<Luke's POV> pa rin >:)
Lumabas na ako ng pinto. Hayy. Sabi ko na nga ba eh.
Nakarating na ako sa bahay. Umakyat muna ako ng rooftop namin para magpahangin. Naiinis ako. :|
Naiinis ako na hindi ko maintindihan kung inis dahil sa kaibigan ko silang dalawa o dahil sa naunahan niya ako.
Sumilip ako sa may bahay nila Sapphire. Kita kasi ang glass door nila sa may garden. Nakupo siya dun sa sala. Nanonood nanaman siguro ng Spongebob. --_--
Tumatawa siya. Tama nga ako.
"Sana pala inunahan ko nalang si Jake kung alam kong mangyayari 'to." Sabi ko sa sarili ko. "Kung alam mo lang Sapphire. Kung ALAM mo lang talaga." =__=
Pumasok na ako. Napansin ko kasing nakatingin sa labas si Jake mula sa kwarto niya. Baka makita pa ako.
<Jake's POV>
Panu kaya nalaman ni Luke na sinabi ko na kay Sasa? *sigh* Bakit ba kasi ang lakas nun makiramdam.
Tumingin ako sa labas ng bintana ko. Nakita ko si Luke. Parang ang lalim ng iniisip niya. Nakatingin lang ako sa kanya. Pero parang napatingin din siya sa direksyon ko kaya kunwari di ko pa siya nakikita. Bumaba na siya.
Sana naman di siya galit sakin. Alam naman naming pareho na darating din ang oras na masasabi at masasabi rin namin kay Sasa. Kahit alam namin ay mas pinili pa naming maging magkakaibigan.
Hay. Kuso... Bahala na si Darna bukas.
*NEXT DAY*
As usual. Pumunta kami ni Luke para sunduin si Sasa.
"Pasensya na po, ngunit nakaalis na po ang Young Lady kanina. Mukhang nagmamadali po." Sabi nung gurad sa labas.
"Ah ganun ba. Sige mauna na rin kami." Ako
"Magko-kotse nalang ako. Tinatamad akong maglakad eh." Luke
"Ah. Sige." Mukhang iniiwasan niya ako....? O iniisip ko lang yun?
Nagkotse na rin ako pero mas nauna, or pinauna ko nalang, si Luke. Mabilis niyang minaneho ung sasakyan niya. Sinundan ko naman. Malamang, pumapasok kami sa iisang school.
Nang makarating na ko, nakita kong magkausap na sila ni Sasa.
Ang sarap sa pakiramdam sa tuwing nakikita kong ngumingiti si Sasa. Pero, bakit ganun? Iba ung ngiti niya pag magkakasama kaming tatlo, ngiti niya sa akin, at ang ngiti niya kay Luke. Bakit parang, mas totoo ang ngiti niya kay Luke?
Naglakad na sila papalayo. Siguro sa library ang punta nila.
"Whoooo. Ang sakit lang. :)" Bulong ko sa sarili ko.
"Ng alin, dre?"
Tumingin ako sa likod ko. Si Vincent lang pala. Magkakilala kami dahil sa club namin.
"Alam mo ung feeling na nakikita mong mas masaya ung mahal mo sa iba? Ung tipong sinusuntok ung dibdib mo ng ilang beses pero 'di mo magawang lumaban?"
"Ah. Siya ba?" Kilala niya kung sino ang tinutukoy ko. Pwede nyo na ring sabihin na 3rd best friend ko siya. Sinasabi ko rin sa kanya ang halos lahat ng sikreto na alam din nila Sasa at Luke. "Ayos lang yan. May oras pa naman diba? Bago dumating dun sa oras na yon?"
"Sana nga."
Anu na nga ba ngayon? 11 na diba? Amp. 3 days nalang? =_______=
Naglalakad na kami ni Vincent papunta sa classroom.
"Kamusta nga pala? Ano nangyari sa inyo ni Stephanie?" Ngumiti siya ng may pagkablush ng konti. At aba. Nakakaramdam din pala to ng kilig.
"Ah. Yun ba? Ayun. Pumayag na rin siya to give 'us' another chance."
" *chuckle* So ang saya mo na?"
"Oo naman. Ang saya ko. Di ko kasi akalain na pwede ko ulit siyang makasama pagkatapos nung nangyari dati." Ang LAKI ng ngiti niya habang sinasabi yon. Halatang masaya talaga siya. "Eh ikaw? Nasabi mo na ba?"
"Ang alin? Kay Sasa? Oo."
"O, eh bakit parang ang lungkot mo?"
"Eh kasi di naman niya ako naiintindihan. May pagka-slow din kasi yun."
"Naiintindihan niya yun. Nasa tao naman kung mas pipiliin niyang maging slow at 'kunwari' ay di ka maintindihan para maprotektahan ang bagay na mahalaga sa kanya."
"Ewan ko." At kinuwento ko na rin sa kanya ung mga iba pang nangyari. Nakapasok na rin kami sa classroom at nagsimula na ang klase.
================================================================
To be continued...? :))
Walang ginawa si Sasa sa UD na to. Ang hirap gawan ng POV ang mga lalaki. Magparamdam naman diyan ung ibang nagbabasa. Bigay kayo ng suggestions kung anu gusto nyong mangayri sa storya. :>
BINABASA MO ANG
Happiness by Your Side -ON HOLD-
Ficção AdolescenteThis is just your typical romance story. I think.