———-
[8:30 am]
[P.E. class]May isang grupo ng kalalakihan ang kasalukuyang tinutukso ang kanilang kaklase na si Mart sa loob ng boy's locker room. Habang ang mga ibang kaklase nila'y nagbubulag-bulagan lang sa nangyayari.
Gaya ng mga nakalipas na araw, kinukuha na naman nila ang pera nito at mabubugbog na naman sana si Mart kung di nangialam si Ran.
"Oy. Ano ba yan. Kayayaman niyong tao pero nangunguha pa kayo ng pera ng iba." Sabi ni Ran sa mga nang-aapi kay Mart.
Inis na napangiti ang lider ng grupo na si Jake dahil dito napatingin siya ng masama kay Ran. "Hindi mo yata kilala ang binabangga mo,Medina. Alam mo bang—"
"Aaah. Oo na. Oo na. Papa mo nga ang presidente ng school na to. Ano ngayon? Did that give you the right of superiority among the students? Ha? Baka nakakalimutan mong parepareho lang tayong estudyante dito. Kaya kung wala kayong magawa sa mga boring niyong buhay, mag-aral na lang kayo. Huh. Balita ko nagbayad na naman ang mga parents niyo para ipasa kayo sa lahat ng subjects, ah."
Sinuntok ni Jake si Ran sa mukha at agad na kinwelyohan ng mahigpit.
"Hindi mo alam kung anong kaya kong gawin,Medina." Nanlilisik na ang mga mata nito sa galit kay Ran. "Kaya kong pumatay kung gugustuhin ko. Tsk. Tandaan mo yan."
Binitiwan ni Jake si Ran at umalis kasama ng barkada.
"Oy, Jake. Piece of advice." Tinignan siya ni Jake at tinapatan niya ito ng isang naghahamong tingin sabay sabing, "Don't underestimate me. I'm more dangerous than you are."
"Tsk." Sa sobrang inis ay tuluyan ng umalis sa klase ang grupo nina Jake.
"Uhmm ano... Sa-salamat, Ran."
"Urgh. At ikaw naman? Pwede ba? Lumaban ka naman paminsan minsan. Araw-araw ko na lang nakikitang ganun ang nangyayari sa'yo at naiinis na ako doon. Ipakita mong lalaki ka, bro!"
"Hm! Susubukan ko—"
"Ha?! Susubukan mo lang? Hindi pwede. Kailangan bukas na bukas din o kaya naman mamaya kapag inaway ka pa niya, patulan mo na. Ha? Ha?"
"O..oo na." Sagot ni Mart.
"Hay. Okay. Alis na tayo. Magsisimula na ang klase maya-maya." Paalala ni Ran. Sa paghakbang niya ay sumunod si Mart.
[9:20 pm]
Kasalukuyang naggigitara si Ran sa kanyang apartment ng may natanggap siyang text mula kay Jake.
"Haay. Nakakainis na talaga ang lalaking to. Nakuu!!!"
Pinuntahan ni Ran ang lugar na binanggit ni Jake sa text.
"Settle the score, ha? Di ko akalain na magkakaganito. Hay, bahala na." Sambit niya habang naglalakad.
[9:45 pm]
[East Town University, Olympic Pool]"Oy! Jake!" Kakapasok pa lang ni Ran sa pool site ng university. "Hay. Siya 'tong nagpapunta tapos wala naman siya dito. Makauwi na nga!" Sabi niya dahil parang wala namang tao sa site.
"Tulong..."Napatingin si Ran sa paligid dahil sa tunog na narinig.
"Tu...tulong..!"
"Teka..." Napansin niyang bukas ang pinto ng locker room kaya pinuntahan niya ito at agad namang narinig ang boses na kanina pa humihingi ng tulong.
Binuksan niya ang ilaw at dito'y nakita niya si Jake na kasalukuyang hinihingal at duguan habang nakasandal sa locker number 13.
Habang pinipigilan ni Ran ang mabilis na pagdaloy ng dugo sa tagiliran ni Jake gamit ang kanyang towel ay tumawag na siya ng ambulasya.
[Next day, 9:30 am]
[President's Office]"Good morning po sir." Bati ni Ran sa presidente. "Kamusta na po si Jake?"
"Hanggang ngayon ay wala pa siyang malay." Sagot ng ama ni Jake.
"Ganun po ba? Hindi ko po alam kung anong tunay na nangyari pero...dapat pong mahuli ang gumawa sa kanya nito, sir."
"Alam ko."
Agad na nagsipasukan ang mga local police sa loob ng kwarto ang nilagyan ng posas ang mga kamay ni Ran.
"Wo..woi! Sandali lang. Ba- bakit ako? Wala naman akong ginawa ah! Ako ang nagligtas sa kanya kaya—"
"Tama na!" Sigaw ng presidente sa kanya. "Tumahimik ka na."
Gusto mang ipagsigawan ni Ran na inosente siya hindi niya na tinuloy dahil sa kalungkutang nababalot ngayon sa mga mata ng presidente. Mahinahon siyang sumama sa mga police kahit na labag ito sa kalooban niya.
[Sa kabilang banda]
"Oh ano na, Kairee? May napili ka na bang apartment ha?" Tanong ni Nico sa kanyang pinsan.
"Doon na lang po ako sa building ng apartment ninyo ni ate."
"Ha? Hay. Hindi pwede, Kairee. Alam mo namang bagong kasal kami ng ate Mira mo kaya.. Uhmm.. Eheem. Aah.. Basta alam mo na yun!"
"Hay. Kuya naman eh. Hindi ko naman sinabing sa apartment niyo mismo eh. Ang sabi ko...sa parehong building lang. Hindi ka naman nakikinig eh."
"Hay! Oh sige na. Sige na nga. Panalo ka na."
Bago pa makapagpasalamat si Kairee ay biglang may natanggap na tawag ni Nico galing sa trabaho.
"Pasensiya ka na, Kairee. Mukhang hindi kita masasamahan sa paglilipat ngayon. May bagong kaso kasing ibinigay sa akin."
"Tungkol saan?"
"Hmm... Sandali." Tinignan ni Nico ang kanyang email kung saan ipinasa ng mga kasamahan niya ang detalye ng kasong pinapaimbestigahan sa kanya.
"East Town University? School mo to, di ba?" Tanong ni Nico.
"Ah. Opo. Bakit? Anong nangyari?"
"Muntikan ng mamatay ang anak ng presidente dahil sa natamong saksak sa kanyang tagiliran."
"May suspek na ba?"
"Oo. Isa ding estudyante."
"Sino?"
"Si– hay! Hayan ka na naman, Kai. Stay out of this case. Oh siya. Aalis na ako."
"Pero kuya—!"
Hahabulin pa sana niya si Nico kung hindi lang mabilis ang pagpapatakbo nito sa kotse.
"Haaay! Nakakainis naman eh!"
Ayaw man yang gawin pero kailangan niya ng pumasok sa klase niya ngayon. Pero sa impormasyong nalaman niya... Papasok ba talaga siya?
——
BINABASA MO ANG
Partners In Crime
Mystery / ThrillerKairee Sue. A college student who's chasing mysteries while seeking clues behind her parents death. Will the truth set her free or break her heart? *** this story is purely fictional and based from the writer's imagination only*** *** no fix date fo...