May isang simpleng dalaga,
Ang hilig at matulog ng maaga.
Walang pakialam sa mga taong naka paligid sa kanya,
Dahil wala rin namang mag babago kahit siya'y makialam pa.
Kaso biglang nag bago buhay ng dalagang ito,
Nang makilala ang nilalang na bumighani sa kanyang puso.
Kauna unahang tagpo nila,
Ay sabik na sabik na kaagad sa kanya ang dalaga.
Sa kanya natuto , dalaga'y matulog alas dos ng umaga
Kinakaya ang antok para lang pag puyatan siya.
Dahil batid ng dalaga,
Mga dala nito'y puro experyensya.
Iyak ,lungkot ,pighati ,tawa ,saya ,kilig at kung anu anu pa,
Pamilya'y napaisip ,Ang dalaga nila'y in love na.
Sa hapag kainan dalaga'y nagmamadali dito,
Pamilyang di mabatid ang rason kaya't sila'y nalilito.
Pamilya'y gumawa ng paraan upang malaman,
Dalaga nila'y may nilalang na kina huhumalingan.
Nang ito'y nasagutan,
Pamilya'y nag si tawanan
O , Aming dalaga ,
Si Wattpad lang pala.
😊😘

BINABASA MO ANG
Mababatid mo ba ?
Poetry"I believed that I wanted to be a poet , but deep down I just wanted to be a poem". ~Jaime Gil de Biedma