<Sapphire's POV>
=__--
--__=
=__=
Umaga na pala..
Di kaya panaginip lang yun? Sana naman oo...
Nag-ayos na ako at pumasok na sa school. Di ko na hinintay yung dalawa. Marami pang nangyayaring kababalaghan sa utak ko.
Maaga pa ako kaya naman pumunta muna ako sa library. Binalik ko na yung hiniram ko. Overdue na ata ng 3 days?
Pagkatapos naman ay pumunta ako sa music room. Tumugtog muna ako ng piano. Pag kasi tumutugtog ako parang nawawala lahat ng naiisip ko.
Natapos na ako. Sakto nag-bell na kaya naman dumiretso na ako sa klase ko.
Halos buong araw ko atang iniiwasan yung dalawa. Kahit sa lunch. Nakikisabay ako kela Stephanie at Vincent. Kahit nakakahiya sa kanila. :))
Uwian na. Pumunta nalang ulit ako sa music room. Kinuha ko ang music sheets ko para sa 'River Flows in You' ni Yiruma.
Nagsimula na ako.
Ang chorva ko naman. Bakit yung nakakaiyak pa yung napili ko? Eh diba nga dapat yung nakakatuwa?
Natapos na rin ako. Medyo gumaan na yung nararamdaman ko.
Tumingin ako sa may salamin.
Bakit nandoon siya?
Pumasok siya bigla.
"Sapphire. Iniiwasan mo ba ako? Kami?" Sabi niya.
"Pano mo naman nasabi yan?"
"Kasi hindi mo kami hinintay kanina. Iniiwasan mo rin kami buong araw. Ni hindi mo nga kami kinakausap. Hindi mo pa kami sinabayan nung lunch. May problema ba?"
"Wala naman."
Lumapit siya unti-unti.
Nacorner na niya ako. Yung piano kasi nasa may bandang sulok.
Napasandal nalang ako sa may pader.
"Sapphire. Alam ko kung kelan ka nagsisinungaling sa akin. Nakasama na kita for almost more than 10 years. Sabihin mo na kung may problema ka ba o wala."
"Wala nga sabi."
"Tignan mo ako sa mata at sabihin mo yan."
Tumingin nalang ako sa mata niya. Bakit ganun? Parang naninibago ako sa kanya. Dahil ba sa sinabi niya ang nararamdaman niya sa akin? O dahil lang sa mga pinag-iiisip ko?
"Sapphire."
"Luke naman..."
"Sagutin mo nalang kasi."
Di talaga ako makasagot. Gustuhin ko naman wala talagang lumalabas sa bibig ko.
"Dahil ba sa mga nasabi ko sa'yo nung kahapon?"
Hindi na tuloy ako makatingin sa kanya.
Bumuntong-hininga nalang siya.
"Sorry for pressuring you with my words." Ginulo niya ang buhok ko at ngumiti ng papilit.
Lumabas na siya sa kwarto.
Bakit ganun?
Bakit naman ako naiiyak?
===============================
To be continued? :))
Andami kong kaechosan na nalalaman. :))
INSPIRED! XD
BINABASA MO ANG
Happiness by Your Side -ON HOLD-
Teen FictionThis is just your typical romance story. I think.