Paglisan

10 1 0
                                    


Sisimulan ko na naman magsulat

Mga ala-alang napaglipasan na'y mauungkat

Mga mata'y imumulat

Sa istoryang pinagsimulaan ng lahat

Pansamantala...

Yan ang sabi sa isang kanta

Pansamantalang kakalimutan ang sakit na nararamdaman

Gaya ng mga luhang pinunasan na ng ulan

Sa nakaraan tila nananatiling nakagapos

Gusto ng takasan ngunit di pa matapos tapos

Ala-ala mo'y tila niyayapos

Nang memoryang binabalik ng iyong mga haplos

Paano nga ba?

Paano nga ba sisimulan

Ang paglimot sa mga kwento sa nakaraan

Masasayang kwentuhan

Nasayang na samahan

"Ikaw at ako"

Di ba yan ang sabi mo

Mga pangakong natulad na sa mga buhangin

Pangakong nilipad na ng hangin

Tatapusin ko na ang nasimulan

Pagkat luha'y pumapatak na naman

Sige na paalam dahil unti-unti na kong tatahan.

Random PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon