasama mo." Binatukan ko ulit

"Oy oy. Nagiging sadista ka na ah. Malay ko ba kung yun ang pinaguusapan niyo atsaka tapos na naman ah. Pinagtanggol mo na naman ako" pinagtanggol?

"Anong pinagtanggol? Bakit may nagawa ka bang kasalanan? " gulo mo ah.

"wag na nga lang. Basta salamat. Una na ako walang kasama si tita eh." At umalis na siya pero nakakailang hakbang palang siya ng lumingon siya at sinabing

"Salamat" at ngumiti. Angulo talaga ng lalaking yun daig pa ang babae sa pagkamoody

Bumalik na ako sa table ko. Wala na naman akong matatapos na trabaho nito eh.

"Naku! Girl iba na iyan" Napalingon ako kay jess

"Anong pinagsasabi mo diyan?" At nagpatuloy sa ginagawa

"Yang mga matang ganan at mga tinginan na malalagkit naku. Alam na alam ko iyan. " luh? Kung ano ang pinagsasabi ni jess

"Ano ba jess? Kung ano ano ang iniisip mo. Magtrabaho na lamang tayo" ayokong pinaguusapan yun.

"Bakit ba ayaw mong pagusapan yun?" Tanong sa akin ni jess habang may ginagawa siya sa computer

"Anong yun? Anong paguusapan? " ang gulo dn ng babaeng ito eh.

"Sus. Deny pa more yung sa inyo ni Sir floxe? " oh. Anong mern?

"Oh. Bakit ano namang paguusapan? " ano nga ba ?

"Naku talaga itong si avi. Ingat ka ah. Baka mahulog. eh siya may sumalo sa kanya sayo kaya may sasalo kaya? Kaso madissapoint ka kasi hindi si wantedguy ang sumalo" ang gulo.

"Ano? Luka ka na. Ano bang sinasabi mo diyan. ? " paalala ba talaga yu  sa akin?

"Basta girl. Kung saan ka dun ako. Dalawa ang love of your life ngayon infairness ah. " dalawa? Paano naging dalawa eh ni isa nga wala

"Anong dalawa? Wala kaya. "

"Eh anong tawag mo kina Sir Floxe and Sir Patrick? Ha. Haba ng hair"

"Mag kaibigan lang yun nuh. Huwag kang magbigay ng malisya. Hindi pala yung isa bestfriend ko daw. Yun. " tunay naman ah.

"Kay sir floxe? Kaibigan lang talaga? O baka naman kai-bigan yiiee hahaha" aba.

"Hindi nuh. Friends lang talaga with the capital F. Atsaka may GF yung tao. "

"Paano pag wala? " hindi talaga ito titigil eh.

"Eh mern nga eh"

"Pano nga pag wala?"
Hindi ko alam. Paano nga ba pag wala? Edi hindi rin kami magkakakilala dun naman nagsimula yun eh. Dun kami nagkita.

"Ewn basta ang alam ko. Alam ko kung saan dapat ako lulugar. "

"Alamin mo talaga. Huwag ka basta sumisingit girl. Mahirap na " Sabi sa akin ni jess at nagtrabaho na ulit.

ChanceWhere stories live. Discover now