Chapter 3: My Broken Hearted Cousin

67 7 0
                                    

CHAPTER 3: MY BROKEN HEARTED COUSIN

BEA'S POV

"two hours na pala tayong nagkwekwentuhan."- Kat

oo nga no. Ang daldal mo kase e."- Me

"hahaha. ang tagal kase nating di nagkita haha. "- kat

oo na. Kat? okay ka na ba?- me

"oo naman. okay na okay naman ako e. "- Kat

what I mean okay na ba yang puso mo?

Sa totoo lang. Ayoko talagang iopen yung tungkol sa kanila ni Ian. Pano kase di ko alam kung nakamove on na ba siya o hindi ba. Simula kase ng magbreak sila ni Ian hindi na siya nagoopen nung tungkol sa kanila.

"oo naman."- kat

nakapag move on ka na ba? - me

"Bea naman! wala namang dapat ipagmove on e. Di ko kelangang magmove on. " - kat

bakit di ka magmomove on? di mo ba talaga siya minahal? - me

"ano bang klaseng tanong yan? alam mo namang siya lang yung minahal ko e."- kat

"kayo na ba ulit?" - kuya brei.

"HAHAHAHAHA panong magiging kami e di na nga kami nakakapagusap. Saka remember after the break up nagtransfer siya? kaya di na rin kami nagkikita" - kat

oo nga pala. Nagtransfer si Ian sa school nung Maxene nung nagbreak sila ng pinsan ko. Actually nung nalaman ko yung nangyari muntik ko ng sugurin yung Ian na yun buti nalang pinigilan ako ni Kat. Ewan ko ba kay Ian kase kung bat nakipagbreak eh ang sabi niya dati sakin mahal na mahal niya si Kat at hindi niya sasaktan yung pinsan ko tapos nalaman ko nalang na ginawa niya lang rebound yung pinsan ko.

Parehas lang kami ng village na pinagtitirahan ni Ian, minsan nga nakakasalubong ko siya dito sa village at sinasabi niyang gusto niya kong kausapin pero hindi ko lang siya pinansin. Nasaktan rin naman ako sa ginawa niya kay Kat. Kababata namin si Ian pero lahat ng pinagsamahan namin nawala nung niloko niya si Kat.

May pagkakataon din na nakakasalubong ko sila ni Maxene na magkasama pero pag nakikita nila ako yumuyuko lang si Ian habang si Maxene abot langit na kung makangiti. Ang sarap sabunutan at ubusin yung buhok nung babaeng yun!! Kaso napapansin ko lang si Ian , hindi siya masaya pag kasama si Maxene parang walang glow sa mga mata niya. Yung parang napipilitan lang. Nakakaawa siyang tignan pero ayun naman yung ginusto niya e.

Eh bakit ba kase di mo na kelangan magmove on?- me

"kase Bea , alam kong maaayos namin to. Magkakabalikan pa kami. Siguro di pa ngayon yung time pero alam kong mahal niya ko at mahal na mahal ko din naman siya. Siguro nahihiya lang yun makipagbalikan kaya pag nagkita ulit kami at nagkausap sisiguraduhin kong maaayos namin to at ibabalik ko kung anong meron kami. " kat

Nagulat kami ni Kuya sa sinabi ni Kat, napansin ata ni Kat na nagkatinginan kami ni kuya. After all pala umaasa pa siya na magkakabalikan na sila. Gusto kong sabihin sa kanya na imposible ng magkabalikan sila ni Ian dahil si Ian parin at Maxene hanggang ngayon. Naaawa ako kay Kat dahil punong puno siya ng pagasa. Tahimik lang kami ni kuya ng biglang nagsalita si Kat..

"Kuya Brei, Bea. Labas naman tayo oh. Namiss kong magikot dito sa village eh."- kat

Mas nagulat ako sa sinabi niya. Hindi siya pwedeng magikot dito sa village dahil may possibility na makita niya si Ian at Maxene na magkasama.

Are you sure pano kung makita mo si... - me

"Kung makita ko siya?" -kat

"Yes/oo" - Me/Brei

A Summer Where It All Started.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon