Kairee just let out a deep sigh.
Nanlaki sa gulat ang mga mata ni Ran. "What the---"
"Hay. Relax, Ran. It's a misunderstanding." Sabi ni Kairee.
"What misunderstanding...? Tinawagan mo ako tapos pagdating ko dito may kasama kang lalaki habang...habang nakapantulog ka lang? Ano bang ginagawa niyo sa oras na 'to?" Seryoso na ngayon si Ran.
"Pwede ba? Misunderstanding nga lang eh. At saka, bakit alam mo ang passcode ng pinto ha? Si kuya lang ang---tss. Okay. Malamang sinabi niya sayo!"
"Siyempre para hindi na ako mahirapan pang iligtas ka kapag may nangyaring masama sayo. O kung may isang emergency o muntikan ng maging emergency gaya nito. Hmph."
"Nagkakamali ka nga lang sa---"
Patuloy pa sigurong mag-aaway ang dalawang 'to kung di pa sumingit sa usapan si Kevin.
"Eheem! Excuse me ha?" Lumapit si Kevin kay Ran at itinaas ang kanang kamay para sa isang handshake. "I'm Kevin. At gaya ng sinabi ni Kai, it's just all a misunderstanding. Ako ang may kasalanan nito. Gusto ko lang kasi makausap si Kai na walang ibang taong nakakaalam but unfortunately...here you are."
Napakunot ng noo ni Ran, "At anong ibig sabihin nun? Did I accidentally discovered an unofficial affair?"
"Parang ganun na nga." Sagot ni Kevin habang nakangiti.
"Tss."
"Pwede ba? Huwag mo ng dagdagan pa ang maling iniisip ni Ran, Kevin." Tinignan ni Kairee si Ran, "He's here for the case that we're investigating."
"Hah. So kasama mo 'to sa paglutas sa kaso?" Nang-iinis na tanong ni Kevin habang tinuturo si Ran.
"Tsk. Pasensiya na kung hindi halata ah." Naiinis din na sagot ni Ran.
Naggantihan lang ang dalawa sa pamamagitan ng kanilang masasamang tingin sa isa't isa.
"Kung magkakaganyan lang din kayo, ako na lang mag-isa ang tatapos sa kasong 'to. Tumigil na kayo pwede?"
Hindi na nagpansinan sina Kevin at Ran dahil sa sinabi ni Kairee.
"Let me continue deliberating the evidences." Sabi ni Kevin at agad na inayos ang mga dokumento sa mesa.
"Gaya ng nakikita niyo, the recent case has a relation to the case happened 3 years ago. May isang babaeng nagpakamatay din sa mismong building at kwarto kung saan nakita namin ang katawan ng kasamahan naming si Ven.
At first, akala ko talaga ay nagpakamatay siya dahil he has this...well, weird thoughts about some things since 3 years ago. Siya kasi ang unang nakakita sa biktima. But then...sekreto akong pumunta sa araw na kinuha ang kanyang katawan mula sa pagkakabitin at doon ko nakita na may sugat siya sa ulo. Tapos napaisip ako, bakit susugatan pa niya ang sarili niya kung magpapakamatay lang din siya?"
Napangiti si Kairee dahil yan din mismo ang pumasok sa kanyang isip ng nakita niya ang katawan ng biktima.
"Anong tungkol sa biktima 3 years ago? Nagpakamatay ba talaga siya?" Tanong ni Ran, matapos niyang makitang nakangiti si Kairee kay Kevin.
"Oo."
"At ang dahilan?" Tanong ni Kairee.
"Bullying. Scandal. In which si Ven ang may record ng lahat ng yun. They're in the same batch, you see." Sagot ni Kevin.
Tinignan ni Kairee ang mga detalye, "Eh ang pamilya niya? Wala ka bang impormasyon tungkol dun?" Tanong niya.
"Wala. Ang totoo niyan, hanggang dito pa lang ang nalalaman ko. Nasa laptop kasi ni Ven ang mga impormasyon tungkol sa kaso 3 years ago, at hanggang ngayon hindi pa rin yun nabubuksan. Sinubukan yung buksan ni Mika pero sa mismong araw din yun ay nasaksak siya."
BINABASA MO ANG
Partners In Crime
Mystery / ThrillerKairee Sue. A college student who's chasing mysteries while seeking clues behind her parents death. Will the truth set her free or break her heart? *** this story is purely fictional and based from the writer's imagination only*** *** no fix date fo...