Nakatanaw na naman ako sa bintana
Pumapatak na naman ang ulan
Dumidilim ang bughaw na kalangitan
Binabalot na naman ng katahimikan
Isa dalawa tatlo
Hindi ko na mabilang mga patak ng ulan
Tila batalyon ng luha mula sa kalangitan
Mga taong nagdadaan kanya kanyang takbuhan
Papunta doon, dito at diyan
Lahat sila naghahanap ng masisilungan
Biglang pumasok sa isipan
Maihahalintulad sa problema sa buhay ang ulan
Sa una'y papatak-patak lamang
Ngunit paglumaon ay lumalala na lang
Problemang bubuhos ng bubuhos
Mga pasaning di matapos-tapos
Ngunit lagi nating tandaan
Ang problema at ulan ay may katapusan
Gaano man ito kalala at kalakas
Maya-maya rin ito'y magwawakas
Merong mga taong magsisilbing ating silungan
Mga taong maari natin maging takbuhan
Magtatayo sa atin sa pagkakadapa
Dahil lahat ng problema ay kusa ring huhupa
Sisilip muli si haring araw
Manunumbalik ang kalangitang bughaw
Tulad na lang sa ating buhay
Madadapa man tayo muli tayong tatayo at magpapatuloy
Para hakbangin ang buhay na puno ng paglalakbay.
