Chapter 12: Murder

4.8K 134 34
                                    

Hello readers 😊 (kung may natira pa man sa inyo)! Paki-explain nyo sakin ha...

HOW THE HECK DID I GET 51K READS, 1.30K VOTES, AND 230 COMMENTS!?

I left this for a while since I'm focusing on my other book. Pero watdapak! Napatili nalang ako sa CR namin after that.

Well, anyways... Here's your update! Gift ko for Christmas and next year pa ang update so for New Year na din! Oh diba, 2 in 1? Again, thank you for reading this book!

-Author who loves Author's Notes but doesn't make updates 💕

****

Tuluyan nang tumayo lahat ng balahibo ko nang mamatay lahat ng ilaw.

"All of you, take two steps back. Let's give space to our deceased companion." Pagsasalita nito at agad kaming sumunod, naramdaman ko naman ang paglawak ng circle na na-form namin.

Nagsimula nang mag-chant si Miss Luzviminda ng kung-anong bagay. Hindi ako expert linguist, pero alam kong hindi yon Latin o kahit ano pang language na suitable for chants. Halatang sinasabi nya lang kung anong word na pumapasok sa isip nya. Talk about a fraud, hindi man lang siya nag-abalang mag-research tungkol sa ancient languages.

Everyone gasped after hearing distorted sounds and feeling the wind become stronger, obviously thinking it was the spirit interacting with them. At kahit wala akong makita, halatang mga tingin ng pagpuri ang ibinibigay sa kaniya ng pamilya Cruz. Gano'n din siguro ang gagawin ko, kung hindi lang kami may napansing isang bagay.

May mga speaker na naka-kabit sa paligid, kasama na ang nakatagong fans na kahit ako ay hindi makakapansin. Pero dahil nga sa kakambal ko, hindi iyon nakawala sa paningin niya.

Sa panahong 'to, hindi naman na rocket science ang paggamit nito, madali nalang kontrolin ito kahit lahat kami ay magkahawak-kamay. Kahit i-set nalang nila ang oras kung kailan ito i-ooperate. Pwede ring may tauhan sila sa labas ng circle na nagpapagana nito na hindi pa namin nakikita.

Pero iba nga naman ang nagagawa ng pananampalataya sa tao, no? We stare at the miracles in awe, but look past the possible dirty tricks. Kaya minsan, tine-take advantage nila ang mga taong malakas ang paniniwala, just to sate their thirst for money.

Pinagpatuloy ko lang ang pag-oobserba kahit wala talaga akong makita. Pinikit ko ang mga mata ko para talasan ang iba ko pang senses. Saktong may narinig akong kakaibang boses.

"A-Ackk..." Hindi ko masyadong marinig dahil sobrang hina, pero may kung ano sa boses na yun. Parang naghihingalo na ewan. Like her voice was being held back by something. Parang.... SINASAKAL!?

Luminga-linga ako kahit wala akong makita. Pinakiramdaman ko ang lahat, wala naman akong maramdamang tension sa mga nasa circle. Nawala na rin sa pandinig ko ang boses, kaya medyo nalito ako kung gawa-gawa lang 'yon ng utak ko.

Naramdaman siguro ni Yuki ang takot ko dahil humigpit ang hawak ko sa kamay niya, kaya kinausap nya ako through inner voice. 'What's wrong?'

'I heard something... disturbing.' Hindi na ako nakapag-paliwanag dahil baka mali nga ang iniisip ko at pagtawanan nya lang ako (kung tumatawa man siya).

'I'll check.' Sagot nalang nito at hindi na ako nakapagsalita.

"Everyone, are you still holding hands?" Malakas na tanong nito at naramdaman ko ang pagtingin ng lahat sa direksyon namin. Halatang sinamaan nila kami ng tingin dahil sa pagsira ng session nila, pero mukhang walang pakialam si Yuki.

Tantei High: The Second Generation (FANFIC)Where stories live. Discover now