Case 1.3: Drowned Necklace

27 2 0
                                    



[8:30 pm]
[ East Apartment building]

Kasalukuyang nagpapakulo ng tubig si Kairee ng may kumatok sa pinto ng kanyang apartment.

"Sandali lang." Ipinatong niya ang mga bitbit na noodles sa mesa at binuksan ang pintuan. "Oh. Ikaw pala."

"Psh. Galit ka pa rin? Ayusin mo nga yang mukha mo, pwede? At saka agad mo lang binuksan ang pinto ng 'di man lang tinatanong kung sino ang kumakatok. Paano kung— hay. Di bale na." Tumigil na lang si Ran sa pagsesermon kay Kairee ng nakita niyang wala itong ganang makinig sa kanya. Dumiresto ito sa kusina.

"Anong ginagawa mo dito? At paano mo nalaman na dito ako nakatira?" Tanong ni Kairee.

"FYI, napag-utusan lang po ako ni kuya Nico na puntahan ka. Labag ito sa kalooban ko kaya huwag kag mag-assume na nag-aalala at may pakialam ako sa'yo."

"Ganun? Edi umalis ka na." Hinila ni Kairee si Ran papalabas ng bahay.

"Oi! Ano ba. Inutusan nga ako di ba? Kapag hindi ko sinunod si Nico makukulong talaga ako. Hay." Sabi ni Ran at inilabas na nito ang mga dala niyang lulutuin. "Obvious na hindi ka marunong magluto kaya ako na ang magluluto para sa'yo."

"Ha? Haha marunong kaya akong magluto noh. Tinamad lang ako kaya—"

"Kaya noodles ang binili mo? Okay sige. Maghanap ka pa ng iba mong palusot."

"Hmp. Ewan ko sayo. Nakakainis ka." Sabi ni Kairee at pumasok na sa kwarto niya. "Tawagin mo lang ako kapag luto na yan."

Napabuntong hininga na lang ulit siya.

[8:55 pm]

Luto na ang chicken curry na niluto ni Ran kaya pinuntahan niya na si Kairee sa kwarto nito. Pagpasok niya ay nakasandal si Kairee sa kanyang study table habang hawak-hawak ang kanyang ballpen at notebook na ginagamit niya sa imbestigasyon.

"Ha. Akala ko ba galit to sa'kin at hindi na ako tutulungan sa kaso?" Napangiti na lang si Ran at ginising na si Kairee sa pamamagitan ng pagpisil nito sa ilong ng dalaga. "Oi. Gising na."

"Pfuwaah! Ano ba! Hay! Kailangan mo ba talagang gawin yan?!"

"Oo. Kaya tumayo ka na diyan at baka lumamig pa ang pagkain." Sa pagkakataong ito, si Ran naman ang humila kay Kairee papunta ng kusina. "Umupo ka na at kumain na tayo."

"Hmp. Makakain ba tong niluto mo?"

"Bago mo pa laitin at kwestyonin ang niluto ko, pwede bang magdasal muna tayo?"

Hindi na nagsalita pa si Kairee at nakisabay na lang sa pagdarasal ni Ran.

"Amen! Itadakimasu!" Sabi ni Ran.

"Sigurado kang wala tong lason? Sigurado kang masarap to? Sigurado kang—"

"Pwede bang kumain ka na lang? Ang arte mo. Kung di mo gusto ang lasa ng niluto ko, iluwa mo na lang at mag-noodles na lang ulit. Tsk."

"Hmp." Hindi na umimik pa si Kairee at kinain na nga ang niluto ni Ran. Nasasarapan siya sa kanyang kinakain pero dahil na ayaw niyang mapahiya at nanatili na lang siyang tahimik.

Hindi rin masyadong magaling si Kairee sa pagtatago ng nararamdaman niya kaya napansin ito ni Ran. Sa halip na tuksuin niya ito, napangiti na lang siya at minabuti ng manahimik.

"Siya nga pala. Yung pinakuha mo sakin kanina sa pool ibinigay ko na kay Nico. Isa yung kwintas." Sabi ni Ran sa kalagitnaan ng kanilang kainan. "At ang sabi niya, yung mga piraso ng papel na nakita mo ay galing nga sa pool gaya ng sabi mo."

Partners In CrimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon