Chapter 4: PE Class

5.9K 132 15
                                    

*****
Malelate na kami! Mayghad! Ewan ko kung saan ko namana ang pagiging late ko. Hindi naman kasi late magising sila Mama at Papa at kami lang talagang dalawa ni Ethan ang mabagal kumilos. Hayy...

Hindi ko alam kung saan yung classroom kaya nagpahila nalang ako sa kanila. Napahinto naman si Sakura na para bang may na-realize kaya huminto din kami at hinintay syang magsalita.

"Teka, diba inanounce kahapon na nabago na daw yung schedule natin at PE tayo ngayon!?" Tanong ni Sakura kaya lumiko kami ulit sa kung saan ulit na lugar. Pumunta kami sa gusaling may nakalagay na 'Midori Building' at umakyat kami sa... third floor ata? Pero ang astig nito! Sobra ang lawak ng space! Parang airport!

Nagmamadali kaming pumasok at nadatnan namin ang boys na naka-PE uniform. Natawa naman sila--ay sina Ogami at Ochiro lang pala kasi wala lang sa dalawa-- naka formal na uniform pa kami.

Last year lang daw sila nag-provide ng PE uniforms saamin pero dati naman ay uniform lang din ang gamit ng students. Bakit kaya bigla silang nagpalit ng rules? Ay ewan ko sa kanila. Agad naman kaming nagpalit sa malapit na CR, buti nalang nagdala si Sakura sa bag nya at magka-size lang kaming tatlo. Grabe super nakakahiya nun.

Pagkapasok namin ay dumating na rin ang teacher namin sa PE. He is a man on his 40's with a lean yet muscular body, guwapo siya at sobrang malakas ang dating. He looked serious pagpasok pa lang ng room at muntik na akong mapa-tambling nang may narinig akong boses sa likod ng isip ko.

'Form a straight line with the girls. Do it within thirty seconds or he'll get angry.'

Napatigil ang paghinga ko namg marinig ko ang malamig na boses na yon. Nanginginig na luminga ako dahil baka may multo dito pero nagtama ang mata namin ni Yuki na mariin ang tingin saakin. After a split second, may na-form na theory sa isip ko. E... Eto na kaya yung inner voice? Yung ability ng Atama na makipag-usap through their minds? Ang galing, parang nag-eecho sa utak ko yung mga sinasabi niya. Creepy but interesting.

'O-Okay.'

Tinry kong sagutin though hindi ko alam kung narinig niya. Hindi naman ako sanay na gumamit nito so wag niya akong sisihin. Umiwas siya ng tingin at sabay silang tumayo ng boys, nakipila nalang ako kina Sakura.

Umayos ako ng tayo at matamang tiningnan ang teacher namin. Pogi talaga siya pero hindi man lang nagbago ang emosyon niya pagkapasok pa lang dito.

And I don't know why, but... I'm having this strange feeling inside of me. Parang uminit nang kaunti ang puso ko nung tumitig ako sa kanya. Parang gusto ko siyang yakapin sa di malamang dahilan. I don't understand it either but.. Aah! Basta!

"To all of the transferees, my name is Hiro. Your PE instructor." Sabi nito at nagpakilala kaming tatlo sa kanya. Umiba din ang timpla ng mukha niya pagkatapos marinig ang alternative names namin kaya medyo napaatras ako. Hindi siya sumagot and instead...

Bigla niya kaming sinugod.

Saaming dalawa lang siya naka-aim at sobrang bilis ng kilos niya, palipat-lipat pa siya ng pwesto. Pag tumitingin ako sa location niya, afterimage niya nalang ang nakikita ko.

Nag-rely nalang ako sa instincts ko dahil alam kong hindi makakaya ng isip ko ang makita ang moves niya, at pinredict ang susunod niyang lokasyon. Nakita ko sa peripheral vision ko na ganoon din ang ginawa ni Hiroki, naging alerto din siya at inobserbahan ang kilos ni Sir Hiro. At dahil naging seryoso at cautious ang mga kilos niya, alam kong na-iintimidate din sya sa presensiya ni sir. Minsan lang i-acknowledge ni Hiroki ang ibang tao kaya saludo ako kay sir Hiro.

Mas naging seryoso kasi siya at hindi man lang siya nagpigil, may killing intent talaga kung umatake. Inobserbahan ko siya at pilit inilagan ang mga atake niya. Tsk. Kahit naba-block ko ang tira niya, paniguradong magkakapasa ako pagkatapos nito. Nang ma-memorize ko ang movement patterns niya, sinipa ko siya at Hiroki naman ay may ibinato sa kaniya.

Tantei High: The Second Generation (FANFIC)Where stories live. Discover now