#9

3 0 0
                                    

Nais kong bumuo ng isang kanta

Kantang naglalaman ng atin mga ala-ala

Na siyang bibigyang tunog at ritmo ng bawat kaba, bawat kabog ng dibdib at bawat impit na pag hikbi at tunog ng pagkadurog,

Pagkadurog ng puso, pagkatapos..

Sabay ang pagpikit ng mga mata

Para damdamin ang mensahe ng bawat lirikong ikinikwento ang ating nasimulan, ang ating bawat tagpuan, kasiyahan, kalungkutan at ang siyang dulo at katapusan para piliin na ang paglisan

Bagamat hindi ko alam kung paano ito sisimulan, alam kong magiging gabay ang ala-ala mo, 

Ang ala-ala ng ikaw at ako, ng tayo..

Nang "tayo" noon, na siyang itatago ng kantang bubuin ko pagdating ng panahon.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 16, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Random PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon