Case 2.1: Ghost in the Hunted House

36 0 0
                                    




[2 weeks later]
[Monday, 11 pm]
[East Town University neighborhood]

Sa tabi ng prestihiyosong unibersidad na ito ay may nakatayong isang hundred year old na bahay na sinasabing tinirhan pa ng mga unang namuno sa mataas na paaralan na ito. At kasabay ng pagtanda nito ay ganun din ang pagpapakita ng mga di umano'y multong gumagala sa bahay pagsapit ng hating gabi.

Dahil sa usap-usapan na ito, nagsimula ng magtaka ang mga estudyante kung totoo ba ito o hindi. Kaya naman nagdesisyon ang mga miyembro ng Mystery Club na pasukin ang nasabing hunted house.

"Guys? Sigurado na ba talaga tayo dito?" Tanong ng natatakot na si Jiko sa mga kasamahan.

"Pwede ka ng umalis kung natatakot ka, Jiko." Sabi naman ni Kevin, ang presidente ng club.

Nagsitawanan lang ang mga iba pa nilang miyembro.

"Teka lang. Wala ba sa inyong nakakita kay Ven? Sabi niya sasama siya sa'tin di ba?" Tanong ni Mika sa mga kasama.

Tumawa lang si Kevin, "Baka nanghina na ang mga tuhod nun kaya di na siya makakasama sa'tin. Hahaha."

Tumawa lang sila maliban na lang kina Jiko at Mika na halatang nag-aalala sa kaibigan.

"Yosh! Nandito na tayo kaya wala ng urungan. Okay! Humanda na tayo!" Sigaw ni Kevin.

"Te— teka lang, Kevin." Takot na nakatayo lang si Jiko sa kanyang tinatayuan.

"Hay. Ano ka ba. Umuwi ka na nga lang kung takot ka."

"Hindi yun. Ti–tignan niyo."

Inilawan ni Jiko ang bintana sa isang kwarto sa 2nd floor ng bahay, at dahil sa kanilang nakita napasigaw ang grupo at nagsitakbuhan. Naiwang nakatayo si Jiko sa sobrang takot.

Isang lalakeng nakabitin mula sa kisame ng kwarto.


[2 days after]
[Wednesday]
[7:30 am]

"Kai! Oi, Kairee." Patuloy ang pagtawag at pagkatok ni Ran sa pinto ng apartment ni Kairee. Panglimang beses niya ng inuulit ang pangalan nito. "Tsk. Kairee, ano ba—"

Napatigil siya ng binuksan na ni Kairee ang pintuan. "Bakit ba? Ang aga-aga oh!"

"Late na ako kaya pakibilisan pwede? Umalis na tayo." Sabi ni Ran.

"Ikaw lang ang late, noh. 9 pa kaya ang pasok ko." Sagot naman ni Kairee sa kanya. "Kailangan ba talaga hatid-sundo at sabay tayo palagi sa pagpasok at pag-uwi ha?"

"Yun ang sabi ni kuya Nico kaya dapat nating gawin yun. Lalo na na may nababalitang rapist sa paligid. Baka mapano ka pa kung di mo ako kasama."

"Wow. So may aso na saking nakabantay ngayon? Haha."

"Pwedeng bodyguard na lang? Ang baba ng tingin mo sa'kin ah!" Nagsisimula ng mainis si Ran kay Kairee kaya minabuti niya na lang na hilahin ito palabas ng building.

Pagkalabas nila ay agad na sumakay si Ran sa kanyang bike at huminto naman si Kairee habang naka-kibit balikat lang.

"Saan ako dito sasakay?" Tanong ni Kairee.

"Dito." Hinila ulit ni Ran si Kairee at pinaupo sa back seat ng kanyang bike. "Tapos humawak ka ng mahigpit sa baywang ko."

"Ayoko nga."

"Edi huwag. Bahala ka na kung malaglag ka." Sabi ni Ran at pinasuot ang helmet kay Kairee. "Mabilis akong magpatakbo kaya humawak ka ng mabuti diyan."

Nang nakahawak na si Kairee sa balikat ni Ran, agad na pinatakbo ng mabilis ni Ran ang kanyang bike. Sa sobrang gulat ay napahawak na lang bigla si Kairee sa baywang ni Ran. Napangiti na lang din ang binata.

Partners In CrimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon