--------------------------------------"Tulong...tulungan mo ako...pakiusap..."
"Sinong nandiyan?" Tanong ni Kairee sa kawalan.
"Tulong...wala akong magawa, Kairee. Pinaghiwahiwalay nila ako." Umiiyak na boses ang maririnig sa paligid. "Ayaw nila akong tigilan..."
"Teka...sino ka ba? Nasaan ka? Anong...pwede kong gawin?"
"Ang...music box. Music box...music box...music box...music box..."
Unti-unting nagliliwanag ang kanyang paligid ngunit bago pa man makita ni Kairee ang mukha ng kanyang kinakausap ay bigla siyang nagising.
"Kai, okay ka na?" Tanong ni Kevin na tumigil sa pagbabalat ng apple.
"Kev? Anong...nangyari?"
"Bigla ka na lang kasi nahimatay kaya dinala ka na namin dito sa ospital. Wala ka bang naaalala?"
Napaisip si Kairee sa tanong ng kaibigan. "Wa—wala eh. Bakit?"
"Nakapagtataka lang kasi. Bigla ka na lang umiyak at nahimatay. Haha. Well, I guess resulta pa yan ng sakit mo. Kamusta na nga pala ang pakiramdam mo? Nahihilo ka pa ba?"
"Ah...medyo ayos naman ako. Salamat ah. Wala ka na bang pasok? Baka nakakaistorbo na ako sa'yo eh."
Tinawanan lang siya ni Kevin. "Ano ka ba naman, Kai. Huwag ka ngang others diyan. Hahaha...and besides hindi naman ako makakapag-aral ng mabuti kung alam kong may sakit ka. Mas mabuti na yung umabsent at alagaan ka."
Kairee smiled. "Salamat ah."
"Wow naman. Ang sweet niyo ah." Naiinis na sabi ni Ran habang nakasandal sa pinto.
Kevin chuckled.
"Ran, nandito ka rin?" Tanong ni Kairee.
"Malamang. Hindi na rin ako pumasok sa klase. Wala kasi akong tiwala sa lalaking to baka kung ano na naman ang gawin sa'yo." Sagot ni Ran at umupo na sa upuan malapit kay Kairee.
"Kayong dalawa...hindi niyo naman kailangang gawin to eh. Kaya ko na okay?" Sabi ni Kairee.
"Don't worry, Kai." Sabi ni Kevin, "I also want to solve this case, so okay lang."
"Ganun din ako. Napasama na rin lang ako sa kasong to, gusto kong makita kung paano to matatapos." Sang-ayon naman ni Ran.
"And speaking of this case, I have news for you, Kai."
"Ano yun, Kevin?"
"Naaalala mo yung nasa park?" Sa pagtango ni Kairee ay nagpatuloy na sa pagkuwento si Kevin. "Nag-match ang bangkay sa kamay na nakita natin sa tulay kanina."
"Talaga? Kung ganun, nakilala na ba ang biktima? Sino?"
"Unfortunately, sinunog ng killer ang mukha ng biktima kaya hanggang ngayon ay wala pang resulta. Hindi naman kasi ganun ka.advance yung tools natin dito kumpara dun sa ibang bansa eh. Kaya alam mo na...medyo matatagalan pa siguro."
"Pero...wala bang kahit anong mga clues na pwedeng magamit para kilalanin ang biktima? Like wallets? O ang iba pa niyang gamit?"
"Wala eh. Sabi nina kuya Nico, ang tanging meron lang siya ay isang braided bracelet na nakalagay sa kaliwang kamay niya."
BINABASA MO ANG
Partners In Crime
Mystery / ThrillerKairee Sue. A college student who's chasing mysteries while seeking clues behind her parents death. Will the truth set her free or break her heart? *** this story is purely fictional and based from the writer's imagination only*** *** no fix date fo...