Pagkabukas ni Ran sa pinto ng Mystery Club, bumungad na naman sa kanyang ang natutulog na mukha ni Kairee. Napabuntong hininga nalang ito.
"Ba't tulog na naman to? Halos araw-araw na nangyayari to ah." Tanong ni Ran kay Kevin na nagbabasa ng newspaper.
"Hayaan mo na. Alam mo namang busy sila sa mga events ngayon, eh." Sabi ni Kevin habang patuloy na nagbabasa.
Umupo si Ran sa silyang kaharap ni Kevin. "Hindi niya naman kailangang sumali sa organizing team."
"Nababagot na siguro, Ran. Wala naman kasing request mula sa mga estudyante at si kuya Nicco hindi tayo pinapayagang makialam sa mga kaso ng pulis."
"Alam ko but it wouldn't hurt to rest for a while."
Ibinaba ni Kevin ang hawak niyang newspaper at binalingan ng isang naiinis na mukha si Ran. "Just tell her that you're worried, can you? Ang hirap kasi sa inyo, hindi kayo honest sa feelings niyo. Sabihin mo nalang sa kanya na---"
"Ano yang binabasa mo?" Ran interrupted, letting Kevin see his pissed off face.
Kevin smiled and sighed. "News ngayong araw. May isang maiksing article dito tungkol sa isang lalaking sinaksak sa braso ng di kilalang tao."
"Saan?" Ran asked, looking uninterested in the story.
"Hmm, 5th Street daw. Teka, malapit ba to sa'tin?"
Napaisip si Ran. "Hindi masyado. Malapit yun sa border palabas ng East Town. Ano bang nangyari?"
Ipinakita ni Kevin ang litrato sa newspaper. "Ayon sa biktima, pauwi na siya galing trabaho ng bila siyang harangan ng isang di kilalang lalaki. Tinanong siya ng lalaki kung pauwi na raw ito and kung anu-ano pa. Dahil hindi naman siya kilala ng biktima, hindi niya ito pinansin at nilampasan nalang. Nagulat nalang siya ng bigla sng saksakin ng lalaki sa braso."
"Sa pagkakaalam ko, matao ang street na yun. Wala bang ibang nakakita sa nangyari?"
"Maraming tao ang nakakita sa nangyari, Ran, pero sa sobrang dami ng mga witness, maraming iba't-ibang kwento rin ang lumalabas. Ang pinagkakapareho lang nilang lahat ay tumakbo agad palayo ang suspek pagkatapos ng ginawa niya. Ang mahirap pa, nakasuot ito ng sombrero kaya di rin klaro ang kuha ng mukha niya kahit na sa CCTV."
Ran glanced at Kairee who's soundly sleeping on the couch. "Alam na ba niyan ni Kai?"
"Hindi pa. Plano kong sabihan siya pagkagising niya."
"Huwag mo ng sabihin sa kanya, Kevin."
"Ha? Bakit? I'm pretty sure she wants to know this news."
"Exactly my point. Kapag nalaman niya ang tungkol sa kasong to, sigurado akong hindi siya magdadalawang isip na subukang lutasin ito. May nasaktan na. Baka---"
Kevin interrupted. "Baka mapahamak si Kairee?" Nanahimik lang si Ran sa sinabi niya. He continued. "Hay. Naiintindihan kita. Ayoko rin namang mapahamak si Kai. Ang akin lang kasi, she needs to be aware of these things para makapag-ingat siya. Knowing her, kailangan niyang makaramdam rin ng takot minsan lalo na sa mga bagay na'to."
Tahimik lang si Ran pero alam ni Kevin na naiintindihan nito ang ibig niyang sabihin.
Nagising si Karee, 30 minutes, pagkatapos ng pag-uusap nila ni Kevin at Ran. Gaya ng plano ni Kevin, sinabihan niya si Kairee tungkol sa insidenteng nangyari sa 5th street. Habang nakikinig sa kwento ni Kevin, halata sa mga mata ni Kai ang matinding interes sa kaso. Napansin ito ni Ran.
"Uunahan na kita, Kai. Huwag kang makialam sa kasong to pwede ba?"
Binalingan ni Kairee si Ran ng masamang tingin. "Hmph. Killjoy ka talaga."
"Killjoy---?!"
"Kai." Sabi ni Kevin. "Pasensiya na pero sa pagkakataong ito, I agree with Ran. Huwag na tayong makialam sa kasong to."
Nagulat si Kairee sa sinabi ni Kevin. Hindi niya inaasahang sasabihin ito ng kaibigan sa kanya. Napabuntong hininga nalang siya. "Okay. Busy rin naman ako sa school events eh."
"Sabi mo yan ha! Promise?" Kevin and Kairee made a pinky promise.
"Opo." Sagot naman ni Kairee.
[Kinabukasan]
[Saturday, 3:30 pm, Camella Street, East Town]
Kasalukuyang naglalakad si Kairee at ang kasamahan niya sa organizing team na si Eric papunta sa isang tindahan para mamili ng mga gamit sa backdrop ng stage.
"Salamat sa pagsama sakin ngayon, Kai. Wala talaga akong alam kung anong bibilhin eh." Nahihiyang sabi ni Eric.
Natawa si Kairee. "Ako rin naman Eric eh. Wala rin akong alam sa stage design pero pwede naman tayong magtanong-tanong di ba?"
"Haha, tama ka nga." Sang-ayon naman ni Eric sa kanya.
Sa kalagitnaan ng pag-uusap ng dalawa ay may isang lalaking humarang sa kanila. Nakasuot ito ng itim at butas-butas na sando, at pulang sombrero.
"Pauwi ka na ba?" tanong ng lalaki kay Eric.
Hindi kilala ni Eric ang lalaki kaya nag-alangan itong sumagot. "Ah...sorry po manong..."
Napansin ni Kairee ang pag-iba ng expresyon ng lalaki. Nakita niya ang mga pulang mata nito na tila handang manakit ng tao. Bigla siyang nakaramdam ng matinding kaba at takot. Alam na niya ang susunod na mangyayari kaya sinubukan niyang pagsabihan si Eric tungkol dito pero...
"Eric!"
...huli na siya.
Napaupo si Eric sa kalsada, hawak-hawak ang duguan niyang paa. Bigla namang tumakbo ng mabilis ang lalaking may gawa nito sa kanya hawak-hawak ang isang dugaang sirang payong.
Nangako siyang hindi makikialam sa kasong ito pero ang mysteryo na yata ang lumalapit at gumagambala sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/84524619-288-k232136.jpg)
BINABASA MO ANG
Partners In Crime
Mystery / ThrillerKairee Sue. A college student who's chasing mysteries while seeking clues behind her parents death. Will the truth set her free or break her heart? *** this story is purely fictional and based from the writer's imagination only*** *** no fix date fo...