Chapter 6: What is Love?

111 4 0
                                    

CHAPTER 6: What is Love?

 

(Stanley’s POV)

Nandito kami ngayon sa bar. Cinecelebrate namin ang anniversary nila James at Jam. In our group, we believe that they have the best love story ever.

Kasi si James parehas naming yan ni Drake, playboy, madaling magsawa sa babae. Pero nung nakilala nya si Jam nagbago sya. “Love can change people, not the people itself, but the aspect of living the life with the one who gives you life.”

 

Nakilala ni James si Jam first year college kami. Sabi nya na love at first sight sya kay Jam. Well, maganda naman si Jam, simple lang sya. Hindi sya gaya ng ibang babae na kung makapag-paganda ay wala ng bukas. That’s what I admired about her, my favorite line about life from her is “Forgive, must live this life. This is only once, you don’t know what may happen after.” Yan ang sabi nya saakin nung mga panahong mahal ko pa sya at para na din sa amin ni Dad. Sya ang tumatayong “Ate” namin sa grupo.

Maybe it’s time to tell about my past…

*Flashback*

Hmm. Buhay college na kami. Kelangan matured na ako, hahahaha. Di na pwede patambay-tambay lang. Magagalit si mommy. Tsaka kelangan good influence din. Aba ako yata may-ari ng school na to. I must be respectable.

Kumakain ako sa canteen ng may naririnig akong sigawan.

“Take that bitch, hindi ka belong dito!” sabi nung isang babae

“Oo nga, paano ka nakapasok dito? Akala ko ba no pets allowed sa campus?” sabi nung parang leader nila.

 

Tumaas ang kilay ko. Lumapit ako sakanila... “Hoy!” sigaw ko. Napatingin naman sila saakin na nahalatang gulat.

“And what the hell are you doing to her?” sigaw ko sakanila, habang nakatingin sa babaeng umiiyak.

“Nothing P-p-rince…” nanginginig na sabi ng isa.

“Nothing? You think it’s nothing? You’re making a scene in my SCHOOL” pinagdiinan ko pa ang word na School. “And also, you’re the one whose is not deserving to study here in my school. She maybe poor but she gives a good reputation in my school!” I shouted them. I calmed myself first “Say sorry to her.” I said to them with my calm voice.

“Sorry.” Sabi ng leader nila. At gumaya na din ang mga kasama nya. Ngumiti lang ang babae at sinabing ok lang daw yun. Parang musika sa tenga ko ang boses nya, napaka-angelic.

“Uhm, thank you po Prince sa tulong.” Sabi nya saakin na nakangiti, ang ganda nya. Eto na ba ang sinasabi ni James na Love at first sight gaya sakanila ni Jam?

“Ah, walang problema. Ano nga pala pangalan mo?” sabi ko sakanya habang nakangiti.

“Athena Santos po ng name ko” sabi nya na nahihiya. Ang cute nya.

“Nako wag mo na ako I-po nakakatanda tignan. Hahahahaha. Tawagin mo na lang akong Luke.”

When Cold Princess falls...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon