Chapter 9: Acquaintances

72 0 0
                                    

CHAPTER 9: ACQUAINTANCES (PART 1)

(Stanley’s POV)

One week already passed since my encounter with Xyrene. Hell yeah, I’m trying to change for a good one because of her. I don’t know why, I just feel doing it. Well, slowly I’m doing it. I also imposed a new rule in my school.

"No sex"

Yes I did it. May ibang nagreklamo tungkol doon. Kesyo daw ganoon din daw ako. Inexplain ko sakanila na pangit sa image ng school ko. It’s a relief na wala pa naming lumalabag sa rule na yon. Subukan nilang hindi sundin suspension ang parusa sakanila.

This coming week na din ang Acquaintance Party namin. Nag-announce na yung President  ng Student Council namin nung isang araw…

Flashback…

Naglalakad ako ngayon sa corridor ng may nagsalita sa speaker ng buong campus namin. 

“All the students, stop whatever you are doing right now and go to the quadrangle now. Thank You! Babush!” sabay tawa sa mic namin.

Jusko may sayad yata yung binoto naming President ng Student Council. Well, lalaki sya… Kaso pusong babae. Hahahahahaha. Pero mabait naman yan at deserving sa position na yun kaya no problem sa amin.

Tinawagan ko sila Drake at yung iba pa. Tinawagan ko na din incase na wala sila or hindi nila narinig.

“Hoy pare! Dito!” Kumaway saakin si Henry. Lumapit naman ako dun at nagstart ng magsalita si Mikee our President.

“Okay guys! Mukha naming andito na ang lahat. I just want to inform you that we’ll be having our acquaintance party by next week. So you better prepare. Formal attire is required. Hindi gaya ng nangyari last year.” Sabi nya na may pinapatamaan. At talagang nag-roll eyes pa sya. Nakakatawa lang si Mikee. Kaibigan din naman namin yan.

Pano ba naman kasi, last year. Sabi formal attire, may isang grupo na ewan ko ba kung trip lang o may sayad at nagsuot ng Rainbow tuxedo. At ang worst pati buhok Rainbow! Buti na lang napigil ko ang sarili ko at hindi ko pinatalsik sila ng gabing yon.

“And also partners are required. If wala ka partner, no choice ka kundi ang magperform sa gabing yon. Fun is it? Hahahahaha” sabi nya na natatawa. 

Yung iba nagrereklamo ng nagrereklamo. Yung iba naman pinaplano na kung sino at paano yayain ang gusto nilang maka-date.

“Ayun lang, so goodluck sa paghahanap ng partner. You may now go to your perspective classes.” Sabi nya at bumaba na sa stage namin sa quadrangle.

“Ikaw Drake sino partner mo?” sabi ko. Sabagay kahit manghablot naman sya ok yan eh. Hahahahaha

“Ako? Bahala na. Kung sino una kong makita na magandang chicks okay na yon. Hahahahaha “ natatawa sya sa mga reaksyon nila Oliver dahil napapailing na lang sila. Hahahaha. “Ikaw Stan? Sino? Manghablot ka na lang din! Hahahahaha.”

Hayop na to. Idamay pa ako sa mga kalokohan netong taong to.

“Bahala na din. Pero hindi ako pupunta dun kung wala ako partner. Kayo Henry at Oliver?” mukha din kasing nag-iisip sila kung sino isasama nila. Wala si James ngayon, absent dahil nagaayos ng bar. Tsaka malamang sila naman ni Jam partner nun eh. Last year kaya sila ang Couple of the Night. Kahit nga siguro kikiligin sa kanila eh. You can see in their eyes that they really love each other. Tsaka last year na nila ngayon, kaya ieenjoy nila tong last Acquaintance Party nila sa school.

“Ako siguro yung kaibigan ko na half-italian din. Kakatransfer nya lang kasi dito eh. Kelangan nya ng kasama.” Oo nga pala, dumating na yung kaibigan nya na half-italian din. Atleast, sure na may partner na sya.

When Cold Princess falls...Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon