Hindi Kita Gusto.

7 1 0
                                        


Hindi kita Gusto

by Mer-Jane Guerta

Simulan natin to sa salitang "HINDI KITA GUSTO"

Tatlong salita na binubuo lamang ng labing-apat na letra pero gusto kong malaman mo.

Oo hindi kita gusto, para sa una pa lamang magkalinawan na tayo

hindi ko gusto kung paano ka tumawa na halos pumikit na ang iyong mga mata.

Hindi ko gusto kong paano ang uri ng pag kilos mo lalo na ang mga ngiting naka-ukit diyan sa mga labi mo.

Hindi ko gusto kung paanong kausapin mo ako at kapag nagsasalita kana.

Hindi ko gusto lahat sayo.

Oo, lahat sayo ay hindi ko gusto.

Hindi ko rin gusto na sa tuwing pipikit ako'y mukha mo ang nakikita ko.

Lalong hindi ko rin gusto na sa tuwing imumulat ko ang mga talukap nito at ikaw agad ang hahanapin ko.

Ayokong lumalapit ka sa akin.

Ayokong nahuhuli kitang nakatingin. Dahil batid kong hindi maari kahit pa aking gugustuhin.

Kung tatanungin mo naman ako kung bakit hindi kita gusto simple lang naman ang maisasagot ko, mas higit pa kasi doon ang nararamdaman ko para sayo.

Mas higit pa sa salitang "Gusto" dahil "Hindi kita gusto" lang. Mas higit pa sa paghanga kung tutuusin pa nga. Mas higit pa dyan ang salitang gusto kong iparating, salitang gusto kong sabihin.

"Mahal kita" salitang maaaring maging depinisyon ko sa nararamdaman ko para sayo. Salitang nag dudulot ng kakaibang pakiramdam dito sa katauhan ko. Salitang iaalay ko lamang para sayo.

 "Mahal kita" napaka simpleng salita pero ang daming laman, ang daming kahulugan. Kailangan kong hawakan dahil ang hirap-hirap bitawan. Ibubuka pa lamang ang bibig ngunit wala pang ilang sigundo isasara na lang muli ito. 

Dahil takot ako. Oo, takot ako. Hindi sayo pero para sa magiging sagot mo.Natatakot akong marinig ang salitang una kong binitawan na manggagaling sa bibig mo. Ang salitang "hindi kita gusto". 

Marami ng pag kakataon akong nasayang, marami ng oras akong nanghinayang. Mamumutawi ang mga salitang sa hangin ko lang maaring ibulong. 

Gusto ko nang lumabas sa pag kakakulong. Oo, nakakulong ako, nakakulong ako sa mga salitang "hindi pwede" "Tama na" "Suko na" dahil alam kong hindi maari. Wala akong laban. Gusto ko ng lumaya ngunit nakalimutan kong ibinaon ko na nga pala ang mga paa ko sa salitang "Mahal kita" naniniwala kasi akong kakayanin ko at hindi ako susuko.

 Ngunit unti-unti ko nang napagtatanto na kaunti na lamang ay malulunod na ako. Hindi ko na masasagip ang sarili ko. 

Kaya sana. Kung maari'y tulungan mo kong umahon sa pag kakabaon ko hangga't kaya ko pa. Hanggang "Mahal pa kita".

Random PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon