Chapter 10: Case I: Request

6.4K 176 12
                                    

(A/N; Good day, readers! I'm sorry but I changed the case from a cryptic message decode case to a supernatural one (there's a logical explanation but you'll know the truth later. lol) Sorry po...

PS: Shoutout po kila (faithchaaii Kaneki_618 _eyshthetic )thanks sa SUPPORT nyo. Grabe na-INSPIRE po ako sa GOOD comments, grabe sarap nyong sapakin—este yakapin.

Welp... Thanks again for reading this)

Hiromi's POV

Buti nalang hindi kami late ngayon. Kaya pwede kaming maglakad lakad muna papunta sa next class. Fielding daw ata ang subject namin, ewan ko hindi ko pa naman naririnig yung subject na yun eh. At Sir Kanda raw ang name ng teacher namin dun. Pero parang may napansin akong kakaiba kay Sakura.

Nakayuko lang sya habang pinapatunog niya yung knuckles nya sa kamay. Pero kita ko pa rin ang mala-demonyo nyang ngiti na sobrang nakakatakot. Well ganyan din siya ngumiti samin nung first day, parang rapist na nakahanap na biktima. Sasabak ba sa gera yun o may sumapi sa kanya?

Biglang humagikhik si Megumi habang nakatingin sa akin. Hala! nakalimutan ko yatang isara yung isip ko! Nabasa nya kaya?! Napatakip  naman ako ng bibig. Ay, ulo ba dapat?

"Kasi po ate, tapos na yung kasunduan nila ni kuya Ochiro." Nakangiting bulong ni Megumi kaya pina-una na namin si Sakura para makapag-usap kami nang maayos. May nabanggit ngang contract sina Sakura at Ochiro, pero para saan kaya?

"Anong kasunduan?" Bulong ko din. Wala naman siyang nababanggit saaking ganun ah?

"Lagi po kasing nag-aaway sila Kuya Ochiro at Ate Sakura. Laging ginagawang punching bag si Kuya dahil lagi nyang inaasar na flat chested si Ate. Lagi din po silang nagbabangayan tungkol sa maliliit na bagay pero sa dulo eh nagkakabati naman po. Masarap naman po silang panoorin kaso minsan nakaka irita na rin po yung ingay nila." Wala sa isip na napatango naman ako don. Pero si Sakura? Flat? Hindi naman ah. Mas wala nga akong laman kaysa sa kanya eh.

"Pero dahil alam nilang may mapupunta sa Atama, gusto nilang maging nice ang first impression nyo saamin. So nagkasundo silang wag mag-away sa first and second day. Ceasefire po kumbaga, may contract pa nga po eh hihi... Siguro po medyo hindi siya sanay na walang binabatukan at sinasapak. Kaya tuwang tuwa siya." Bulong niya. Eh?

Why the hell is it reminding me of my freakin parents?

"Pero anong klase nga ba 'tong subject natin? Ba't naka civilian lang tayo?" Nilakasan ko na ang boses ko this time para marinig din ni Sakura. Hindi kasi kami naka-uniform ngayon at casual lang ang suot namin. Hindi din kami dumaan sa natural naming route.

"Fielding tayo ngayon. Dun tayo magso-solve ng cases ng humdrums. It's also a great way to improve your eye color." Si Sakura naman ang nagpaliwanag. Wow, magso-solve ng cases sa world ng humdrums?

Nakita namin yung boys na naghi-hintay saamin dun sa corridor na naghahati ng boys at girls dorm. Naka-civilian din sila. Parang nawalan naman ng kulay ang mukha ni Ochiro, at mukhang alam ko na ang dahilan. Hahahah

Tantei High: The Second Generation (FANFIC)Where stories live. Discover now