Chapter 5: Sixth Sense

8.5K 237 25
                                    

Bakit alam ni Hiroki ang sixth sense niya tapos ako wala man lang akong alam tungkol sa Erityan tribes? Unfair talaga tong kambal ko eh, sa sobrang tahimik niya napuno na siya ng sikreto. Hindi mo rin mababasa or mahuhulaan ang iniisip nya dahil madalas wala syang emosyon at kung ngingiti man sya, nasisiguro kong marami itong ibig sabihin...

"Prove it, then." Utos ni Yuki kaya marahan lang na tumango si Hiroki. Parang naghanap pa sya ng pwedeng gamiting proof sa sinasabi nya. Nag-tilt lang nang konti ang ulo nya sandali at nung may na-lock na syang target, halos lumuwa ang mata ko nang mag-iba ang kulay ng mga mata nya.

Totoo pala yung mga nakikita ko noon sa mata nya dati pa! Unang umilaw yun noong 7 years, 3 months, and 5 days old palang kami (though hindi ko alam kung paano ko yun natandaan), nung hinahanap nya yung pusang umakyat sa bubong namin. Hindi ko pinansin yun dahil brown ang kulay, inisip kong dahil lang sa araw na tumama sa mukha nya. Pero ngayong naipaliwanag na saakin ang tungkol sa existence naming mga Senshin, napagkabit-kabit ko na ang lahat.

Yellow na pala ang eye color nya! Meaning malapit-lapit na sya sa green stage. Siguro dahil na rin sa pagsali nya sa Kyuudo Club kaya na-enhance ang abilities nya... Pero ako kaya? Brown pa rin kaya ang kulay ng mata ko? Baka nga hindi pa nagbabago ng kulay eh.

Masyadong napalalim ang pag-iisip ko kaya hindi ko napansing nagsasalita na pala si Hiroki. "There's a girl about 600 meters away from here. She's wearing thick framed eyeglasses and a maroon sweater, but from what I'm seeing, her glasses are probably fake. She's reading a book but she's actually hiding a tablet behind it, baka gusto lang magpasikat ni ate. But despite that, let me tell you... I am, pretty much, enjoying the view." Paliwanag nito at sumipol pa. Muntik akong mapasigaw nang biglang may lumabas na binoculars sa kamay ni Yuki, pero natandaan kong posible nga pala ang magsummon dahil sa advanced technology nila dito. Dahil na rin sa sugat niya sa palad galing dun sa PE, hindi na niya kailangan maghiwa ng sarili.

Lumapit naman saakin si Megumi. At kinalabit ako kaya napalingon ako sa kanya. "Ate, is your brother a pervert... or something?" Nanginginig na tanong ni Megumi habang nakatingin kay Hiroki at napatawa naman ako ng mahina dahil dun. Oo nga naman, kung hindi ko sya fully na kilala or kung hindi siya nakadikit saakin for 15 years, yun din ang unang iisipin ko. I'm sure ginamit ni Megumi ang sixth sense nya at nakitang medyo revealing or maiksi ang palda nya.

"Hahaha... Nah, impossible. Yuki, is the girl eating some ice cream or any sugary substance?" Casual na tanong ko kay Yuki. Oo na, FC na ko pero kakarerin ko na. Mukha namang hindi siya nagalit eh.

"Yeah, she is eating ice cream. How did you know? Do you have similar abilities?" Takang sabi nito at umiling ako. Ni hindi ko nga alam ang sixth sense ko eh. Pero dahil dun, napatunayan ko na ang theory ko.

"Hindi naman. Well you see, my li'l bro here," Panimula ko at itinuro pa si Hiroki para mas convincing. Pero sinamaan nya ako ng tingin dahil ayokong tinuturing ko syang mas bata sakin. "He has this strange addiction to sweets. If he was to pick between a house and lot or a candy store, he'll most definitely choose the latter." Natatawa kong sabi.

"My power is that I can create holograms and make them reality, though they might vanish when I touch them or lose focus. But that's the best sixth sense isn't it?" Exited na sabi nito pero tumawa lang ako ng mahina. Siguro nga nakakatulong iyon sa kanya. Turning 2D girls to real holograms, is definitely the best for otakus like himself.

"What about you Hiromi?" Tanong naman ni Ochiro. Ano nga bang sixth sense ko? Until yesterday, wala akong kaalam-alam sa ganitong bagay, hindi ko nga alam kung Senshin ba talaga kami o nagkamali lang sila ng nakuhang student.

"I dunno, but this guy over here does." Sabi ko sabay turo kay Hiroki. Pero hindi naman siya mag react at tumingin lang sakin. Ibang klase talaga 'to kung magtampo, parang ibang tao eh.

Tantei High: The Second Generation (FANFIC)Where stories live. Discover now