Chapter 8: Dorms

7.7K 246 42
                                    

Heheheh wala pong sense tong chapter na to. Pero parang gusto ko lang i-publish. May mga nag comment po na gusto daw nilang ituloy ang story ko. Akala ko po pangit kaya baka walang nagbabasa eh. Pero sususbukan ko pong nag update ng ibang chapter. Thanks po!

****

Nakarating na kami sa dorms namin. Medyo napagod ako kahapon kaya hindi ko na-check ang facilities ng kuwarto namin na 'to. Naglakad-lakad ako sa paligi nang may napansin ako. Hmm... Parang may kulang??

"Nasaan pala yung kusina nyo, girls? Gutom na ako eh. " Tanong ko pagkatapos humarap sa kanila at medyo namutla sila. Yung parang 'kusina' ang pinaka nakakatakot na salita at parang papatayin na sila ng nagsabi nun. Napansin ko ngang lagi kaming sa plaza at restaurants kumakain eh. Masarap naman ang pagkain nila, pero medyo nakakasawa na eh.

"A-ahh.. N-nandun po.. k-kaya lang.." Nauutal na sabi ni Megumi sabay turo sa isang direksyon. Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya at dali-dali akong pumunta doon.

I love cooking, madalas kong panoorin si Mamang nagluluto o kaya nanunuod ako ng mga tutorials sa internet. Para kasing gumagaan ang pakiramdam ko tuwing nasa kusina ako, at naging past time ko na ang paglilinis nito. Pero iba ang naramdaman ko sa kusinang to ah.

Pagkabukas ko ng pinto at tumambad saakin ang isang kagimbal-gimbal na tanawin. Mga platong naka-saburayray, mga bulok na bagay na hindi ko matatawag na pagkain, mga cup noodles na marami nang bulate at mga bagay na hindi ko na gugustuhing ikwento sa inyo dahil paniguradong babangungutin kayo. Nanginginig ang katawan ko sa galit, akala ko wala nang mas sasama pa sa serial killers, pero meron pa pala! Walang iba kundi ang gumawa nito!

Naramdaman kong tumakbo sila Sakura sa direksyon ko.

"Hi-Hiromi, pasensya na ha? Hindi namin nasabi sayo yan. Hindi kasi kami marunong magluto ni Megumi eh. Madalas naming sinusubukan pero palaging palpak eh. Wala rin kaming oras maglilinis kasi marami kaming ginagawa.." Paghingi ng tawad saakin ni Sakura. Pinigilan ko ang sarili ko na suntukin sila o sumigaw dahil baka makapatay ako.

Feeling ko sasabog na ako kaya huminga ako ng malalim. Pero nang gawin ko yun, may napansin ako.

"Bakit walang amoy?" Nagtatakang tanong ko sa kanila. Ni hindi mo nga maiisip na ito ang laman ng kwarto kasi wala man lang amoy. Kung ganito naman kasi yun, baka mas mabaho ba sa patay na hayop ang amoy. RIP, food.

"Kasi nga, yung sixth sense ni Yuki ay enhanced sense of smell. Eh medyo umalingasaw ang amoy at pati kami eh napapatakip na rin ng ilong. Kaya naman nung hindi na siya nakapag-timpi, bigla siyang pumasok sa loob at nagsaboy ng ammonia at marami pang smell cancelers. Hindi nga namin alam kung san nya nakuha yon eh." Natatawang sabi ni Sakura at napatawa na rin ako. Ang sakit nga siguro sa ilong nun.

"O, sya, ako na ang maglilinis dito. Ako na rin ang magluluto. Hindi man ako professional na tagaluto, disente naman ang lutuin ko no." Pabiro kong sabi at parang kuminang ang mga mata nila. Yung konti nalang, sasabog na at maglalabas mg maraming glitters.

"Talaga ate!? Yees! Makakakain na rin ako ng hindi fast food." Sabi nila at nagtatatalon sa tuwa. Napangiti naman ako, para silang bata. Umalis na sila kaya nagsimula na ako sa pagllinis.

Kuskos dito, kuskos don. Hugas dito, hugas don. Wooh! Ang saya talagang maglinis! Feeling ko nagpapakinang ako ng dyamante. Parang mas napapaganda ko yung nililinis ko. Medyo madali lang namang linisin ang kusina dahil hindi pa masyadong dumikit yung mga 'pagkain' (kung matatawag mo pang ganoon yun) . Madali lang din akong natapos.

Pumasok na sila matapos ang ilang sandali. Para silang nakakita ng ginto nang tingnan ang kusina. Syempre! Pinakinis ko yan ng husto! Wala akong sinantong dumi!

Tantei High: The Second Generation (FANFIC)Where stories live. Discover now