"Good morning, my name is Athena Marie Perez. Nice to meet you all."
<Luke's POV>
Teka. Bakit nandito si Athena?
Akala ko ba nasa Paris siya?
Tumingin ako kay Jake, magkatabi lang kasi kami ng upuan, nakatitig lang siya kay Athena.
Nawawala nanaman ata sa sarili tong lalaking to.
If I remember right, baliw na baliw siya noon kay Athena.
They've been together for 5 years?... I think...
Basta ang alam ko matagal silang naging item
at matagal din bago nakapagmove-on si Jake sa kanya.
Tumingin naman ako kay Sapphire. Medyo nasa 2nd row kasi siya sa harap.
Malabo kasi mata.
Bakit parang....
Galit siya na ewan? May galit ba siya kay Athena?
Galit? Lungkot? Tuwa? O selos?
Natapos na sa greetings at nagstart na ang 1st period.
Nasasagutan ni Athena lahat ng hindi namin masagutan.
As expected. Top 1 din kasi to sa batch namin during her time here.
Sulat... Basa... Recite...
*RRRRRRRRIIIIIIINNNNNNNNGGGGGGGG*
"All right class, please remember to do your assigned duties for the comming play. And to those who are IN the play, I expect the most from you." Teacher
Inayos ko nalang muna ung mga gamit ko. \
Papunta na sana ako kay Jake nang mapansin ko na papalabas na pala siya ng classroom.
Kasama si Athena.
<Sapphire's POV>
"...I expect the most from you." Sabi nung teacher namin.
Porket ba kasama sa play magaling na agad?! Nakaka-pressure ha. :/
Teka. Pupunta na nga ako kela Jake. Nagugutom na kasi ako e--
Ah. Wala na pala.
Siguro kasabay si Athena.
Bakit parang... masakit? Hindi naman ako dapat masaktan.... diba?
"Hoi."
"Ay kokey. Luke."
"Bakit nakatunganga ka diyan? Tara na. Kain na tayo. Nakakahiya ka, naririnig ko yang kulo ng tyan mo. Haha." Luke
Nahiya naman ako bigla. Baka mamaya narinig ng iba.
Sabay na kami naglakad papunta sa cafeteria.
"Hoi. Bakit parang ang tahimik mo ngayon?"
"H-ha? Ah, wala. Wala lang :D"
Tinitigan niya ako.
"Bakit? May dumi ba ako sa mukha? Bakit ka nakatitig?"
"Alam ko kung kelan ka ngumingiti ng totoo at kung kela hindi, Sapphire. Ano ba talaga problema?" Luke
"Haha. Wala nga. Ano pinagsasasabi mo diyan? Tara na nga." Naglakad na ulit kami.
Malapit na kami sa cafeteria. Bakit parang nakatitig sa amin yung mga nadadaanan namin?
"Ui, Luke, bakit parang nakatitig sila sa atin?"
"Hmm? Siguro kasi hawak mo yang kamay ko at ayaw mong bitawan."
"Ha?" Tinignan ko. Oo nga!
"Ay, oo nga! Sorry."
Binitawan ko na pero bago ko pamandin ibaba yung kamay ko hinawakan niya ulit.
"Kahit ngayon lang. Pagbigyan mo akong hawakan ang kamay mo kahit ngayon lang."
Di nalang ako sumagot.
Pero.. natuwa ako sa sinabi niya :")
Di pa rin pala nawawala and nararamdaman niya para sa akin.
Mas humigpit ang hawak niya at tuluyan ko nang hinawakan ang kamay rin niya.
BINABASA MO ANG
Happiness by Your Side -ON HOLD-
Teen FictionThis is just your typical romance story. I think.