Chapter 2: Lorelei and Ethan

10.7K 230 33
                                    

*O*EDITED*0*

()()()()()()

Lorelei's POV

Hello po! Ako po si Eclair Lorelei Rafael, pero mas maraming tumatawag saakin ng Lorelei and I also prefer that name since Eclair sounds kinda old and way too ladylike for my liking. I'm 15 years old, 2nd year highschool dito sa St. Joseph HS.

"Malelate na tayo."Maiksing sabi nitong kapatid ko na parang walang pakialam sa mundo. Bored lagi ang boses niya at mukha. Siya si Ethan Laird Lopez, younger twin ko. Kahit sabi ni Mama ay 12 minutes akong mas matanda sa kanya, madalang niya akong tawaging 'ate'. Ginagawa nya lang yon pag mag kailangan siya katulad ng pera o pagkain.

Pero oo nga no?! Malelate na kami at 9 minutes nalang bago mag-start ang klase! Shete naman! Tinapos na namin ang pagkain at pumunta kami sa kusina para sana magpaaalam kina Mama at Papa. Pero wala pa kami sa kusina ay naririnig na namin ang bangayan nila.

"Hindi nga kasi Adobo! Kaldereta dapat!" Sigaw ng Papa ko na si Andre Rafael. At kahit nakasuot na sya ng formal attire, childish naman ang pagkakasigaw nito kaya para syang kindergarten na inagawan ng baon.

"Wala akong pake! Eh sa Adobo gusto ko eh! Sino ba sa tingin mo ang nagluluto ng pagkain!?" Sigaw ni Mama ko na si Mama Vivien Refael. Maiksi at hanggang balikat lang ang buhok nya though naikwento nya saakin na mahaba daw talaga ang buhok nya noon at medyo curly pa ang dulo. Hay sana naabutan ko yun...

"Eh kanino ba nanggagaling ang perang pambili ng ingredients!?" Tanong naman ni Papa. Nagkaroon ng katahimikan, bumalot ang awkwardness sa paligid.

"Edi ikaw!/ Edi sayo!" Parang nahihiya pa nilang sagot at mahina akong natawa. Madalas nga silang nag-aaway pero ganon din sila kabilis magbati. Minsan nga nagrarambulan pa sila kaya linggo-linggo kami halos nagpapalit ng furnitures. Though madalas wala kami pag nag-aaway sila, hindi ko pa rin alam kung paano nasisira yung mga gamit namin. At tuwing nakikita ko silang maglaban, na-aamaze ako dahil hindi ko masundan yung mga galaw nila.

"Ehem! Mama, Papa... Aalis na po kami." Kalmadong sabi ko at napatigil sila sa pag aaway. Sabay silang napatingin saamin at sabay ding tumikhim saka inayos ang sarili.

"Ah eh sige anak... Magiingat kayo.." Pilit ngiting sabi ni Mama. Bumalik na siya sa pagluluto at umalis na rin si Papa para magtrabaho sa isang sikat na kumpanya na gumagawa ng chemicals. Nakalimutan ko yung pangalan nun eh, basta chemist sya dun.

Ang kapansin pansin kay Mama ay yung medyo pula niyang buhok. Hindi daw iyon dyed at natural color lang daw yun ng buhok niya. Sayang, wala kaming namanang red hair ni Ethan, astig pa namang tignan. Si Papa medyo blonde na brownish naman yung buhok nya at again, wala kaming namanang ganung trait. Nakakapanghinayang talaga. Madalas kong iniisip yung itsura ko na may kulay yung buhok, ang cute sana...

Kaya ayun nga, tumatakbo kami ni Ethan papuntang school. Medyo gusot pa yung uniform nya pero hindi man lang nya inayos, wala naman kasing pakialam yan sa itsura nya. Pag may nag-aasar o pumupuna sa suot nya eh sasagut sagutin nya pa kahit sino man yun. At in the end, mapapahiya yung kausap nya sabay walk out. Konting kembot lang ang kailangan at nandito na kami. Nakaabot naman kami sa room at wala pa si Sir. Nakita kong nag-iingay ang klase kaya pinatahimik ko sila.

"Guys, quiet! Hintayin na lang natin si Sir, okay? " Sigaw ko at tumahimik naman sila. Ako ang President ng classroom at si Ethan ang Vice namin. Ganon lang lagi eh. Papalit palit lang kami ng elect bawat school year. Kung ako ang Pres, siya ang Vice at vise versa. Palagi ring tie kami sa top 1. May nagsasabing nagkokopyahan kami pero magkalayo naman kami ng upuan. Lagi kaming nano-nominate sa mga ganung position dahil daw natural yung leadership skills namin. Pero of course hindi naman ako naniniwala. Baka tinatamad lang silang mag-lead.

Tantei High: The Second Generation (FANFIC)Where stories live. Discover now