Case 3.1: Message from the Dead

34 0 0
                                    


------------------------------------------------------------

"Kairee! Dito ka lang. Huwag kang lalabas."

"Pero mama---"

"Stay here."

Itinago niya si Kairee sa isang maliit na taguan sa ilalim ng kanilang kama.

Tahimik lang siyang umiiyak habang tinatakpan ang kanyang mga tenga. Halos ilang oras din siyang walang naririnig nang biglang may bumagsak malapit sa kanyang pinagtataguan. Takot man ay bahagya niya binuksan ng dahan-dahan ang takip na kahoy sa kanyang itaas at doon ay di makapagsalita sa nakita.

Ang buong bahay ay kasalukuyang nilalamon ng mapupula't maiinit na apoy at sa kanyang harapan ay ang mata ng kanyang inang nakatitig sa kanya.

"Sshh..." binibigyan siya ng senyales ng kanyang ina na manahimik.

Nginitian siya ng kanyang ina at muling isinara ang takip ng pinagtataguan niya.

May mga yapak siyang naririnig sa kanyang itaas.

Paulit-ulit na sumasagi sa isip niya ang mukha ng kaniyang ina habang siya'y tahimik pa rin na umiiyak. 

Patuloy na...umiiyak.

-------------------------------

[3 weeks had passed after the last case]

[5:45 am]

Hinihingal at pawis na pawis na nagising si Kairee mula sa panaganip niya. Hindi man maginaw pero nanginginig ang kanyang buong katawan. Dahil ba sa kaba or sa takot? Kahit siya ay hindi alam ang isasagot sa sarili.

Pumunta siya sa kusina at uminom ng tubig. Bigla siyang napalingon sa bintana ng may nakita siyang isang anino sa labas ng kanyang apartment.

"Sinong nandiyan?"

Dahan-dahan na siyang lumalapit ng biglang tumalon ang aninong iyon. Agad niyang tinawagan si Nicco pero hindi ito sumasagot. Tinawagan niya si Ran.

"Yes? *yawn* Sino ba ang tumatawag sa oras na to?" boses ng isang babaeng parang kakagising lang.

"Ah...sino to?" tanong ni Kairee.

"Ako ang unang nagtanong di ba? Haaay. Oh well, this is Ran's girlfriend. Now, sino ba to, ha?"

Girlfriend..?  She thought. "Ah, pasensiya na. May sasabihin lang sana ako sa kanya eh. But it's not that important. Pasensiya na sa distorbo."

"Fine. Fine. Is that all?" tanong ng babae sa kabilang linya.

"Pakisabi na lang na mauuna na akong pumunta sa school. Huwag niya sana akong hanapin dahil busy ako. Sige. Salamat."

Ibinaba niya na ang kanyang telepono at napasandal na lang sa mesa.

She's not feeling well but still pinili pa rin  niyang maghanda at pumasok sa klase niya.

[6:30 am, East Town Park]

Maaga pa pero may nakapalibot ng mga tao at pulis sa isang malaking puno sa gitna ng parke. Dahil hindi magawang iwasan ni Kairee ang mga ganitong pangyayari, lumapit siya sa pinangyarihan ng krimen. At kasalukuyang naghuhukay sa lupa ang mga pulis.

Gaya ng palagi niyang ginagawa, tahimik lang siyang nagmamasid at bahagyang nakikinig sa usapan ng mga tao.

"Know the story behind that tree?" sabi ng isang lalaki sa likuran ni Kairee.

Partners In CrimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon