CHAPTER 9: BEA'S CONFESSION
SOPHIA'S POV:
"HAHAHAHAHA! tulog ka pa kasi kanina eh! Sayang talaga di mo nakita itsura ni Xandrei. Halatang halata na naiinis tapos nagkunyari pang may lakad sila. HAHAHA."
tawa na ko ng tawa dito sa kwarto ni Bea. Kwinento ko sa kanya yung nangyari kahapon at yung pagganti ko kanina kay Xandrei.
"Nako Kat! Iba ka talaga! Ikaw lang ata yung babaeng nakagawa nung ganun kay Xandrei."- Bea
panong ako lang? -me
"eh kase diba lahat ng babae nagkakandarapa sa kanya kaya sigurado akong walang gagawa nung ganun sa kanya." - Bea
eh nakahanap siya ng katapat niya *evil laugh*-me
"Nako mag-ingat ka ha. Kilala ko yang si Xandrei alam kong hindi nagpapatalo yan kaya gagawa yan ng paraan para gumanti."
sus! di ako gagantihan nun. barkada niya naman si Kuya Brei eh!
Aray Bea! bat mo ko binatukan?
"Eh pano kase Kat kahit naman may kapit ka kay Kuya di naman matatakot si Xandrei dun saka si Kuya di nakikielam sa mga ganyan ."
aaaaahhh.
"ano natakot ka na no?."
as if naman. Gagantihan ko parin siya. I got 1 point na nga kanina eh.
"oo na. bahala ka jan. Kat diba nakausap mo yung iba pang barkada ni Kuya kanina?"
Oo. Si Carlo, Si Bryan at si Vincent.
"close na ba kayo?"
ewan? kakakilala ko nga lang sa kanila kanina e.bakit?
"ano kase eh."
ano?
"Kat. ano kase eh."
ano nga? haha
"pwedeng humingi ng favor?"
ano ?
"pw-pwede mo ba kong ipakilala kay V- Vincent?
Ha? bakit naman ? oops. wag mong sabihing..
"Ano kase kat. May g-gusto ako sa kanya."
Omg. May gusto ka talaga ka Vincent?
"oo nga. paulit ulit lang?"
kelan pa yan?
"nung first year college pa tayo."
eh bat hindi mo sinabi sakin dati?
"Nahihiya kase ako eh hihi ^______^"
eh kapatid ka ni Kuya Brei imposible namang di ka niya kilala?
"ano ka ba syempre kilala niya ko kaso di pormal na magkakilala."
aah. gets. so gusto mong mapalapit sa kanya?
"Yun ! nagets mo! Hahahahaha hay nako. ang swerte mo nga kase nakausap mo na sila eh."
ano ka ba Bea! Kung di ko lang kelangang gantihan si Xandrei di ko sila kakausapin no.
"Sabagay. oo ano na papakilala mo na ko?"
hep! Bago kita ipakilala ikwento mo muna kung pano mo siya nagustuhan.
"sige na nga. Ganto kase yun. Dati crush ko si Xandrei."
yuck! naging crush mo yun? kadiri ka Bea ha!!
"Di pa ko tapos. So ayun nga naging crush ko si Xandrei alam mo ang bait bait niya pa nun, gentleman pa siya kaso lang may girlfriend siya eh. Pero di nagtagal nagbreak sila ng girlfriend niya edi ang saya saya ko tapos araw araw ko siyang inistalk kaso napansin ko na nagbago siya wala na yung mabait na Xandrei , nakikita ko siyang uminom saka magsigarilyo kaya naturn off ako. Isang araw nakita niya kong sinusundan siya dito sa village, nilapitan niya ko akala ko makikipagkaibigan siya kaso hindi pala. sinigawan niya ko, pinahiya niya ko, tigilan ko na daw ang pagsstalk sa kanya kase hinding hindi siya magkakagusto sakin."
GRABE NAMAN PALA YANG XANDREI NA YAN EH! AKALA MO KUNG SINONG GWAPO!!
"makinig ka muna. Habang sinisigawan niya ko, biglang dumating si Vincent sabi niya hayaan na daw ako kapatid naman daw ako ni Kuya Brei so ayun medyo kumalma si Xandrei. Matapos nun natuwa ako kay Vincent dahil sa ginawa niya hanggang siya na yung maging crush ko. Kaso matapos yun parang walang nangyari di man lang kami naging close."
Ayun. kaya pala nagkagusto ka sa kanya. mabait pala yung si Vincent eh.
"Oo naman. Simula nun Nahulog na talaga ako. I'm inlove with Vincent Soliz.."