KULUNGAN

3 0 0
                                        


Sa apat na sulok ng kwarto pinili kong manatili sa gitna

Pinili ko ring isara ang mga pinto at mga bintana

Nanatili akong mag-isa kahit ang dilim ay di ko inalintana

Hindi ako nagpatalo sa takot,

Hindi ko inalintana ang pag-iisa

Naging matatag ako sa mga sinasabi nila.

Ngunit ako'y nanatiling nangangamba,

Lubos kong kinatatakutan na ang pintong pinanatili kong nakasara'y mabuksan na.

Ang kwarto kung saan itinago ko ang sarili ko.

Ngunit sa di ko inaasahang pagkakataon,

Nagbukas ang pinto na pinanatili kong nakasara mula noon.

Ginusto kong tumakbo at magtago sa madilim na sulok para iyong di makita,

Subalit huli na dahil nagtapo ang ating mga mata.

Pilit kitang itinulak palabas dito,

Ngunit nakalimutan kong meron nga palang "sila" na handang itulak ka pabalik sa mundo ko.

Lumiwanag ang madilim na mundo na aking nakasanayan.

Ang dating malamlam na kulay ay nabuhayan.

Ang dating nag-iisa ay naging dalawa.

Ang dating tahimik ay napuno ng mga tawa.

Ngunit ng ako'y naging palagay na.

Biglang lumuwag ang yong yakap, Unti-unting nawala ang higpit ng iyong mga hawak.

Ang mag luha mo'y isa-isang nagmalabis sa'yong mga pisngi.

Doon pa lamang alam ko na ang iyong hinihingi.

Kalayaan,

Kalayaan sa paraiso na ginawa nating dalawa.

At alam kong huli na, sapagkat napihit mo na ang siradura palabas sa mundo na akala ko'y mananatiling kasama kita.

Ang puso ko na pinanatili kong nakasara noon hanggang sa kumatok ka.

Ang lugar kong saan pinili ko ang ako kasama ka.

Ngayon hindi ko na alam kung pano pa,

Siguro'y marahil kinakailangan ko na itong ikandado na.

Dahil alam kong di na ito muling mag papasok pa,

Dahil alam kong ikaw na ang una at huli pa.

Random PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon