Case 5: Stalker

19 0 0
                                    


"Hindi yata kayo magkasama ni Kevin, Kai?" 


Tanong ni Ran sabay upo sa tabi ni Kairee at agad nitong kinain ang biniling tinapay sa cafeteria.


"Sabi niya may kikitain daw siya. Bakit?" Tinignan ni Kairee ang nakangiting mukha ni Ran. "May maganda bang nangyari saýo ngayon?" 


"Ha? Narealize ko lang kasi mas tahimik pala kapag wala si Kevin." Sagot niya na di pa rin nawawala ang ngiti sa kanyang mga labi.


"Hm? Okay." Sabi lang ni Kairee at nagpatuloy sa pagbabasa ng kanyang notes.


Napansin ni Ran na halos hindi na kumakain si Kairee dahil madalas itong nakatutok sa kanyang notebook kaya naman minabuti niya ng kunin ito mula sa kanya. 


"Ran--- hoy. Nag-aaral ako." Sinubukang bawiin ni Kairee ang kanyang notebook, pero bago pa niya ito naabot, naipasok na ito ni Ran sa kanyang bag at isinara.


"Kumain ka muna saka mag-aral." 


"Tch." Gusto mang sabunutan ngayon ni Kairee si Ran, binalewala niya nalang ang inis niya at nagpatuloy sa pagkain. 


"Buti't nakikinig ka na sa nakakatanda sa yo ngayon. Mabuti yan, Kai. Keep it up, okay?" 


Napatawa lang si Ran sa di pagpansin sa kanya ni Kairee.



"Guys! Good thing at nandito lang kayo. May bago na naman tayong misyon sa Mystery Club!"


Umupo si Kevin sa bakanteng upuan na nasa harap nina Kairee at Ran. 


"Excited ka talaga kapag may mga kaso noh? Baka mapahamak na naman tayo niyan." Masungit na sagot  ni Ran.


Binasa ni Kairee ang document na ibinigay ni Kevin sa kanya. "Ran, pwede ka namang umayaw at hayaan nalang kami ni Kevin na maglutas nito. You don't have to force yourself." 


"At? Pagagalitan ako ni Kuya Nicco kapag may mangyari masama sayo? Hah. Di bale na." 


"Bakit ka ba takot kay kuya, ha? Tumatanggap ka ba ng sahod sa kanya?" 


"Hoy---" 


Bago pa lumala ang pag-aaway ng dalawa ay minabuti na ni Kevin na pigilan sila. "Okay-okay!  Awat na. So, Kai, you think we can solve that?" 


"Okay lang naman sakin, Kevin. Pero bakit ako ang tinatanong mo? Sa pagkakaalam ko ikaw tong president ng club diba?"


"Alam ko. Naghahanap lang ng second opinion. Hehe. Okay." Tinignan niya si Ran at tinanong kung sasama ito sa kanila.


"Oo na. As if na may choice ako." 


Partners In CrimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon