Maghihintay, naghihintay, naghintay
Mga taon na walang kasiguraduhan
Mga araw na tila ikaw lang ang laman ng isipan
Mga oras na sayo inaalaan
Maaari na ba kong lumisan?
Payapang simoy ng hangin
Mga dahong tila sumasayaw sa saliw ng tugtugin
Hampas ng alon sa payapang baybayin
Magbabalik tanaw gamit ang pagguhit sa mga buhangin
Ultimo puso yata'y nagkapira-piraso
Tila ang humanga sayo'y isa ng atraso
Sa tuwing makikinig ng musika
Tila naririnig ko ang iyong mumunting tawa
Sa tuwing ipinipikit ang mga mata
Mukha mong nakangiti ang nakikitang pigura
Nakatanaw mula sa malayo
Parang araw at buwan
Mga Ulap at ulan
Sisimulan na ang paghakbang ihahanda na ang paglisan
Tingin ko'y hanggang dito na lamang
Paghanga sayong nararamdaman
Damdaming pinanghahawakan
Unti-unti ng bibitawan.
Isa, dalawa, tatlo.
Sisimulan ko na ang paghakbang
Apat, lima, anim
Lahat ay magiging alaala na lamang
Pito,walo, siyam at sampu
Ganap na sana kong matapang.
