Umabot ng kalahating oras bago nakarating sa apartment si Nico kasama ang isang medic na titingin sa mga sugat ni Kean.
"Kairee, ayos ka lang?" Tanong ni Nico sa pinsang kasalukuyang inaalagaan ang sagutang kaibigan sa kanyang kwarto.
"Okay lang po ako, kuya. Pero si Kean kasi..."
"Huwag ka ng mag-alala, binigyan na rin naman siya ng first aid eh. Dalhin na lang kaya natin siya sa ospital? Maglalagay ako ng bantay sa kwarto niya."
"Yun nga rin ang gusto ko...kaya lang kuya, takot na takot siya eh. Ni hindi nga niya magawang bitiwan ang kamay ko. Pwede bang dito na lang muna siya? Ako na ang mag-aalaga sa kanya hanggang sa kaya niya na." Pakiusap ni Kairee.
"O siya sige. Maglalagay ako ng bantay dito sa apartment. Pero sa ngayon, kailangan ko munang makausap ang kaibigan mo. Sa nangyari sa kanya, parang isang seryosong kaso ito. May alam ka ba?"
"Ang sabi niya lang sakin may nasaksihan daw siyang isang aksidente. Hit and run yata kuya. Tapos nakita siya ng mga taong yun at ito na nga ang ginawa sa kanya. Kung di ko pa siya nakita kanina siguro ay mas malubha pa rito ang natamo niya."
"Tungkol ba ito sa batang nakita sa ilog noong nakaraang araw? May nagreport kasi nun sa presinto na isang lalaki. Pero yung ebidensiya na nakalagay sa black box niya ay hindi mahanap."
"Nasabi rin ni Kean sakin yan kuya." Kairee took a deep breath, "Kuya, paano na yan?"
"Kai, I told you, don't worry. Mahuhuli rin ang mga may gawa nito sa kanya." Nico assured her. "Siyanga pala, nakakain ka na ba?"
"Ah, hindi pa po eh. Hinihintay ko pa si Ran. At saka, hindi rin naman ako makakakain ng maayos kung ganito si Kean."
"Hmm, naiintindihan ko. So, dito ka na muna. May kukunin lang ako sa opisina. Huwag kang mag-alala may aatasan akong magbantay sa inyo. Just call me if anything happens. Okay?"
"Opo, kuya."
Nang nakaalis na si Nico ay dumating naman si Kevin.
"Kai, natanggap ko yung text mo. Kamusta na siya?" Tanong ni Kean pagkapasok sa kwarto ni Kai.
"Sa ngayon nagamot na ang mga sugat niya pero natutulog pa rin siya. Takot na takot siya, Kev."
"Hm, hindi mo rin naman siya masisisi. Siyanga pala, bumili na lang ako ng pagkain sa convenient store. Heto, kumain ka na muna." Binigyan ni Kevin si Kairee ng isang sandwich.
"Salamat ah."
"Wala yun, ano ka ba. Eh si Ran? Ba't wala siya rito?"
"Ah...hindi ko pa kasi siya nasabihan eh. Busy yun, ayoko lang makadagdag sa problema niya."
"Haaay, naiintindihan kita, Kairee. Pero si Ran yun eh. Basta tungkol sa'yo balewala lang ang pagkabusy niya. Pustahan pa tayo, kapag nalaman niyang hindi mo siya sinabihan magagalit na naman yun." Sabi ni Kevin. "Haha..and I can actually imagine his reaction."
"Paano mo naman nasabi yan?"
"Hm, wala lang. Guts, maybe? Haha."
"Ewan ko sa'yo, Kevin." Napangiti na lang si Kairee dahil sa kaibigan.
"Mabuti naman at nakakangiti ka pa." He said and patted Kairee's back. "Magiging okay din siya."
"Alam ko, Kevin. Salamat..."
At nagngitian lang ang dalawa.
Maya-maya ay dumating na rin si Ran at nadatnan niyang nakasandal si Kairee sa gilid ng kanyang kama, katabi ang isang pamilyar na mukha habang hawak-hawak ang kamay nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/84524619-288-k232136.jpg)
BINABASA MO ANG
Partners In Crime
Misterio / SuspensoKairee Sue. A college student who's chasing mysteries while seeking clues behind her parents death. Will the truth set her free or break her heart? *** this story is purely fictional and based from the writer's imagination only*** *** no fix date fo...