Isang hakbang

7 0 0
                                        


Sa totoo lang hindi ko talaga alam kung pano ko ba ito sisimulan

Kung pano ko ba sasabihin ang lahat. Kung pano ko ba sisimulan ng walang sakit, ng walang luhang dumadaloy sa mga matang gusto ng pumikit, Puso'y pinipiga na naman ng iyong ala-ala kaya ito'y unti-unti na namang sumisikip. Pagod na kong balikan ang lahat, pagod na kong umiyak sa gabi kunin ang unan at humagulhol sa isang tabi. Sana ganun lang kadali.

Humawak ako. Hinawakan ko ng mahigpit

Sinigurado kong hindi dudulas ang aking kapit.

Ngunit nagkamali ako. Nagkamali akong kaya mo nga palang hawakan ang kamay ko at tanggalin ang pagkakagapos nito sa mga kamay mo

Iniwan mo ko sa gitna ng giyera na sinuong nating dalawa. Bumitaw ka sa mahigpit kong kapit.

Sumuko ka sa pakikipagdigma sa giyera ng tadhana.

Sumuko ka sa laban ng ikaw laban sa puso at isip

Umahon ka na sa karagatan ng pag-ibig

Sa unos na dulot ng lungkot

Natapos ang tayong dalawa sa dalawang salitang "Tama na."

Ang dating "kaya natin to" natapos sa salitang "kaya ko to"

Oo kaya ko na, yun ang akala ko. Nakita muli kita binalikan mo ko ngunit may kasama ka nang siya ang dating tayo ay aging kayo.

Umahon muli ang alon ng pighati ang nakabaong sakit ay unti-unting tumubo muli. 

Random PoetryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon