CHAPTER: ITS A DEAL
SOPHIA'S POV :
Gising.
Kain ng breakfast.
Ligo.
Ayos.
Ayos.
Ang ganda ko talaga.
Lumabas na ko ng bahay. Di na.ko nagpaalam kase si Tita at Kuya Brei nasa company na naman tapos si Bea tulog pa mamaya pa gising nun matakaw yun sa tulog e.
Naglakad na ko papunta sa bahay nila Xandrei.
Doorbell.
Binuksan naman agad ng guard nila yung gate.
"Pasok na po kayo. Kanina pa po kaya hinihintay ni Sir Xandrei." - Guard
okay po. -me
Pumasok na ko sa bahay nila.
Wow. Just Wow. Ang ganda *_______*
Eto na ata yung pinakamagandang bahay na napuntahan ko. Natalo pa yung bahay namin.
Napatingin naman ako sa salas at nandun yung kambal. Nahihiya ako sa kanila. Naalala ko yung nangyari nung birthday nila
"Hey you! What are you doing here?" - Shane
h-hello Shane. Hello Shaina. Pinapunta ako dito ng kuya niyo.
"Pinapunta ka? Liar. Kaaway ka namin kaya di ka papupuntahin ni Kuya dito!" - Shane
"Stop it Shane. Ate nabanggit nga po ni kuya na pupunta ka dito tara po samahan kita sa kwarto niya." - Shaina
Buti pa to so Shaina mabait. Di nagmana sa Kuya niya.
"Shaina! baka mamaya awayin niya pa si Kuya eh. Baka mamaya may dala siyang crocodiles tapos ipakain niya si Kuya dun. Kaya wag mo siyang dalin kay Kuyaaaa!" - Shane
=___________= - Kami ni Shaina
Grabe tong batang to , sobrang brutal ko naman para sa kanya, pero pwede ko ding gawin yun. hahahahaha
Hinila na ako ni Shaina paakyat sa kwarto ni Xandrei.
Katok ng katok si Shaina pero ang tagal buksan ni Xandrei.
"HEY! BAT BA KATOK KA NG KATOK? NATUTULOG PA KO!!" - Xandrei
"Sorry kuya. Nandito na si Ate Kat. " - Shaina
Tinignan lang ako ng masama ni Xandrei.
Muka siyang bagong gising.
Bat ang gwapo niya pa rin?
Yuck. Joke lang.
"IKAW! ALAM MO BA IBIG SABIHIN NG PUMUNTA KA NG MAAGA? 9AM NA !" - Xandrei
BAKIT DI BA MAAGA YUNG 9AM HA? ANONG SATINGIN MO GABI NA? -me
Akala niya ata di ko siya sisigawan. Aga aga sinisira niya mood ko.
Pinapasok na ko ni Xandrei sa kwarto niya.
Ang laki ng kwarto niya at ang linis.
organize pa yung mga gamit niya daig pa mga babae.
Oh no? Di kaya bakla tong si Xandrei?
Baka kaya niya gustong magpanggap na dinedate niya ko para di siya pagdudahang bakla?
Omg O_________O
"Hoy babae! Di kita pinapunta dito para tumulala! " - Xandrei.
ay bakla! - me
Nagulat ako kase bigla na lang siyang nagsalita.
"Anong sabi mo ha?!" - Xandrei
Wala. naalala ko lang yung baklang napanood ko kagabi sa tv hehe - me
"Pirmahan mo na nga lang yan at ng makaalis ka na sa kwarto ko baka madumihan pa tong kwarto ko e!" - Xandrei
Yabang! - me
Kinuha ko yung papel na binibigay niya at binasa.
Kontrata:
Ako si Sophia Katleen Lopez at ipinapangako ko na magiging alipin ako ni Xandrei Eroz Sylvania sa buong summer vacation kapalit ng kanyang pagpapanggap kila Maxene na dinedate niya ko.
-Pag hindi ko nasunod ang kontrata magbabayad ako sa kanya ng nagkakahalagang limang daang libong piso.
Pirma:_______________
500,000 ? grabe naman Xandrei ang laki nun ha! - me
"Malaki talaga kaya susundin mo ang mga utos ko sayo." -Xandrei
Hahahahahahaha! maalala ko lang , magaling ka palang magtagalog ha. Tagalog na tagalog ang iyong kontrata.- Me
"Tumigil ka nga dyan! Pinagawa ko lang yan sa maid namin!.Pirmahan mo na nga at lumabas ka na.dito! " - Xandrei
Opo . Ikay aking susundin hahahahahahaha- me
Pinirmahan ko na yung Contract. Wala na talagang atrasan to.
Palabas na sana ko ng kwarto niya ng..
"Hoy babae" - Xandrei
ano na naman ba? - Me
" Akina number mo?"
Ha? number ko?
"wag kang assuming jan. Kinukuha ko lang para madali kitang utusan."
Sinave ko na yung number ko sa phone niya.
Umalis na ko sa bahay nila.
Bigla tuloy akong kinabahan, bukas Alipin na ko ni Xandrei.
Alam kong pahihirapan ako nun.
![](https://img.wattpad.com/cover/10025918-288-k343410.jpg)